~Zoran Mendoza-Moretti~ [Forever Free] Pagkatapos ng kasal namin ay nanatili ang minamahal naming mga bisita sa aming bahay dahil karamihan sa aming bisita ay galing pa sa Pilipinas kaya parang pinag bakasyon ko rin sila sa Japan. Habang kami ni Ziel ay nag honeymoon sa isang private resort kung saan maraming hot springs. Iniwan namin si Cindy sa mga lola niya at lolo. Naroon din sa bahay sila Aki at Toto na aliw na aliw kay Cindy. Hindi rin sila makapaniwala na totoo nilang pamangkin si Cindy. And Cindy being a lonesome child ever since, sabik siya sa pagmamahal ng tito, tita, at pinsan. Sadly, wala pa siyang pinsan dahil only child ang Nanay Elziel niya at sila Aki at Toto naman ay parehong hindi pa mga kasal at naghahanda palang para sa future. Habang kami ni Ziel ay nasa resort, si

