~Zoran Mendoza-Moretti~ [Happy Family] “Thank you Uncle Ran sa dress, at wooden slippers, tapos meron pang umbrella. So lovely.” “Ahmm… Tatay Zoran.. call me ‘Tatay’... anak…” “Are you alright, Love?” Tanong ni Elziel sa akin nang mapansin niyang lumuluhuha ako at kung bakit biglang ganoon ang sinabi ko kay Cindy. Nilapitan ko ang mag-ina ko then kissed Cindy on her cheek. Hindi pa ako nakuntento at isa pang halik sa kanyang kabilang pisngi at sa noo. Kulang ang isa, dalawa o isang libong halik at yakap sa anak ko. Sa ilang taon naming nagkawalay, sa ilang taong pinagkait sa akin ang katotohanan. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman ko; tuwa, pananabik, panghihinayang, at galit. “Why Uncle Ran?” nagtatakang tanong ni Cindy. “I said call me ‘Tatay’,” sabi ko at ngumiti ng ubod

