~Elziel Dela Cruz~ [SUBO] Gusto kong hawiin ang bisig ni Mav na nakadantay sa akin pero pati iyon ay wala na akong lakas para gawin. “Huwag mo ‘kong yakapin,” bulong ko. Pero nanatili pa rin siyang nakayakap. “Kakalimutan na natin ang lahat at magsisimula ulit, ‘di ba?” Paano? Gustuhin ko man, pero paulit-ulit na pinapa-alala sa akin ng kabit niya ang sakit. Parang sugat na ilang beses ko mang gamutin ay paulit ulit ding dumudugo. Hindi ko pa rin sinagot ang tanong ni Mav. Pumikit na lang ako, matutulog ulit na may sama ng loob. Sana ito na ang huling gabi na iiyak ako dahil sa Monique na ‘yon. Napakasinungaling na babae, nakiki-usap na huwag siyang palayasin dahil wala raw siyang mapuntahan pero may condo, luxury car, at branded na gamit. Ayaw niya lang talagang mawalay kay Ma

