~Elziel Dela Cruz~ [PAG-ASANG NAGHIHINTAY SA BREASTFEEDING ROOM] “Hello, ready na ako. Nasaan ka na, Zoran?” Sabi ko sa kausap ko sa cellphone. Nakita ko ang nanlalaking mga mata ni Monique dahil sa gulat. Isang mapanlokong ngiti ang iniwan ko sa kanya bago ako umakyat sa kwarto ni Cindy. Umalis ako ng mansyon na bitbit ang anak ko at ang black card ni Maverick. Kanina pa may sumusunod na itim na kotse sa likuran ko. Siguro si Dave iyon, kanang-kamay ni Mav. Siguradong sinumbong na ako. But who cares? Nag drive lang ako at hindi pinansin ang bumubuntot sa akin hanggang makarating sa mall na usapan namin ng ka-date ko kung saan kami magkikita. Sa isang fancy cafe ang aming meeting place, kung saan ang isang tasa ng kape ay kasing halaga na ng isang linggong pagod ng isang minimum wa

