~Zoran Mendoza-Moretti~ [Worth Waiting For] continuation of flashback… Kakaibang init ang aking nararamdaman at hindi ko na ito napigilan. Lakas-loob kong hinalikan si Elziel… Itutuloy ko pa ba sa mas malalim, sa haplos na lampas pa sa halik… gusto ko na siyang angkinin. Habang nakalapat ang mga labi ko sa kanyang mga labi, dinama ko muna ang nakaw kong halik. Isinantabi ang konsensya dahil alam kong mali ang ginagawa ko sa kanya. Ngunit galing na mismo sa kanyang bibig na matagal niya na rin itong hinihintay. Wala lang akong lakas ng loob na gawin ito sa kanya ng gising siya. Ang mapupula niyang mga labi, sa wakas ay nahalikan ko na rin. Malambot, kay sarap halikan. Nalalasahan ko pa ang alak. Gusto ko sanang samantalahin na wala pa siyang malay pero hanggang halik lang ang kaya ko.

