~Zoran Mendoza-Moretti~ [Stolen First Kiss] continuation of flashback… Second year high school nang muling magpakita sa akin sa campus si Maverick. Matagal ko na siyang kilala. Sa iba’t ibang bansa siya lumaki, minsan sa Italy, minsan sa Amerika pero lagi at lagi siyang bumabalik sa Pilipinas. Palagi siyang nakabuntot kay Marco, natural, tatay niya ‘yon at siya ang kinikilalang nag-iisang anak at tagapagmana ng Monteclaro clan. Lingid sa kaalaman ng lahat, siya rin ang tagapagmana ng La Moretti. Bata pa lang kami ay minulat na kami ni Marco sa totoong katauhan namin at sa landas na dapat naming tahakin—ang mundo ng Mafia. Pero hindi ibig sabihin na iyon na rin ang tatahakin ko. Hindi ako papayag na ang underground ang maging kapalaran ko. Hindi ko papasukin ang mundo nila. Ako ang gaga

