~Zoran Mendoza- Moretti~ [Versus] continuation of flashback… First day high, first day din nang makita ko si Elziel, sabay kaming bumiyahe papuntang campus. Magkaklase rin pala kami. Wala kaming ibang kakilala kaya kami na rin ang magkatabi sa upuan. Wala rin seating arrangement kaya malaya kaming umupo kahit saan namin gusto. Pinili kong sa likod umupo at hindi ko inaasahan na sasamahan ako ni Ziel doon. Si Monique na best friend niya ay hindi pumasok at hindi naman namin siya kaklase. Nang lunch break na namin ay kita ko sa mga mata ni Ziel na malungkot siya dahil pinaghirapan niyang i-bake at ingatan ang cake para sa bestfriend niya. “Mukhang masarap ‘yan. Natakam nga ako nang makita ko ‘yan sa ref kanina,” sabi ko para kahit papaano ay maibsan ang lungkot niya. “Mag-bake na l

