~Elziel Dela Cruz~ [THE ONE THAT GOT AWAY] Continuation of flashback… “Para sa babaeng kasama ko sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya… sa pagbuo ng mga pangarap… I love you so much, Elziel. Meet me later. Walk with me forever.” Walang humpay ang pag buhos ng luha ko habang patakbo akong bumababa ng hagdan. Naiisip ko ang sulat ni Zoran. Tutupad siya. Kailangan kong magmadali. Ngunit pagbaba ko, bago ko pa matunton ang pintuan, napahinto ako dahil sa isang tinig. “Saan ka pupunta, Anak? Gabing-gabi na.” Boses ni Mama iyon. Naroon sila ni Papa sa sala nakaupo. Napalunok ako, agad na umiwas ng tingin at tumalikod sa kanila. Pasimpleng pinapawi ang luha ko. Pinilit na magsalita na parang normal kahit natutuyo na ang lalamunan ko sa labis na pag iyak. “Ahm diyan lang po sa labas,

