~Elziel Dela Cruz~
[PROPOSAL AND FIRST KISS]
Continuation of flashback…
“Ok naman. In fact, I have a surprise for them na siguradong ikakagulat mo.”
“I'm sorry, Mav, pero bakit ako ang magugulat?”
“Mav?” Huminto si Maverick at itinabi ang kotse. Hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti nang tumitig siya sa akin. Wala naman akong kakaibang sinabi. Bakit kaya gano'n siya makapag-react? Kakaiba talaga siya kapag dalawa na lang kaming magkasama. Sa akin lang siya ganito dahil inoobserbahan ko siya sa school simula nang mawala si Zoran. Isa siyang nonchalant, wala siyang pakialam sa paligid niya. Kaya nakakapanibago na ganito ang pakikitungo niya sa akin. Sa totoo lang, ayaw ko ng pinapansin niya ako at bnubuhusan ng atensyon dahil alam kong may kapalit ang pagiging mabuti niya sa akin at sa mga magulang ko.
“Bakit? Mav, naman talaga ang pangalan mo ‘di ba?” sabi ko na halos pabulong dahil nahihiya ako sa kanya. Hindi pa rin mawala wala ang awkward feeling na nararamdaman ko towards him.
“Hindi mo naman ako tinatawag na Mav… besides, iba talaga ‘pag ikaw ang nagsabi.” Muli niyang binuhay ang makina habang ako ay hindi na makapagsalita pa. Nakalimutan ko na rin kung ano ‘yung tinatanong ko kanina.
Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ni Papa. Habang si Mama naman ay nasa kusina, naghahanda ng hapunan.
“Good evening po, Mr. Dela Cruz,” bati ni Maverick.
Isang tipid na ngiti ang tugon ni Papa. Kaya siguro sila magkasundo ay dahil pareho silang tahimik at business minded ni Mav. Marami silang pagkakatulad.
Lumabas na si Mama galing kusina nang marinig niya ang pagdating namin. Magiliw niyang pina-upo ang aming bisita at pinaghandaan ng maiinom. Umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Wala sana akong balak na bumaba pa dahil puro business ang usapan nila, nakaka-inip. Isa pa, hindi ko naman business 'yon. So, I don't mind. Pero tawag nang tawag si Mama para pababain ako.
Pagbaba ko ay nag-uusap pa rin silang tatlo sa sala. Habang bumababa ako ng hagdan, napatigil si Maverick sa pagsasalita. Lahat sila ay nabaling ang atensyon sa akin. Nagsalubong ang kilay ni Maverick nang pinukol niya ang tingin sa akin. Tinignan niya ako simula ulo hanggang paa.
“Anak, masyado naman maikli ‘yang shorts mo,” sabi ni Papa. “May bisita tayo.”
Gusto kong umirap. Palagi naman ganito ang suot ko. Tatlo lang naman kaming nakatira sa bahay kaya hindi mahalaga kung anong itsura ko. Sa labas naman kapag may lakad ay disente akong manamit.
“Anyway, Mr. and Mrs. Dela Cruz,” sabi ni Maverick at nasa kanya na ulit ang atensyon namin. “Since nandito naman na si Elziel, meron po akong proposal.”
Napahalakhak si Papa. “Hindi naman siguro wedding proposal ‘yan sa anak ko, ano?”
“Iyon na nga po,” sagot ni Mav at tumigil ang malutong na tawa ni Papa. Habang kami ni Mama ay nagkatinginan sa gulat. Pare-pareho yata kami na ang inaasahang proposal na sinasabi ni Mav ay isang business proposal.
“Ah… come again? Joke lang ‘yan ‘di ba?”
“I’m serious, Mr. Dela Cruz.” Pinakita ni Maverick ang cellphone niya kina Mama at Papa. Pagka-upo ko sa tabi ni Mama ay nabasa ko ang pinapakita ni Mav. Conversation nila iyon ng kanyang Dad.
“Dad, gonna propose now.”
“Best of luck, son.”
Ganoon lang kasimple ang convo nilang mag-ama. Parang bibili lang ng tuta. Tama nga ang sinabi niya kanina, ako ang magugulat sa supresa niya para sa Mama at Papa ko.
Pero ang isa pang nakaka-gulat, pumayag agad si Papa. “Mabuti naman at nakapag-usap na kayo. Wala nang problema.”
Nanlaki ang mga mata ko nang gan’on kadali lang napapayag si Papa. Pati si Mama ay tila payag din. Nang gan’on kabilis?
“Pero Pa, first year pa lang ako–”
“Hindi ka naman na minor,” sagot niya at lalo akong nagulantang. Sobrang higpit nila. Ang priority nila ay makapagtapos ako ng pag-aaral pero bakit ngayon, sila pa ang nag-uudyok sa akin na makasal sa ganitong kaaga na edad at isa pa, ganito kabilis.
“Pa! Hindi pa ako handa. Ni hindi ko pa nga kilala si Mav!”
Hindi ko na napigilang mapasigaw, parang ikinulong ako sa isang sitwasyong hindi ko naman pinili, isang kulungang tila habambuhay kong pagbabayaran. Kaya hindi! Ayaw ko.
Napatingin ako kay Mav sa gitna ng pag-hysterical ko. Nakita ko na naman ang malamlam niyang mga mata. Sa hindi ko malaman na rason, basta sa tuwing gan’on ang pagtitig niya sa akin ay tumitiklop ako.
“O, siya. Tara na at kumain. Lalamig na ang pagkain,” sabi ni Mama para pababain ang tensyon.
Hindi naman tumanggi si Maverick, kasabay namin siyang kumain ng hapunan. Habang nasa hapag- kainan kami, tahimik lang akong nakamasid, pinapanood silang kumain. Parang komportable na sila sa isa't-isa. Botong-boto ang mga magulang ko kay Maverick. Hindi ko ma-enjoy ang kinakain ko, ni hindi ko malunok. Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko. Kaka-tungtong ko lang ng college, nag-uumpisa pa lang akong buuin ang mga pangarap ko, marami pa akong gustong gawin sa buhay pero heto ako ngayon, ikakasal na? At kay Maverick Monteclaro pa?
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin si Mav. Nagpresenta na akong ihatid siya sa labasan kung saan naroon naka-park ang kanyang sasakyan. Isang slot lang kasi ang kasya sa garahe namin.
Gusto ko siyang kausapin nang kami lang dalawa at linawin ang mga bagay-bagay sa pagitan namin. Tahimik kaming naglalakad. Habang hinahakbang ko ang aking mga paa, naalala ko si Zoran. Madalas niya kasi akong dalawin at hinahatid ko siya sa sakayan ng tricycle. Hawak-kamay din kaming naglalakad. Ngayon, iba na ang kasama ko. Siya kaya? May iba na kaya siyang kasama sa mga oras na ito?
Natigil ang pag-iisip ko kay Zoran nang matunton na namin ni Mav ang kotse niya. Bago pa niya buksan ang pinto nito ay hinarap ko siya.
“Maverick, anong kalokohan ‘yang pinagsasabi mo kanina?” seryoso kong tanong.
“You think marriage is just some joke, Elziel?” malamig niyang sagot. “Matagal ko ‘tong pinag-isipan. I even mustered all my courage just to tell my dad and your parents about it. Akala mo ba madali lang para sa’kin ‘yon?”
Natahimik ako. Seryoso talaga siya. Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipaglalaban ang sarili ko. Napansin kong binuksan niya na ang pinto ng kotse niya at pumasok sa loob. Binuksan ko naman ang pinto ng passenger’s seat dahil gusto ko pa siyang kausapin. Umupo agad ako at pinigilan ang kamay niya na nakalapat na sa manibela. Kainis! May background music akong naririning, “Beautiful In My Eyes”. Favorite song ko kasi ‘yon. Hindi ko na lang pinansin dahil mahalaga ang sasabihin ko sa kanya.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap, Mav. Bakit kasi nagmamadali ka? Ni hindi mo pa nga ako nililigawan!”
Kusang napatigil ang bibig ko at napa-bilog nang mapagtantong heto na naman ako, naghihisterya, at agad-agad na tumitiklop kapag tinitingnan ni Mav ang aking mga mata.
“Matagal na ‘kong nanliligaw. Since third year high school pa. Until now, hindi mo pa ‘ko sinasagot.”
Napakagat-labi na lang ako nang ma-realize na oo nga. Totoo naman ‘yon.
“Would you please stop biting your lip… It's way too seductive.”
Agad ko siyang sinunod pero mabilis pa sa alas-kwatro, inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at bago ko pa namalayan ay hinahalikan niya na ako. Hindi makagalaw ang ano mang parte ng aking katawan sa sobrang pagkabigla.
Totoo bang nakalapat ang mga labi ni Maverick sa aking mga labi? Totoo nga, nararamdaman ko ang pagkagat niya ng dahan-dahan sa labi ko at unti-unting pinasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.
Napapikit na lang ako, dinadama ang aking first kiss. Hindi siya ang inaasahan kong unang lalaki na hahalik sa akin. Lumalalim na ang kanyang mga halik at hindi ko na rin mapigilan ang pag ungol ng mahina. Tumitindig ang mga balahibo ko lalo na nang dahan-dahan niyang hinihimas ang aking hita. Hindi ko namamalayang ginagantihan ko na rin ang kanyang halik. Habang tumatagal ay lumalalim at tumitindi ang aming halikan.
Mali… maling-mali. Hindi ko dapat siya sinasabayan. Hindi ako dapat mahulog sa lalaking ito. Kaya pilit kong tinulak ang kanyang dibdib palayo sa akin. Ngunit mas malakas siya at hindi matinag-tinag. Lalo pa nga niyang pinagbutihan ang paghalik at pag pinid ng kamay ko ng mariin sa upuan upang hindi ako maka-alpas. Kinalma ko ang aking sarili dahil sa tuwing nanlalaban ako ay mas lalo siyang nagiging agresibo. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya. Hanggang sa lumamlam ang titig niya sa akin.
The passing years will show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes…
Bakit? Bakit sa eksaktong sandali ay umayon ang background music sa emosyon na nararamdaman ko? Very timely ang tugtog. Sa mga tingin ni Maverick sa akin, sa mga mata niya, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamagandang babae sa mundo.
Napayuko akong muli dahil hindi ko matagalan ang titig niya sa’kin. “B-bakit mo… ginagawa ‘to? Baka may makakita sa’tin–”
“Ano naman? Ikakasal na tayo–”
Agad akong umalma at muli siyang hinarap. “Hindi pa ako pumapayag.”
Binuhay na niya ang makina at parang wala siyang narinig. Nilapat niya na ang kanyang mga kamay sa manibela. “Hindi pa. But eventually, you will.”
Napa-irap na lang ako at kibit-balikat. Grabe sa kumpyansa sa sarili ang lalaking ito. Ganoon siya kasigurado na papakasalan ko siya. Ni hindi ko pa nga siya sinasagot. Natigilan na lang ako nang maalalang kakatapos lang ng torrid kissing namin.
“Uuwi na ‘ko, sasama ka na ba sa’kin?” tanong niya habang nakatingin sa kalsada.
At ako naman ay biglang nataranta dahil baka nga paandarin niya na ang kotse at iuwi na niya ako sa bahay niya. Kaya agad kong binuksan ang pinto at dali-daling bumaba. Nakaka-inis! Gustong-gusto kong sipain ang magara niyang kotse pero naalala kong isa itong luxury car kaya huwag na huwag ko itong gagasgasan kung ayaw kong mag-bayad ng mahal.
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ang komplikado na ng buhay ko ngayon? Naka-simangot akong nakatayo at tinalikuran na ang lalaking hambog na ito. Ayaw ko siyang makita. Naiinis ako.
Kaya bumalik ako sa bahay na wala man lang paalam sa bisita. Baka sila Papa at Mama na ang dapat kong kausapin ng masinsinan. Pag-uwi ko sa bahay, padabog kong sinara ang pinto.
“Pa! Ayokong magpakasal! Ano bang naiisip niyo ni Mama at bigla-bigla na lang kayong nagde-desisyon,” hiyaw ko habang payapa lang naka-upo si Papa sa sofa at si Mama ay nasa kusina, nag-huhugas ng pinagkainan namin.
Kanina pa ‘ko hindi mapakali. Kanina pa ‘ko naiinis. Bakit ba nila sinasantabi ang feelings ko? Bakit parang balewala na ang pag-aaral ko, ang future ko… “Pa! Hindi ito ang plano ko sa buhay–”
“Tama na anak,” sabat ni Papa kaya ako natigilan. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at seryosong tumitig sa akin. “Elziel, kailangan natin si Maverick.”
“Pero Pa—”
“May dalawang milyon ka ba?”
“D-dalawang milyon?” nauutal kong tanong.
“Naka-utang ako sa loanshark ng milyon, akala ko ay mababayaran ko dahil malakas naman ang negosyo natin pero hindi… Hindi pala gano’n kadali ang business, anak.”
Wala akong masabi. Ganito na pala kalala ang kalagayan ng buhay namin. “Pero Pa, marami pa akong plano–”
“Wala nang pero pero. Kung hindi mo kami susundin, hindi ka na rin makakapag-aral. Lahat ng plano natin, nakasalalay kay Maverick.”
Napa-upo na lang ako dahil nakakapanlambot ng tuhod ang katotohanang nalaman ko.
Nang gabi na ‘yon ay nagkulong ako sa kwarto. Pakiramdam ko ay wala akong silbi. Wala akong ambag sa pamilya namin, isa lang akong pabigat. Hanggang kinabukasan ay nagmukmok lang ako sa kwarto. Hindi ako pumasok. Kinahapunan, akala ko ay kinakatok lang ako ni Mama para kumain. Pero dumadagundong ang katok niya. “Anak! Anak! Isarado mo ang pinto, kahit anong mangyari huwag na huwag mo ‘tong bubuksan!” sigaw niya na puno ng takot ang boses.
Napa-igtad ako sa pagkakahiga ko at agad na napabangon. Bago pa ‘ko makarating ng pintuan ay narinig ko na ang sigaw niyang unting-unting humihina na tila kinakaladkad papalayo. May mga boses din ng mga lalaki na naririnig ko.
Pilit kong binubuksan ang pinto pero naka-lock ito mula sa labas.
“Oo na! Malapit na! Malapit ko nang mabayaran. Makaka-bayad na ‘ko. Ikakasal na ang anak ko sa isang Monteclaro—”
Nanginginig ang mga binti ko nang marinig ko ang boses ni Papa na nakiki-usap sa mga lalaking hindi pamilyar ang mga tinig. Marahil ito ang mga loanshark na tinutukoy niya.
“Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi ay siguradong may malalagas sa pamilya mo. Mamili ka, ibebenta namin sa sindikato ‘yang anak mo o bubutasan namin ‘yang asawa mo–”
Napa-salampak na lang ako sa sahig nang marinig ko iyon. Ibebenta ako at gagawing sèx worker. lyon agad ang unang pumasok sa isip ko. O dili kaya'y si Mama naman ay papatayin?
Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan nang nawala ang ingay. Ngunit ang malakas na kalabog sa dibdib ko ay nananatili pa rin.
“Anak! Elziel! Nariyan ka ba?” Boses ni Papa nang binuksan niya ang pinto. Agad niya akong niyakap. Kahit papaano ay naibsan ng mainit niyang mga braso ang takot ko.
Nang mga sandaling ‘yon, nakapag desisyon na akong magpakasal na kay Maverick. Kahit ayaw ko. Hindi dahil sa choosy ako, si Maverick na iyon— isang Monteclaro. Pero hindi siya ang nakikita kong makakasama habambuhay. Ganoon pa man, tadhana na siguro ang gumagawa ng paraan para kami ang magkatuluyan. Wala na akong magagawa.
Talagang seryoso si Maverick, kasama niya na ang Daddy niyang Italyano sa pamamanhikan sa bahay namin. Kailangan na ni Papa ng pera kaya minamadali na ang kasalan. Wala na rin akong tutol kung ito na ang kapalaran ko.
Simple at intimate na kasalan lang naman ang planong kasal namin ni Mav. Isang civil wedding. Parents ko lang, daddy at stepmom ni Mav at dalawang witnesses ang magiging saksi sa aming pag-iisang dibdib. Sa kakaunting tao na nakaka-alam tungkol dito, masasabi kong isa itong secret wedding. Mas maigi na rin na isang lihim ang kasal namin dahil gusto ko pang ipagpagpatuloy ang aking pag-aaral. Magiging komplikado ang buhay-estudyante ko kung malalaman nilang mag-asawa kami ni Maverick.
Handa na ang lahat- ang simple kong wedding dress pero mamahalin at elegante. Ang venue ng reception ay gaganapin sa mansyon ng mga Monteclaro. All is set na, isang buwan na lang ang hinihintay namin at araw na ng kasal.
Pero isang buwan bago ang kasal, habang kasagsagan ng pag-ulan sa gabing malamig, nakaharap ako sa life-size mirror ko, sa loob ng aking kwarto. Sinusukat ko ang aking wedding dress nang biglang may kaluskos sa bintana ko at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad ang lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Ang matagal ko nang kinasasabikan na muling makasama.
“Zoran!”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER… COMMENT PLS. SALAMAT PO. AND FOLLOW TINTANG ITIK.