Pumunta naman ako sa kinauukulan sa barangay ng lugar na ito para rito ko ipagkatiwala ang batang kasama ko. Umakyat kami sa loob ng building ng barangay. Pagpasok ko sa loob ay hinanap ko agad ang Kapitan nila. “Excuse me, Ma’am and Sir narito po ba ang pinaka pinuno ng barangay na ito?” tanong ko sa mga taong naabutan ko sa loob ng opisana. “Sino po sila?” bungad na tanong ng lalaki at napatingin naman ito sa bata na kasama ko. Nakita kong kumunot ang noo isang babae. Hanggang sa nagsalita uit ito. “Parang pamilyar sa akin ang batang ito?” Hanggang sa tawagin nito ang ibang mga kasama nito. Agad namang lumapit ang mga kasama nito. At tiningnan din ang batang kasama ko. “Di ba siya ang batang matagal nang nawawala at araw araw siyang hinahanap ng magulang niya,” anas ng mga kasama n

