THE DANGEROUS WOMAN-9

1322 Words
Ligtas naman akong nakabalik sa inuupahan kong bahay, inayos ko ng park ang motor ko na ginamit. Bago ako pumasok sa bahay ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid lalo at napakatahihimik naman ng lugar na ito. At wala naman akong nakitang kakaibang kahina-hinala, ngunit mas okay pa rin ang naninigurado ako na baka nasundan ako ng mga nakalaban ko kanina. Hanggang magdesisyon na nga akong pumasok sa loob ng bahay na inuupahan ko. Sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim, napagod ako sa pakikipaglaban kanina buti na lang at nakatakas ako. At ‘di na ako nagtagal sa lugar na iyon. Kaya sa susunod na balik ko roon ay dapat ko nang mailigtas ang mga bata. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanila. Naisipan ko naman na tawagan si palpak at pasunorin sa lugar na ito, dahil ang boring pala mag-isa at wala man lang ako makakusap rito sa bahay. Baka masiraan ako ng ulo rito. Okey na rin kung nandito si Palpak para naman may tagaluto ako rito sa bahay at mauutusan ko sa palengke. Kaya naman kinuha ko na ang telepono ko sa bag at tinawagan ito. Nag-ring naman ang cellphone nito mula sa kabilang linya. At mabilis din nitong sinagot. “Agent Nathalie, napatawag ka?” Tanong nito. “Di ba sabi ko tatawag ako sa ‘yo kapag kailangan na kita. So, ngayon alam mo na ang dahilan kung bakit ako napatawag ngayon! Kaya bukas na bukas rin ay magpunta ka rito dahil kailangan kita, wala akong makakusap rito. Wala rin akong mautusan para pumunta sa palengke,” tuloy-tuloy na litanya ko sa lalaki. “Ahmm--- ganon ba Agent Nathalie? Gagawin mo lang pala ako utusan diyan kaya mo ko pinapapunta,” malungkot na sagot ng lalaki. “Ano pupunta ka ba o hindi? Kung ayaw mo ay ‘di kita pipilitin. Dahil ayaw ko ng maarte!” “Nagtampo ka naman agad Agent Nathalie. Sige at bukas na bukas din ay luluwas ako patungo riyan. Ibigay mo lang ang sakto mong address. Para madali kitang mahanap kung saan ka nakatira,” anas ng lalaki. “Malapit lang ako sa terminal ng bus. Tawagan mo ko kapag naroon ka na bukas at susunduin na lang kita. Mag-iingat ka. Dahil nang pumunta ako rito ay may nakasagupa akong armadong lalaki sa bus pero lahat ay nakakulong na,” paalala ko sa lalaki. “Don’t worry Agent Nathalie. Kaya ko ang sarili ko. Magkita na lang tayo bukas. Salamat kasi sinama mo na naman ako sa mission mo,” anas ng lalaki. Napapailing na lamang ako. Hanggang sa nagpaalam na rin si Palpak sa akin. Ako naman ay magpapahinga. Dahil buong araw akong nagmatyag sa nilulutas ko na kaso rito. Kaya Lagi akong pagod. Hanggang sa nagdesisyon na akong matulog medyo dinadalaw na ako ng antok. Kailangan ko na ipahinga ang katawan lupa ko. Dahil bukas maaga na naman akong magmamasid sa lugar ng Sta. Maria. Aalamin ko kung bakit nila kinuha ang mga bata at kung ano ang ginagawa nila sa mga ito. Tulayan na nga akong nakatulog. Mabilis naman natapos ang buong magdamag. Naalinpungatan ako at nagising sa tunog ng alarm clock. Huyts! Istorbo naputol tuloy ang magandang panaginip ko. Napatingin naman ako sa oras. Napansin ko alas-tress pa lang ng umaga. Kaya naman bumalik ako sa pagkakatulog at pinikit ko muli ang mata ko. Kaya lang tanghali na akong nagising at sobrang mataas na rin ang araw. At nakita ko rin na marami miss call si Franko sa cellphone ko. Huyts! Alas dose na pala ng tanghali mukha napasarap ang tulog ko. Pano ba naman napakaganda ng panaginip ko. Buti nga at nagising pa ako. Pero sa totoo lang ayaw ko na magising sa panaginip kong iyon. Ahmmm--- wala naman akong magagawa. Dahil gising na rin ako. Mabilis naman akong nagtungo sa banyo para maligo. Dala ang towel ko ay pumasok na ako sa loob. Hindi naman ako nagtagal at nagbihis na ako. Kailangan kong magpunta muli sa bayan ng Sta. Maria dahil baka naroon na naman ang mga nangunguha ng mga bata. Hanggang sa lumabas na ako ng bahay at sumakay na ko sa motor. Dahil konti lang ang sasakyan sa daan at hindi trapik hindi katulad sa lunsod. Kaya naman mabilis na akong nakarating sa bayan ng Sta. Maria. Tulad ng dati ay nagmasid-masid muli ako sa paligid. Napatingin naman ako nang deritso sa may bandang kanto. Dahil may isang van na tumigil doon. Bumaba naman ang isang lalaki at dali-dali nitong binuksan ang pinto ng sasakyan. Nakita ng dalawa kong mata ang pagbaba ng mga bata na madudugis ang mga kasuotan nila. May mga batang lalaki at batang babae rin. Sa itsura nila ay mukha talaga silang kawawa. Bago pa sila tuluyan maghiwalay ay kinausap muna ito ng lalaking nagbukas ng pinto ng van. Napailing-iling naman ako habang pinagmamasdan ko lang sila ng palihim. Huminga ako ng malalim at sumakay ako sa motor ko at marahan ko itong pinaandar papalit sa kanto ng ‘di nila nalalaman. Nakita kong matapos na kausapin ang mga bata at kaagad naman umalis ang van papalayo. At nagsikalat na nga ang mga bata. Nasaksihan ko ang kanilang ginagawa. Ibat-iba sila ng istilo para kumita ng pera. May magpapangap na pilay at bulag. Mayroon naman nang lilimos sa mga tao. At mayroon din nang-aagaw ng mga gamit ng tao. Ito pala ang dahilan kung bakit nila kinukuha ang mga bata. Pinagkikitaan nila. Kawawa ang mga batang ito. Dahil ang iba ay natototo gumawa ng masama. Kaya naman nilapitan ko ang isang babae na nagmamakaawang nanghihingi ng pagkain, maganda ang itsura ng bata. Dahil sa marumi niyang suot at uling sa mukha nagmukha itong taong grasa. Paglapit ko ay kinausap ko ito ng palihim. “Bata nagugutom ka ba?” tanong ko rito. “Opo Ate, pahinge po ako ng pera bibili ko lang po ng pagkain, kanina pa po ako nagugutom,” pagmamakaawang sabi nito sa akin. Naawa naman ako sa batang babae binigyan ko ito ng barya binilhan ko rin ito ng tinapay. Nagpasalamat ito sa akin at umiyak tapos yumakap nang mahigpit. Nanginginig ang katawan nito na tila takot na takot. “Bakit ka umiiyak bata?” tanong ko. “Ate ayaw ko na pong bumalik sa lumang bodega na iyon, namimiss ko na po ang mga magulang ko. Matagal ko na po silang hindi nakakasama, baka hinanap na nila ako. Ate pakiusap po. Ilayo mo ko sa masasamang lalaki na iyon,” pakiusap ng bata habang umiiyak. “Huwag kang mag-alala bata, ihatid kita sa magulang mo. At ‘di ko hahayaan na bumalik ka pa roon. Ililigtas ko kayong lahat…” “Maraming salamat po Ate. Pero tiyak na paparusan nila ang mga kasama ko kapag malaman na kulang sila mamaya. Pinipilit nila kaming manglimos tapos ang pera ay sa kanila po napupunta,” paliwanag ng bata. Naiyukom ko ang aking kamao habang hawak-hawak ko ang bata. Bwiset! Sila hindi na sila naawa sa mga bata. Ilan sandali pa nga ay bumalik na ang van para sunduin ang mga batang iniwan nila. Mabilis kong hinila ang bata para itago sa lugar na hindi nila makikita. Sumilip lang ako upang alamin kung ano ang mga nangyayari. Mabilis naman nag-ipon-ipon ang mga bata. At isa-isa itong tiningnan ng lalaki. Nakita kong nagalit ang mga lalaki dahil kulang ng isa. “Bakit kulang kayo nasaan si jenny?” tanong nito sa mga bata. Nagsiiyakan naman ang mga bata habang pinapagalitan ang mga ito. “Hindi po namin alam,” sambit ng mga ito sa lalaki. Na--- nang gigil sa galit. Mayamaya pa ay sumakay na ang mga bata sa van. At nagmadali na itong umalis. Pinagmasdan ko lang ang tuluyan nitong paglayo. “Jenny pala ang pangalan mo?” Sabay baling ko rito. “Opo ate,” sagot nito sa akin. “Ligtas ka na bata, mayamaya din ay ihahatid na kita sa mga magulang mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD