Chapter 4 : "A murder case"

2058 Words
“A tears for thousands of judgments, desire for those perfect, and pain for those soul who was eaten by envy.” Chapter 4 SILVANA Natapos ang klase namin ng maaga kaya naman maaga rin akong makakauwi, wala rin naman akong gagawin sa library kaya siguro uuwi muna ako sa bahay namin, hays. Baka maabutan ko pa si mama na naglalaba doon sa poso. Panigurado namang hindi tutulong si Joice at palaging abala iyon sa cellphone niya. Walang tumutulong kay mama sa mga labahin, napakarami pa naman noon. Kung siguro hindi sinira ng mga taong iyon yung washing mac-wait. Wala akong pruweba. Marahas akong napabuntong hininga, bigla akong nawalan ng ganang umuwi kaya tumingin ako sa paligid ko. Nasa garden ako ng university ngayon, wala halos tao dahil lahat ng estudyante ay nasa kanilang mga classroom habang yung iba namang uwian na mas piniling lumabas na ng university para pumunta sa kalapit na mall. Gusto ko rin sana iyon pero ano bang gagawin ko doon? As if namang may pera ako, paniguradong magugutom lang ako pag nakita ko yung mga pagkain na nandoon. Hays, kung siguro mayaman kang kami. Siguro magagawa ko ng bilhin yung mga bagay na gusto ko. Siguro hindi ko na kinakailangan pa na maghirap ng ganito? Kung sana mayaman lang ako... Muli akong napabuntong hininga, sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Kahit na sonrang aliwalas at tahimik ng paligid, hindi ito nakakatulong para maibsan yung nararamdaman kong bigat at sakit. Pakiramdam ko parang...tinatamad na akong mabuhay. Ang daming problema. Nandyan yung exams namin atsaka projects sa school, tapos dumagdag pa yung pamilya ko. Imbes kasi na suportahan nila ako sa pag-aaral ko. Mas pinili pa nilang magalit sa akin kahit na wala naman akong ginagawa, ganoon ba talaga pag pamilya mo? Imbes na matuwa sayo kasi may nagagawa ka, nagagalit pa sila. Lagi nilang nararamdaman na iniinggit mo sila kahit na hindi naman. Pakiramdam ko tuloy masama ng may maabot ako sa buhay, pakiramdam ko worthless na lahat ng sakripisyong ginagawa ko para sa kanila. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago ko itinaas ang aking mukha upang damhin ang init ng araw. Kung sana masaya pa kami tulad ng dati, baka siguro hindi ganito ang pakiramdam ko. Baka ginaganahan pa aking mag-aral, imbes na tamarin. "Sigurado ba kayong kailangan natin ng tulong nila?" Agad akong napadilat ng may marinig akong boses ng isang lalaki. Dali-dali akong lumungon sa direksyon kung saan iyon nanggagaling. Kumunot ang aking noo ng makita ko ang dalawang criminology student na naka tayo sa tapat ng estatwa ng patron saint ng aming unibersidad. Naninigarilyo ang dalawa at halatang may seryosong pinag-uusapan. Kanina pa ba sila diyan? Hindi ko napansin... "Sabi ni sir marami raw tayong matutunan sa mga detective sa station na iyon." Sabi nung isa. Nagpantig naman ang aking tenga. Detective? Bakit kailangan nila ng detective? Napatingin ako sa paligid at dahil mukhang tatlo lang naman kami sa lugar na ito ay nakinig na rin ako, hindi naman nila mapapansin na nakikinig ako. Diba? Nandito ako sa umbrella, nakaupo at may libro sa lamesang nasa harapan ko. Ang iisipin nila nag-aaral ako ng mabuti! Napangisi ako bago ko binuklat ang aking libro, kunwari nagre-review ako pero ang totoo niyan nasa dalawang criminology student talaga ang pansin ko. "Nandoon si Rafael diba?" Mas lalong naagaw ng dalawa ang pansin ko. Tama kaya ang hinala ko? Yung Rafael na tinutukoy nila ay yung Rafael na dahilan kaya nakakapag-aral ako ngayon? Hindi ko maiwasang mapangiwi ng maalala ko ang huling pagkikita namin ni Rafael, nakakatakot talaga yung tao na iyon. Para siyang mangangain ng tao. Gwapo naman siya pero...kakaiba talaga kasi yung awra niya, siguro ganoon talaga pag detective at mayaman? "Boi ang lakas ng school sa mga Rowling, biruin mo napapayag nila si Rafael na magtrain ng cadets eh hindi naman prof yon at hindi totoong pulis." "Ang alam ko business ad ang natapos nung lalaki na iyon." "Sabi nga nung si Mike, gusto lang talaga nung Rafael na makialam sa mga kaso rito sa lugar natin. Nagtrain naman daw iyon atsaka nag-aral kaya pinayagan na ng mga puli-" "Pare grabi napakarami ng naresolbang kaso non, bilib nga tatay ko don. Biruin mo takot na takot sa kaniya yung mga gang doon sa sto.Niño." "Iba talaga pag mayaman atsaka malakas." "Sinabi mo pa." Tumaas ang isang kilay ko ng tumahimik ang dalawa. Bakit ang dami nilang alam kay Rafael? Atsaka ngayon ko lang nalaman na mas magaling mang chismiss ang mga lalaki... Kulang na lang yata ay banggitin ng dalawang ito yung love life nung tao. Speaking of love life... Namula ang aking magkabilang pisngi ng biglang sumagi sa isip ko yung mukha ni Rafael, urgh simula ng makita ko siya. Wala na akong nakita pa na mas gwapo kesa sa kaniya. Iba kasi yung dating niya, Oo at mabigat ang awra at emosyon na naka plaster sa mukha niya pero nakaka-attract iyon. Pakiramdam ko para akong isang alitaptap na na akit sa apoy. Sobrang delikado pero napakaganda... Hinaplos ko ang aking labi gamit ang dulo ng aking hintuturo. Ginagawa ko ito sa tuwing pipigilan kong ngumiti dahil may naalala ako. At nitong mga nakaraang araw, ang lalaking iyon lang ang nakakagawang pagalawin itong aking labi para pumormang ngiti. "Pero aattend ka ba?" "Boi sino ang hindi aattend kung si Rafael ang speaker?!" Mukhang wala na akong makukuhang matinong impormasyon sa dalawa kaya tumayo na ako at sinara ang aking libro. Pilit kong itinago ang mgiting kumorba sa aking labi ng makita kong naagaw ko na ang pansin ng dalawa. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa, napangisi yung isang lalaki at akmang lalapit na sa akin ng mabilis akong lumakad palayo. Hindi ako interisado sayo, at wala akong balak na makipag-usap. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa aking libro. Parang kanina lang ang bigat ng pakiramdam ko ah? Pero ngayon na nabalitaan kong pupunta rito si Rafael para maging speaker, bigla akong ginanahan. Hmmm Masaya ako siguro kasi sa wakas makikita ko na ulit yung lalaking dahilan kung bakit ako nakakapag-aral ngayon? Kung hindi ako pinatawag ni Rafael, wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Itong scholarship na ito ang pinaka malaking oportunidad na natanggap ko, at malaki ang pasasalamat ko sa kaniya pero... Pagkatapos kong pirmahan yung mga papeless, pagkatapos kong umalis sa opisina niya. Hindi ko na nakita pa si Rafael, wala na akong naging balita sa kaniya dahil tuwing pupunta ako sa mansion nila upang magbigay ng prutas at gulay na pinabibigay ni lola—wala ang nag-iisang anak ng mga Rowling. Napatigil ako sa paglalakad ng umihip ang malakas na hangin, tinangay nito ang iilang hibla ng aking buhok kaya upang hindi ito humarang sa mukha ko ay agad ko itong inpit sa aking tenga. Magsisimula na sana akong lumakad muli ng bigla kong naramdaman ang pagdaan ng kung sino sa aking gilid. Nanlaki ang aking mga mata at nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maamoy ko ang isang napakapamilyar na amoy. Ang matamis na amoy ng ubas at kape. Iisa lang ang kilala kong nagmamay-ari sa amoy na iyon. Tinitigan ko ang nilalang na dumaan sa aking gilid, nakalampas na ito sa akin dahil malalaki ang hakbang niya pero nakikita ko ang likod niya at kilalang kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali... Nakita ko na ang likod na ito noong araw na lumabas ako sa kwarto ng nag-iisang tigapagmana ng mga Rowlings. Ang lalaking ito... "Ra-Rafael..." Nauutal kong banggit sa pangalan niya pero hindi man lang siya nag-abalang tumigil sa paglalakad. Nas lalo akong napako sa aking kinatatayuan hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Hindi niya ba ako narinig? O baka naman hindi niya ako naalala? Kanina iniisip ko lang siya tapos ngayon, nakasabay ko pa. Ang galing naman! Natatawa akong napailing, pagtalaga iniisip natin ang isang tao. Bigla na lang silang sumusulpot. Naiiling akong nagpatuloy sa paglalakad, hindi ako makapaniwala. Nakita ko ulit siya at nakasabay pa! Sayang kung sana hindi ako napatanga, baka nakapag pasalamat ako! Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makalabas ako ng university, agad akong dumiretso sa sakayan ng jeep at akmang lalapit na ako sa jeep na bumabyahe sa lugar namin ng marinig ko ang malakas na bulungan ng mga tao sa may hindi kalayuan. Anong meroon? Wala naman akong gagawin sa bahay at bukas pa ako magre-review kaya napagpasyahan kong tignan kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Nang makalapit ako ay mas lalo lang akong naintriga dahil napakaraming tao na nagkukumpulan, nakapaikot sila at may kani-kaniyang opinyon na sinasabi. Anong nangyayari rito? Bakit nagkakagulo? "Paraan, umalis kayo sa daraanan ng medic!" Sigaw ng isang pulis na nasa gilid. Tinulak ko yung mga nasa harapan ko dahil mukhang nakita naman na nila yung nasa pinaka gitna. Sinamaan pa nila ako ng tingin pero dahil nga nacurious ako sa kung anong nangyayari ay nagpumilit pa rin akong makapunta sa pinaka gitna hanggang sa makita ko na kung anong pinagkakaguluhan nila. Hindi ko maiwasang mapangiwi ng makita ko ang katawan ng isang babae. Naparaming dugo ang nakapaligid sa katawan niya at basag ang ulo nito. Diyos ko, anong nangyari sa kaniya? "Anong nangyari diyan?" Tanong ng isang babae na kalalapit lang din dito sa pinaka gitna. "Tumalon daw mula sa Fourth floor." Agad akong napatingala upang tignan ang building na nasa aming harapan. Nagsuicide itong babae at dito pa niya sa mall naisipan gawin iyon? Parang may mali... Tinitigan ko ang bangkay na nasa aking harapan. Hindi na ako nandidiri o nasusuka pa rito dahil sanay naman na ako, nursing student ako at isang tao na lang magiging nurse na. Sinanay na kami sa mga ganitong klase ng kondisyon kaya hindi na ako nasusuka. Though noong unang beses na may makita akong ganito, halos hindi ako nakakain ng matino sa mahigit isang linggo. Pinakatitigan ko ang katawan ng babae, okay naman. Maliban sa basag niyang ulo maayos ang ibang parte ng katawan niya pero hindi ako sure dahil hindi ko naman nasuri ng maayos. Nagtataka lang ako kasi mukha namang maayos ang pamumuhay ng babaeng ito. May nga suot siyang alahas at maayos ang pananamit kaya bakit maiisipan niyang tumalon sa fourth floor nitong building? Teka nga, bakit ba ako nangingialam dito? Wala naman akong gagawin dito! Napaismid ako at akmang tatalikod na sa bangkay ng marinig ko ang boses ng isang lalaki. "This isn't a suicide case." Ani nito. Agad akong napalingon kung saan iyon galing. Huh? Nandito rin siya. Narinig ko ang malakas na t***k ng aking puso habang nakatitig sa maamong mukha ni Rafael. It makes sense, kaya malalaki ang hakbang niya kanina. Siguro ay may nagsabi sa kaniyang may nangyaring aksidente rito. Detective siya, natural lang na masabik siya sa nga krimen na katulad nito. Mahina akong napaubo at bahagyang tinulak abg babaeng nasa aking harapan. Panonoorin ko ito! "Ano ba!" Galit na singhal sa akin nung babaeng tinulak ko pero pilit ko lang itong nginitian bagi muling tumuon ang aking tingin kay Rafael na nasa tabi ng isang pulis. Siguro chief nila iyan? "Why?" Seryosong tanong nung pulis. "Look at her wrist, there are bruises. As if she was tied." Tinignan ko yubg wrist nung babae. Meroon daw bruises... Pinaningkitan ko pa ito ng tingin hangang sa makita kong totoo nga pala ang sinasabi ni Rafael, meroon ngang sugat sa palapulsuhan itong babae! Yung porna ng sugat parang galing sa lubid dahil paikot iyon! Hindi ko napansin iyan kanina ah? "And they searched for the footage of the cctv. Peralta told me that this woman is with someone else before she fell off from the 4th floor." Rinig kong paliwanag ni Rafael sa pulis pero nanatiling nakapaskil ang aking tingin sa katawan na nasa aking harapan. Ngayon na nasuri ko ng maigi ang itsura niya, napansin ko na bukod sa sugat niya sa kamay. Meroon din siya sa gilid ng leeg at paa. Nakasuot lang ng mahikling palda ang babae kaya kitang kita ko. Parang tinali siya sa tatlong parte ng katawan. Paa, kamay at leeg. Napatingala akong muli upang makita ko ang building. Wala namang tali kaya saan nakuha ng babaeng yung mga sugat? "The footage was erased." Akmang tatapunan ko na ng tingin ang pulis upang matitigan ko ulit si Rafael ng biglang may humawak sa aking braso. Sa sobrang gulat ay hindi ko na naiwasang mapatalon sa aking kinatatayuan. Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD