Chapter 5
SILVANA
"The footage was erased."
Akmang tatapunan ko na ng tingin ang pulis upang matitigan ko ulit si Rafael ng biglang may humawak sa aking braso. Sa sobrang gulat ay hindi ko na naiwasang mapatalon sa aking kinatatayuan.
Shit!
Agad kong tinignan kung sino ang nag mamay-ari sa kamay na nakapalupot sa braso ko.
"Migs?"
Anong ginagawa ng taong ito dito?
Ngumisi si Migs sa akin dahilan upang matanaw ko ang madidilaw niyang ngipin. Pilit kong pinatigas ang ekspresyon sa aking mukha upang hindi sumilay ang pandidiri rito. Basagulero si Migs, patay ako kung mapapansin niyang nandidiri ako sa kaniya.
Malaki pa naman ang utang ng tita ko sa lalaking ito.
"Kamusta na tita mo?" Tanong ng lalaki.
Hinatak ko naman ang braso ko hanggang sa mabitawan niya ito. Atsaka ko siya binigyan ng matalim na tingin.
"Hindi naman sana ako hanapan ng mga tao diba?" Pabalang kong sagot kay Migs habang hinihimas ko ang aking braso.
Bwisit na lalaking ito, napahigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko!
Napagalaw ang ilong ni Migs at naglikot ang namumula niyang mga mata.
"Sabihin mo sa kaniya nasa dulo na ng tali ang pasensya ko." Lumapit pa ang lalaki sa akin, akmang aatras na ako dahil hindi ko kaya ang amoy ng hininga niya ng bigla niyang hawakan ang aking balikat atsaka ito piniga ng madiin.
"Kung hindi pa siya makakabayad sa utang niya magkaka-gulo ka mo tayong lahat."
Agad akong nakaramdam ng takot dahil sa pagbabanta ni Migs. Alam ko na totoo ito, dahil kilala ko ang demonyong ito.
Kasama siya sa isang grupo ng mga kalalakihan, ang balita namin ay gumagamit sila ng mga pinagbabawal na gamot pero hindi nahuhuli dahil malakas ang kapit ng leader nila sa mayor. Mayaman kasi ang grupo nila Migs at sa hindi ko malamang dahilan, nagkaroon ng lakas ng loob yung tita ko na umutang sa grupo nila Migs.
"Hi-Hindi ako ang umutang sa-" Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng mas diinan niya ang pagkakahawak sa aking balikat.
Sumasakit na yung balikat ko at sigurado akong magmamarka ito pero wala akong magawa dahil sa takot kung ano ang pwede pang gawin sa akin ng lalaking ito.
"Damay damay na ito, maganda ka pa naman. Baka pwedeng iyan na lang ang ipambayad mo sa amin?"
Sinuri ako ng tingin ni Migs mula u kk o hanggang paa, hindi ko maiwasang kilabutan ng maramdaman ko kung anong klaseng tingin ang binabato niya sa akin.
Yuck, hindi ko maexplain. Pero nakakapanindig balahibo.
Kung alam ko lang na makikita ko rito itong lalaking ito, edi sana hindi na ako pumunta rito!
Umatras ako at pabalibag na inalis ang kamay ni Migs sa aking braso, napadila ang lalaki sa kaniyang labi sabay ngisi sa akin.
Nandidiri ako, halata naman na bastos itong lalaking ito!
"I-Isusumbong kita sa mga pulis!" Impit kong sigaw kay Migs.
Ramdam ko na ang panginginig ng aking boses dahil nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha. Ganito talaga ako eh pag binabastos ako ng ibang tao, hindi ko maiwasang maluha dahil sa takot.
"Oh makikinig kaya sila sayo?" Nang-aasar na tanong ng lalaki.
Mas lalo pang lumapad ang pagkaka ngisi niya at akmang hahawakan ako muli sa braso ng may biglang pumalo sa kamay niya.
"Puta-n"
"Don't you have something to do aside from ruining someone's day?" Tanong ng baritonong boses kay Migs na salubong ang magkabilang kilay.
"Sino ka bang hinayupa-" Hindi na natuloy pa ni Migs ang susunod na sasabihin niya ng makita niya kung sino ang pumalo sa kaniyang kamay.
Miski ako ay nakatulala habang nakatitig sa mukha ni Rafael na wala pinapakitang kahit na anong emosyon. Para itong bato na nakatitig sa iritadong mukha ni Migs.
"Rafael..." Mapait na bigkas ni Migs pangalan ng lalaki.
Abalang abala pa ako sa pagtitig sa mukha ni Rafael ng biglang matuon sa akin ang tingin niya, hindi ko iyon inaasahan kaya napatalon ako sa aking kinauupan.
"Ra-Rafael?" Nauutal at mahina kong banggit sa pangalan niya.
Tipid na tumango ang lalaki sabay tingin sa braso kong hanggang ngayon ay hinihimas ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano pero nagtagis ang bagang ng lalaki bago niya muling tinignan si Migs at tinaasan ng kilay.
"Leave." Malamig na utos ng detective kay Migs. Pero sadyang matigas ang ulo ni Migs dahil hindi man lang ito natinag.
Napapalatak pa ang lalaki sabay iling.
"Kung ano sayo pre hindi na ako mangingialam, ang dami mo ng kasalanan sa leader nam-"
"Am I not making myself clear?" Buong tapang na putol ni Rafael sa sassbihin ni Migs.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat sa tapang na pinakikita ni Rafael, alam kong malakas ang loob ng lalaking ito pero ang banggsin ang isa sa mga myembro ng kinatatakutang gang. Ibang klase naman na yata iyon!
Kahit na ganito ang itsura ni Migs, alam ko kung gaano kadelikado ang grupong kibibilangan niya. Ni hindi sila nagbibiro kung sasabihin nilang may tataposin silang buhay!
"Pare ang bastos mo ah?" Iritadong ani ni Migs pero walang naging epekto iyon kay Rafael.
Para bang walang nararamdaman ang lalaking ito, kahit na halatang halata na sa mukha ni Migs kung gaano siya kairitado sa kahatao niya.
"Gusto mo bang makatikim sa boss namin? Pwede kitang isumb-"
"The hell I care?"
"Abat talagang ginagalit mo k-"
"Im running out of patience..." Wika ni Rafael.
Sinimulan niyang itapik ang dulo ng kaniyang sapatos habang buong tapang pa rin na nakatitig sa mukha ni Migs, parang may hinihintay siya rito.
"Huwag mo akong subukan Rowling, hindi mo kilala kung anong klaseng gru-"
"I know your group, but I don't need to know you." This time ay medyo nabakas ko na ang pagkainis sa boses ni Rafael.
Mukhang miski siya ay nawawalan na ng gana sa pakikinig sa mga sinasabi ni Migs. Parsng sirang plaka lang naman ang lalaki at obvious naman na sa grupo niya siya naka-dantay. Iniisip ko nga na kung siguro hindi associated si Migs sa grupong kinasasalihan niya ngayon?
Baka hindi ganito katapang ang lalaking ito.
"May araw ka rin sa akin, Rowling."* Galit na singhal ni Migs bago ito naiiling na napatilikod sabay hakbang palayo.
Napangiwi pa ako ng makita ko kung gaano kakuyom ang kamao ni Migs. Mukhang galit na galit siya kay Rafael. Sana lang hindi magsumbong ang bakulaw na yan sa leader nila, hindi ko alam kung anong kaya nilang gawin kay Rafael kung nagkataon.
At kasalanan ko pa iyon...
"Why are you here?" Biglang tanong ng lalaki.
Hindi ko inaasahan iyon kaya nataranta ako.
"A-Ah kasi pauwi na ako." Nahihiya kong paliwanag sa kaniya pero mukhang hindi niya naintindihan dahil napakunot lamang ang kaniyang noo.
Napaiwas ako ng tingin. A-Ano ba dapat ang sasabihin ko? Hindi naman ako magaling makipag-usap sa mga tao kasi wala naman akong masyadong naging kaibigan.
Ta-Tapos si Rafael pa itong kaharap ko...
Napakamot ako sa aking batok, hindi ko pa rin siya magawang tignan dahil ramdam kong sa akin pa rin nakatuon ang kaniyang pansin.
Please, sa iba ka na tumingin.
Kaya kong titigan siya ng matagal pero ang salubungin ang tingin niya, iyon ang hindi ko kayang gawin.
Isang sulyap pa nga lang mula sa kaniya nanlalambot na ang mga tuhod ko, titig pa kaya?
"Go home." Wika ng lalaki matapos ang ilang minutong katahimikan na namayani sa pagitan namin.
Napatigil ako sa paglalaro sa aking mga daliri. Pinauuwi na niya ako!
Balak ko naman na talaga umuwi pero kasi gusto ko pang makausap si Rafael. Nandito siya ngayon at nasa harapan ko, pwede akong magpasalamat sa kaniya lalo na at hindi ko siya naabutan sa tuwing pupunta ako sa kanilang mansyon.
"Sa-Salamat." Nahihiya kong wika.
Rinig kong napaismid ang lalaki sabay mustra na umalis na ako, mukhang naabala ko na siya.
"Hi-Hindi kita na aabutan tuwing magbibigay ako ng prutas sa mansyon niyo."
Napatigil si Rafael sa paglalakad palapit sa mga kasamahan niya.
"Nung huli tayong nagkita hindi ako nakapag pasalamat kaya..."
Akmang hahakbang na ako palapit sa kaniya ng marinig ko ang sinabi niya.
"It's nothing, you should not waste your time bringing those fruits on the mansion."
Pakiramdam ko ay nabasag ang puso ko dahil sa sinabi niya. A-Ayaw ba niya doon sa mga prutas na pinadala ko? Pero sigurado naman ako na matatamis ang mga iyon!
Atsaka maganda naman ang itsura...
Mahigpit akong napakuyom ng kamao dahil sa nararamdaman kong lungkot. Alam ko naman na malamig talaga ang tono ng pananalita ni Rafael pero iba ang epekto nito sa akin. Lalo na at iyon pa ang sinabi niya.
"A-Akal-"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng muli siyang magsalita.
"I don't live there, I was only visiting when I saw you."
Muli akong nabuhayan ng loob.
Napadiretso ako ng tayo at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa lalaking nasa aking harapan. Nakatagilid siya kaya naman ang kaliwang bahagi lang ng mukha niya ang nakikita ko pero sapat na iyon upang makaramdam ako ng init at pagka-excite.
Ang gwapo talaga ni Rafael, mula sa makakapal niyang kilay hanggang sa mamula mula niyang labi. Hindi na ako nagtataka kung bakit napakaraming babae ang nagkakagusto sa kaniya!
"Hi-Hindi ka doon nakatira?" Kinakabahan kong tanong.
Napasinghap pa ako ng biglang tumuon sa akin ang malalim at kulay brown niyang mga mata. Iyan ang una kong napansin noong unang beses ko siyang nakita.
Nakakatawa pero natakot ako and at the same time namangha. Siguro iyan'g mga mata rin na iyan ang dahilan kung bakit napaka misteryoso ni Rafael.
Tumaas ang kaliwang kilay ng lalaki, agad naman akong napatakip sa bibig ko dahil narealize ko na ang pangit ng tanong ko.
Diyos ko, bakit ko ba tinanong iyon?!
Ano bang pakialam ko kung saan siya nakatira! Nakakahiya!
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
"Yes." Nag-aalangang sagot sa akin ni Rafael.
"Sa-Salamat ulit, pangako ko gagalingan ko pa sa pag-aaral!"
Iyon na lamang ang sinabi ko sa kaniya bago ako tumalikod at hiyang hiya na lumakad paalis. Ang dami ko pang nabubunggo na gustong maki-tsismis sa nangyaring krimen pero wala na akong pakialam sa kanila.
Basta ay nahihiya akong magpakita kay Rafael ngayon. Urgh, bakit ko ba kasi tinanong iyon?!
Mabibilis ang aking paghakbang at habang naglalakad ay nakatungo ako upang itago ang pamumula ng aking mga pisngi.
Abot abot ang lakas ng t***k ng puso ko hanggang sa hindi sinasadya kong mabunggo ang kung sino.
"Ouch!" Sa sobrang lakas ng pagkakabungo ko ay muntik na akong bumagsak sa lupa. Buti na lang at nabawi ko agad ang balanse ko.
"Sorry po!" Hingi ko ng paumanhin sa naka bunggo ko.
Nag-angat ako ng tingin upang makita kung sino ito pero napatigil ako ng makita ko ang mukha niya.
Sa sobrang gulat at takot ay wala na akong nagawa kung hindi ang mapatulala at mapaatras na lang. Pa-Paanong nangyari ito?!
Imposible ito...
Ang nakikita ko ngayon...
Nakikita ko ang sarili ko! Anong nangyayari?!
Nagsimula ng manginig ang aking mga kamay at mangatal ang aking labi.
"Miss okay ka lang?" Nakangising tanong sa akin ng babaeng kamukhang kamukha ko.
Akmang lalapitan niya ako ng mabilis akong umatras muli. Nagsalubong ang kilay ng babaeng kamukhang kamukha ko. Ba-Bakit magkamukha kami?!
Napaawang ang aking labi sa sobrang gulat, pinikit ko rin ang aking mga mata para makasiguro kung totoo ito pero pagdilat ko iba na yung mukha ng nakabangga ko. Hindi ko na siya kamukha at napagtanto kong matanda na pala ito.
Anong nangyayari sa akin?
Umaatake na naman ba yung sakit ko?
Napahilot ako sa aking sentido dahil sa sobrang gulo ng aking sitwasyon.
"Ineng ayos ka lang ba?" Tanong ng matanda pero imbes na sagotin siya ay minustrahan ko lang siya na huwag lumapit sa akin.
A-Anong petsa na? Bakit nararamdaman ko na naman ito? Umiinom naman ako ng gamot ah?
A-Atsaka ayos lang ako, hin-hindi pwedeng magkaganito na naman ako.
Napasabunot ako sa aking ulo at ng itaas ko ang tingin ko upang tignan ang paligid, napagtanto kong nakatitig na pala sa akin ang lahat.
Anong tinitingin tingin nila?!
Bago pa ako maka-agaw ng atensyon ay mabilis na akong lumakad palayo. Ni hindi ko na pinansin yung matanda dahil gusto kong ng makauwi ng bahay.
Da-Dapat umuwi na lang ako, pero hi-hindi ko sana nakausap si Rafael kung umuwi ako. Ang gulo...
Uuwi na ako.
Kailangan ko ng gamot, wala na akong dalang gamot.
Pilit kong ibinabalik ang sarili ko sa wisyo pero kahit anong gawin ko walang nangyayari. Hanggang sa makasakay ako ng jeep.
Sobrang lakas ng mga tunog sa paligid ko at nahihilo ako.