Chapter 14 SILVANA Sobrang bigat ng libing ni lola, lahat ay nakikiramay at umiiyak. Maliban sa akin na walang emosyon habang sinasamahan ang karo ni lola papunta sa huling hantungan nito. Ang daming tao na nakasunod sa amin. Mga kamag-anak at kaibigan namin na nakikisimpatya sa nangyaring pagpanaw. Yung iba nga hindi ko nakikitang bumibisita kay lola tapos ngayon na namatay na siya, ngayon sila naglalabasan. Anong saysay niyon? Hindi naman namin kailangan ng moral support, mas kailangan iyon ng lola noong nabubuhay pa ito. “Hindi ka man lang ba sisilip sa lola mo?” Tanong sa akin ni aling Mirna ng maabutan ako nito sa paglalakad. Sa mga nakalipas na araw naging close na ako kay aling Mirna dahil siya lang naman ang walang masabing tsismis tungkol sa pamilya namin. Kaya kahit na mat

