Chapter 15 SILVANA Hindi ko alam, wala akong ideya sa gulong pinasok ko. Basta ay nagulat nalang ako ng pagmulat ng aking mga mata ay galit na sa akin ang mga tao sa aming baranggay. Laman na ako ng mga chismiss at balita sa kanto at ang mas malala pa roon ay ang katotohanan na galit sa akin ang pinaka malakas na pamilya rito sa lugar namin. Ang mga Rowlings... "Ano bang katangahan ang ginawa mo?" Galit na tanong sa akin ni mama. Hawak niya ang isang bote ng alak at walang pasantabing tinutungga iyon na parang hindi alak ang laman niyon. Tatlong araw ang makalipas simula ng ilibing si lola, naging ganiyan na si mama. Araw araw umiinom st halos hindi na umuwi ng bahay minsan. Ganoon din yung kapatid ko na parang nakalimutan ng may pamilya siya. "Alam mo ba kung sino yung sinamaha

