CHAPTER 46 SILVANA “So sa sofa talaga ako matutulog? Pwede naman na tabi na lang tayo kung okay lang sayo?” Tanong ko kay Rafael habang nakatitig ako sa sofa kung saan nakalagay ang dalawang unan at isang kumot. Mukha namang komportable itong sofa at mas malambot ito kumpara roon sa kama ko sa bahay pero gusto ko roon sa kama. Nasa akin na ang bigas, papalampasin ko pa ba ang pagkakataon na ito? Muli akong humarap sa direksyon kung nasaan ang kama, nakahiga na si Rafael doon at parang natutulog na. Malaki naman yung kama niya, ang totoo nga niyan baka pwede pa naming isama si Victor diyan tapos magdadagdag pa kami ng tatlo. Oo, ganoon kalaki ang kama nI Rafael pero sa hindi ko malamang dahilan. Ayaw niyang magpatabi. “Rafael…” Ungot kong muli, at akmang lalapit na sana sa kama para p

