Chapter 20 SILVANA I had a dream, a nightmare to be precise. Nasa gitna ako ng kalsada, nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa anino ng isang lalaki. Gusto kong masilayan ang mukha ng lalaki kaya kahit na ramdam na ramdam ko ang purong takot ay iginalaw ko ang aking mga paa upang lumakad palapit sa kaniya. Everytime that I will take a step towards him, humihigpit ang dibdib ko at nauubusan ako ng hininga. May mga boses na biglang pumuno sa maingay at madilim na eskenita. Pero hindi pa rin ako nagpadala sa takot ko, nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko na kung sino ang lalaking pumukaw sa atensyon ko. Tinitigan ko ang mukha nito hanggang sa nagkaroon ng liwanag, dahan dahan iyong tumanglaw sa mukha ng lalaki hanggang sa makita ko na ang buong mukha nito.

