Chapter 21 SILVANA It's already dawn pero wala pa rin si mama, hindi pa rin siya umuuwi ng bahay. Muli kong sinulyapan ang orasan na nakasabit sa pader namin na malapit sa pinto ng kwarto ko. Alas-otso na ng gabi pero wala pa rin akong balita sa kaniya. Nakapunta kaya siya kina Joice? Baka naman may nangyari na sa- Agad kong ipinilig ang aking ulo upang pigilan ko ang sarili ko na mag-isip ng masasamang bagay, matagal ng umuuwi si mama ng gabi. Minsan nga ay halos hindi na ito umuuwi pero ngayon... Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito, kanina pa ako parang pagod at kinakabahan kahit na buong araw lang naman akong nandito sa bahay. Itinuon ko ulit ang tingin ko sa librong hawak hawak ko, kanina ko pa paulit ulit na binabasa ang isang sentence rito p

