Chapter 22 Silvana Dahan dahan kong ibinukas ang aking mga mata, nung una ay agad akong napapikit muli dahil sa pagkasilaw sa ilaw na nasa gilid ko pero nang subukan kong idilat muli ito ay hindi nakapag adjust na ang aking paningin. Na-Nasaan ako? Hindi ito ang kisame ng kwarto ko o kahit kisame ng hospital. Dahil kulay Abo at ginto ang kisameng nakikita ko ngayon. "It seems like you're confuse." Ani ng malalim at baritonong boses ng isang lalaki. Dahil sa gulat ay agad ko siyang tinapunan ng tingin. Sa harap ng malaking bintana kung saan tanaw na tanaw ang bilog na bilog na buwan, nakaupo ang lalaki sa kulay pulang single sofa na naka harap sa tanawin. May hawak itong libro at kahit nakasuot pa siya ng reading glasses kilalang kilala ko kung sino siya. "Rafael..." Nawala sa

