Chapter 7 : "Aliw"

2068 Words
Chapter 7 SILVANA Sa sobrang hirap ng naging buhay namin at sa napakaraming problema na kinahaharap nila mama, napilitan akong ibenta ang bagay na pinaka iingat-ingatan ko. Nagsimula ito noong ika-walong kaarawan ko, nagkasakit si Joice at wala kaming kahit na magkanong sentimo na nakatabi. Nakilala ko si Mader Sonya hanggang sa ialok niya sa akin ang trabaho rito sa bar na pagmamay-ari niya. Hindi naman mahirap ang magsayaw ng nakahubad sa harap ng napakaraming lalaki, ang mahirap lang para sa akin ay ang katotohanan na nagagawa kong ibenta ang aking dangal. Napakahirap kasi ng buhay, kung wala akong gagawin. Titirik sa gutom ang mga mata namin. Malungkot akong napangiti habang nakatitig pa rin sa lalaking nasa kabilang sulok, napakarami ng babae abg gustong lumapit sa kaniya pero pansin kong wala siyang pinapansin. Masyadong nakatuon ang atensyon nung lalaki sa iniinom niyang alak, nakaka sampung bote na ri na siya at kahit na natatakpan ng hoodie ang itsura niya alam kong tinamaan na siya ng kalasingan. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni mader Sonya. Tipid ko siyang nginitian sabay nguso sa lalaking kanina ko pa pinapanood. Napabuntong hininga ang matanda. "Paniguradong sasakit na naman ang ulo ni junie mamaya diyan, bakit ba kasi ayaw ming lapitan? Malay mo makakuha ka rin ng datung?" Iritadong ani ni mader Sonya. Naiinis na naman ito dahil paniguradong sakit sa ulo nila ni Junie mamaya iyang lalaki. "Ang dami na niyang tinaboy na babae, dadagdag pa ba ako?" Tanong ko kay mader Sonya. Napaikot ang namumulang mga mata ng matanda bago niya tinapik ang aking likoran bago lumakad paalis. Nginisihan ko pa ang matanda hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Muling natuon ang aking pansin sa lalaki. Ewan ko ba, pero kanina simula ng makita ko siya. Sa kaniya na nakatuon ang buong atensyon ko. Para siyang magnet kung humila ng atensyon. Biglang naging mabilis ang pagpapalit palit ng ilaw dito sa disko, mula sa kulay pula ay nagiging asul ito at berde. Masakit sa ulo ngunit dahil halos gabi gabi ako rito sa club noon ay nasanay na rin ang aking mga mata. Pumangalumbaba ako habang titig na titig pa rin sa lalaki. Kumuha na naman siya ng isang bote ng alak sa waiter, bali nakaka labing isang bote na siya ng alak niyan. Hindi ki maiwasang mapangiwi, paniguradong sobrang sakit ng ulo niya bukas. "Nakalimutan mo na yata yung pustahan niyo ni mader Sonya?" Tanong sa akin ni Junie. Nakangisi ito habang nililinisan ang mga baso na ginamit ng mga customer kanina. Siya ang pinaka batang bartender dito sa club, ang alam ko ay seventeen years old lang siya pero pinayagan siyang magtrabaho ni mader Sonya rito. Kailangan na kailangan daw kasi ni Junie ng pera para sa pag-aaral nito, naiinggit nga ako minsan sa kaniya dahil hindi niya kinakailangan na ibenta ang katawan niya para kumita ng pera. "Lalapitan ko rin naman yan mamaya." Nakangiti kong wika kay Ju Junie. Napapalatak ang lalaki hababg umiiling iling na nililinis pa rin ang baso na hawak niya. "Walang hindi naadik sayo Havana, baka mamaya dumagdag pa iyang lalaki na yan sa mga nagbibigay ng sakit ng ulo." Banta sa akin ni Junie. Ibinaba niya ang malinis ng baso bago muling kumuha ng isa upang linisin. Tinawag akong "Havana" ni Junie dahil iyon ang pangalan na ibinigay ko sa kanila. Hindi ko pwedeng gamitin ang totoo kong pangalan sa lugar na ito. Baka kasi biglang may tiga sa amin na maligaw dito at makilala pa ako. "Kung siya lang din naman ang maadik sa akin, bakit pa ako magiging choosy?" Pabiro kong tanong kay Junie. Lalong lumapad ang pagkakangisi nito. "Dito ka na." Bilin ko kay Junie bago ako tumayo. Pinagpagan ko muna ang mahikli at kumikintab na bestidang suot ko bago ako dahan dahang naglakad palapit sa lugar kung na saan ang lalaki. Nawat hakbang ko papalapit sa kaniya ay siyang malakas na pagtibok ng puso ko. Naguguluhan man ako sa nangyayari sa sarili kong katawan ay pinagpatuloy ko pa rin ang paglapit hanggang sa nasa harapan na ako ng lamesa niyang napupuno ng bote ng mga alak. Walang sigarilyo o kahit anong gamot sa lamesa niya, tanging mga walang kaman na bote ng alak lang ang nandirito. Bukod syempre sa mga plato ng pagkain. "Excuse me?" Pag-aagaw pansin ko sa estranghero ngunit hindi man lang ito nagtaas ng tingin. Humigpit lamang ang pagkakahawak niya sa bote ng alak bago uminom doon. Dahil sa kulay itim na jacket na suot niya tapos nakasuot pa siya ng eye glasses, malabo ba ang mga mata niya? "Can I seat beside you?" Malambing kong tanong sa lalaki. Magaan ang bawat kilos ko ng ipatong ko ang magkabila kong palad sa lamesa niya, atsaka ako dumukwang. Napatigil naman ang lalaki sa pag-inom sa bote ng alak na hawak niya. "You know, I'm always availab-" "Leave." Sunod sunod akong napakurap. Pinutol niya ang sinasabi ko at inutusan niya akong umalis? Bago ito sa akin... Usually kasi unang kita pa lang sa aking ng customer ko naakit na ang mga ito at ayaw ng bumitaw sa akin, pero itong lalaking ito. Kakaiba talaga siya... Mahina akong mapaubo upang nilinisin ang aking lalamunan. "Someone told me that rudeness sometimes can be an attractive personality." Wala talagang nag sabi sa akin niyan, pero may nabasa ako sa libro. "So?" Parang pamilyar ang boses ng lalaking ito, Nakita ko na ba siya dati? "If I were you, I will stop being rude. Baka mahulog ako niyan." Panlolo ko sa lalaki. Rinig ko ang paglabas ng mahinang tawa sa kaniyang bibig. "Are you a masochist?" Natatawa niyang tanong. Napangiti na lang din ako at kahit na wala pa akong nalukuhang permiso mula sa kaniya ay umupo na ako sa bangkuan na nasa kaniyang harapan, pinagdikit ko ang ang aming mga paa na nasa ibaba ng lamesa. "It depends." "Hmmm?" Dahan dahan kong kinuskos ang lantad kong hita sa sariling hita ng lalaki pero parang wala lamang itong epekto sa kaniya dahil patuloy pa rin siya sa pag-inom ng alak. "Sasakit ang ulo mo niyan." Paalala ko sa kaniya pero hindi man lang siyang nakinig sa akin. Medyo matigas ang ulo ng lalaking ito, pero gusto ko iyon. Mas itinaas ko pa ang pagkuskos ng aking hita papunta sa itaas ng hita niya, hanggang sa mapatigil ang lalaki. Pabagsak niyang ibinaba ang bote ng alak bago nag-angat ng tingin upang tignan ako. Para akong nagyelo sa kinauupan ko ng makita ko kung sino ang lalaking kanina ko pa nilalandi. Hindi ako makapaniwala... Napangisi ang lalaki bago ipinaling ang kaniyang ulo. Ang kulay kayumanggi niyang mga mata ay namumungay senyales na lasing na lasing na siya. "You are a very good dancer..." Puri sa akin ni Rafael. Kapansin pansin ang natural na scandavanian accent nito. A-Anong ginagawa nu Rafael dito? Paano niya nalaman ang tungkol sa club na ito?! Mas lalo akong namutla ng sunod sunod na mapailing ang lalaki. "I saw you before here, you're dancing on that pole naked." Dagdag pa niya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapalunok. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kakaba ngayon. Ito ang pinaka kinatatakutan ko. Ang may makaalaam kung ano ba talaga ang ginagawa ko tuwing gabi. "The reason why I choose you that day, is because I wanted to give you a chance to change your life." Wika ni Rafael. Una pa lang pala alam na niya kung ano ang ginagawa ko, ito ang dahilan kaya binigyan niya ako ng scholarship? Napatawa ako ng pagak. "But why didn't you?" Napaangat ako ng tingin. Bakit hindi ako nagbago? "Because it's not enough." Sagot ko naman sa kaniya. Nagkasalubong ang makakapal na kilay ng lalaki, ang kanina'y puno ng pagkamangha niyang mga tingin ay napalitan ng pait. Kung tignan niya ako ngayon, parang ako na ang pinaka nakakadiring tao na nakilala niya. Hindi ko siya masisi. Kay-Madali niya akong mahuhusgahan dahil hindi naman niya nararanasan itong mga ginagawa ko! Madali lang para sa kaniya na sabihin ang lahat ng ito... Pigil ko ang paglabas ng mga luha mula sa aking mga mata ng sunod sunod na mapailing ang lalaki. Aalisin na ba niya ang scholarship ko? Sasabihin niya sa mga tao kung anong klaseng babae ako? "You are not worthy to receive my scholarship." Mapait na wika ng lalaki. Napapikit ako. Bakit? Porket ba nagtra-trabaho ako rito hindi na ako worth it na makareceive ng mga bagay na natatamasa ng ibang tao? Ginagawa ko lang naman ito para magkapera kami... Gusto ko ba ito?! Hindi! May choice ba ako? Wala... "Iyon na la-" "But I'm not going to take it, continue studying and don't make me feel very disappointed." Napadilat ako agad ng marinig kong sabihin niya iyon. Hindi niya ako tatanggalan ng scholarship? "Hi-Hindi mo babawiin yung scholarship?" Hindi makapaniwala kong tanong sa lalaki. Bahagyang sumilay sa mapula niyang labi ang ngiti bago siya pabagsak na napasandal sa kaniyang upuan. "As if I can." Akmang kukuhanin pa ni Rafael ang bote na may natitirang alak ng agad kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya. Napakislot ako ng maramdaman ang pagdaloy ng mahinang kuryente sa aking kamay. "La-Lasing ka na, kailangan mo ng umuwi." Saad ko sa lalaki. Napaismid lang ito sabay hitak sa kaniyang kamay. "Go away, I'm not taking your scholarship so leave me alone." Medyo masakit sa part ko na masabihan ng ganoon, lalo na at napaka tigas ng pagkakasabi niya pero hindi ko siya pwedeng pabayaan dito. Lasing na siya at malayo pa ang bahay nila mula rito sa club, hindi naman pwedeng magdrive siya pauwi. "Hindi ka naman makakauwi ng ganiyan ka." Napabuntong hininga ako. Matigas talaga ang ulo ng lalaking ito dahil imbes na makinig sa akin ay nagpatuloy pa siya sa pag-inom. Napatitig na lang ako sa kaniya. Sabihin na nating ligtas ang scholarship ko pero paano naman ang imahe ko sa mata ng mga tao? Hindi nila pwedeng malaman na dito ako nagtra-trabaho. Tinitigan ko si Rafael, mukhang aliw na aliw ito sa panonood sa mga nagsasayaw na ilaw dahil doon lang naka pokus ang kaniyang tingin. "Sa-Sasabihin mo ba sa mga tao na trabaho ko ito?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Mahinang napatawa ang lalaki sabay iling. "Do i get something from it?" Balik niyang tanong sa akin. Iba pala talaga ang ugali ng taong ito. Noong unang araw na magkita kami sobrang tahimik niya tapos ngayon...sobrang gaspang na niyang makipag-usap. Siguro dulot lang iyan ng alak? Ramdam kong tinapunan ako ng tingin ni Rafael. "I'm not going to tell something about this dahil wala naman akong pakialam sa kung anong ginagawa mo sa buhay mo." Nakahinga ako ng maluwag. At least hindi malalaman nila mama na nagtra-trabaho ako rito. "But you should leave this place, don't come back after this night." "Pe-Pero dito na lang ako kumukuha ng panggastos k-" "I came here to investigate, do you know that your manager is selling illegal drugs to her customers?" Nanlaki ang mga mata ko sa ibinunyag niya. Oo at matagal na akong nandito pero hindi ko alam na nagbebenta si mader Sonya ng drugs sa mga customer namin. Pero noon may napapansin na nga akong kakaiba, bago pumasok sa mga vip rooms ang ibang customer may inaabot si mader Sonya na isang maliit na pouch. Akala ko ay condoms at lubricants lang iyon kaya hindi na ako nag-abala pang makialam. Pero siguro, iyon na nga iyon. "Kung mag iimbestiga ka, bakit nagpapakalasing ka rito?" Nagtataka kong tanong. Napabuga ng hangin si Rafael. "I have a pretty high alcohol tolerance, I don't get drunk that fast. And this..." Iminustra niya ang mga boteng nasa kaniyang lamesa. "This are all props." Acting lang niya na kunwari ay lasing na siya? "Humahanap ka ba ng babaeng maiinterview para sa imbestigasyon mo rito?" Tanong ko. Napataas ang isang kilay ni Rafael pero tumango rin naman siya. "Pero bakit tinstanggihan mo yung mga babaeng lumalapit sayo?" Kanina ko pa siya pinapanood, at nagtataka ako dahil kung pag-iimbestiga ang pinunta niya rito, bakit tinataboy niya yung mga babaeng gustong lumapit sa kaniya? Ibinaba ni Rafael ang bote na hawak niya. "It's because, I only want you." Napaturo ako bigla sa sarili ko. "Ako?" "Hmmm precisely." Napabagsak ang magkabila kong balikat. "Pero tinataboy mo rin naman ako kanina ah?" Parang may biglang kumibot na ugat sa sentido ni Rafael. "Nainis ako sayo." Singhal niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD