Chapter 8 SILVANA Hindi pa naman ako pumapayaga sa gustong mangyari ni Rafael, pero nay choice ba ako? Pagkatapos niyang sabihin sa akin ang plano niya, basta na lang niya akong tinaboy paalis sa lamesa. Pinapunta niya ako rito sa kwarto ng mga dancers para raw hindi ako makagulo sa balak niyang gawin. Hindi pa rin ako ganoong naniniwala sa sinasabi niya, ang tagal ko ng nagtra-trabaho sa lugar na ito pero ni minsan hindi ko nakitang gumagamit si mader Sonya. Ni ilan sa mga staff at dancers, hindi ko napapansin na nag dru-drugs pero may nakikita akong inaabot si mader sa mga customer niya sa vip room. "Silvana!" Sigaw ni mader Sonya. Sa sobrang gulat ko ay napakislot ako sa akimg upuan. "Gusto kang i-vip room nung lalaking kausap mo kanina!" Masayang sigaw ng matanda sa akin. Kinun

