Chapter 1 : The beginning

1135 Words
Chapter 1 °Silvana° Masaya ang mundong ginagalawan ng mga taong naniniwala sa langit at impyerno. Walang problema ang mga taong ang iniisip ay kabutihan. Tama ang pagkitil ng mga buhay sa mga taong nag nanais na makamit ang hustisya. Baliktad ang mundo ng mga taong naiinggit sa kapwa nila. Sobrang hirap intindihin ng mundo, maraming mali ang nagiging tama at maraming bagay ang may iba’t ibang kahulugan. Mayroon tayong kani-kaniyang paniniwala, yoon siguro ang dahilan kaya hindi natin magawang intindihin ang bawat isa. Kung bakit meroon pa rin’g karahasan at kaguluhan kahit na may batas ng namumuno sa bayan. Sobrang gulo ng pag-iisip ko at sa hindi ko malamang dahilan, napakaraming boses na umaalingawngaw sa aking utak. Siguro ito iyong sinasabi nilang dalawang gabay ng tao, ang konsensya natin na nagsasabi kung ano ang tama sa mali. “Pasensya ka na, hindi ka muna makakapag-aral ah.” Hindi ko masabi kung masaya o malungkot si mama pero alam kong ayos lang sa kaniya na hindi muna ako makapag-aral. Mas uunahin kasi nitong pagtapusin ang kapatid ko bago ako. Ang dahilan nila, dahil daw may trabaho na ako at kumikita ng pera. Tama naman sina mama, bakit pa ako mag-aaral kung meron naman na akon’g trabaho na sumusuporta sa pamilya namin? Pero…Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot. Siguro dahil gusto ko rin’g makapag-aral kesa magtrabaho. Gusto kong maabot ang mga pangarap ko para mas mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Malungkot kong nginitian si mama, sa sagutin ko na sana ang malungkot niyang balita ng biglang kumalampag ang pinto ng maliit naming bahay. “Sino na naman kaya yan?” Iritadong tanong ni mama. “Joice, paki buksan nga ng pinto?” Utos ni mama sa nakababata kong kapatid. Abala si Joice sa paggamit ng kaniyang telepono at dahil naabala siya ni mama ay padabog itong lumapit sa pinto upang buksan. Bumungad sa aming paningin ang humahangos na si Tita Margaret. Kapatid siya ni mama. “Hoy Silvana, di'ba gusto mong makapagtapos ng pag-aaral?” Tanong ni tita Margaret. Agad lumiwanag ang mga mata ko dahil sa lumabas sa bibig niya. “Mayroong pa-scholar ‘yung mga Rowling!” Mga Rowling? Yung mayaman na pamilya na may anak na detective? Ano nga ulit ang pangalan ng lalaking iyon? Ang alam ko ay naging kalaro ko siya noong mga bata pa kami. Hindi ko lang maalala ang pangalan niya dala na rin nung aksidenteng kinasangkutan ko noong ten years old pa lang ako. “Pa-scholar po?” Eksaheradang napa tango ang aking tita bago ito pumasok sa bahay at umupo sa tabi ni Joice na ang lawak ng ngisi habang naka titig sa kaniyang telepono. Sino na naman kaya ang ka-chat ng babaeng iyan? Sumimangot ako ng maalala yung huling conversation nila nung ex boyfriend niya, aksidente kong nabasa iyon ng maiwanan ng kapatid ko ang telepono niya sa lamesa. Nagalit ako sa kaniya, dahil hindi pa dapat siya nagkakaroon ng boyfriend lalo na at nag-aaral pa lang siya. “Ang sabi roon sa kanto, nagpapa-scholar daw yung mag-asawa dahil balak tumakbo sa susunod na eleksyon.” Paliwanag ni tita sa amin ni mama. Marahil ay narinig lang niya ito do’n sa mga ka-binggo niya sa kanto. “Saan po ba magpapasa ng requirements?” Tanong ko kay tita. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa na baka magawa kong makapag-aral. “Sa bahay ng mga Rowling, papasok ka lang tapos kakausapin ka ni Mr.Rowling. Siguraduhin mo na dala mo ‘yung form 137 at saka 138, pati na rin birth certificate!” Sagot ni tita sa akin. Binigyan ko ng sagad na ngiti ang tita ko. May naibalita siyang maganda sa amin ngayon, kadalasan kasi ay pumupunta lang siya rito para may i-chismis kay mama o kaya naman ay umutang sa amin ng pera. “Pupunta na po ako ngayon.” Hindi ko pa man nagagawang maka tayo sa upuan ng biglang hawakan ni mama ang kamay ko. “Baka makalimutan mo iyong trabaho mo kung mag-aaral ka?” Kinunutan ko ng noo si mama, ayaw ba niya akong makapag-tapos ng pag-aaral? “Ma, kaya ko naman po’ng pagsabayin ‘yon.” Saad ko sa kaniya gamit ang nagmamakaawang tono. Gustong gusto ko talaga kasing makapag tapos ng pag-aaral. Naiinggit din kasi ako sa mga kaklase ko rati na kasalukuyang abala sa pagkuha sa mga kursong gusto nila. Hindi ko naman maiiwasan yoon lalo na at tulad nila, gusto ko ring may marating sa buhay. Kinunutan ako ng noo ni mama, parang nagdadalawang isip pa ito kung hahayaan akong makapag-aral o pipigilan ako at sasabihing ituon na lang ang aking pansin sa trabaho. Nagdasal ako na sana pumayag ito dahil kung totoo man ang sinasabi ni tita na may scholarship na ibinibigay ang mga Rowling, magiging malaking tulong iyon para sa pag-aaral ko. “Hayaan mo na Iesa, alam mo namang matalino ‘yang anak mo. Dapat nga yan ang pinag-aaral mo, hindi yang isa mong anak na puro nobyo niya ang inaatupag.” Wika ni tita Margaret na umani ng irap sa kapatid ko. Hindi naman ako ganoon katalino tulad ng ibang bata. Sa totoo nga niyan, nahihiya ako sa tuwing sasabihin iyon ng ibang tao. Dahil sipag lang naman ang dahilan kaya may kataasan ang mga grades ko sa school noon. Binigyan ko si tita Margaret ng nagpapasalamat na tingin bago ko muling itinuon ang aking pansin kay mama na mukhang hindi pa rin alam kung ano ang gagawin. Ganoon ba kahirap pagdesisyonan kung hahayaan akong makapag-aral? Bakit iyong ibang magulang, sila pa mismo ang nag hihikayat sa mga anak nila na mag-aral ng mabuti? “Basta huwag mong pababayaan iyang trabaho mo. Alam mo naman na iyan na lang ang bumubuhay sa atin.” Sumukong pahayag ni mama na nagpakislap sa aking mga mata. Sobrang saya ko! Hindi ko inaasahan na papayagan niya akong makapag-apply ng scholarship! May tiyansa na ulit akong makapag-aral! Sa sobrang saya hindi ko na nasagot si mama, dali dali akong pumasok sa kwarto ko para magbihis at kunin lahat ng dokumentong kinakailangan. Kailangan akong makuha bilang isang scholar! Gagawin ko ito para kina mama at lola, para mabigyan ko sila ng magandang buhay. “Andoon na yung ibang mga estudyante, pati iyong anak ng kumare ko pumunta na sa bahay ng mga Rowling para makapag-apply.” Rinig kong pahayag ni tita habang nagbibihis ako rito sa kwarto. “Ang sabi basta ibibigay mo lang iyong pangalan mo, titignan nila iyong grades mo at performance mo sa school bago ka ma-aprubahan bilang scholar nila.” Dagdag pa ni tita. “Salamat po tita!” Sigaw ko pabalik kay tita Margaret. “Basta mag-aral ka ng mabuti!” Opo, mag-aaral ako ng mabuti para maibigay ko ‘yung mga bagay na gusto ninyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD