Synopsis

203 Words
Pagkatapos makaalis ni Silvana sa kaso sa pagpatay sa sarili niyang pamilya. Nagpaka layo-layo siya at piniling mabuhay malayo sa mga nakakakilala sa kaniya. Tinupad niya ang kaniyang mga pangarap at naging masaya sa bawat desisyong kaniyang pinipili. Akala ni Silvana ay mananatiling ganoon ang takbo ng kaniyang buhay, hanggang sa muling kumatok sa puso niya ang lalaking minsan ay nagparamdam sa kaniya ng totoong pagmamahal pero bakit parang may kakaiba na sa nararamdaman niya? Bakit mas matindi ang takot na nararamdaman niya ganoong nasa kaniyang harapan ang taong totoong nagmamalasakit sa kaniya noon pa? Tinitigan ni Silvana ang mata ng lalaki at doon niya naramdaman ang pakay nito sa kaniya. Determinado itong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga kamag-anak niya at imbes na matuwa ay hindi nasiyahan si Silvana. Gusto niyang tapusin na rin ang lalaki pero magagawa ba niya iyon sa lalaking minsan ng pumukaw sa kaniyang interest? Magagawa niya bang tapusin ang buhay ng lalaking hanggang ngayon ay nagbibigay ning-ning sa madilim niyang mundo? Ang lalaking iyon ang realidad niya, ang tanging tao na nagpapaalala sa kaniya kung ano ang totoo, anong mangyayari kung mismong ang lalaki na iyon ang humahalungkat sa nakaraan niyang hindi na dapat pa maungkat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD