Chapter 10 SILVANA Ilang minuto lang ang hinintay namin hanggang sa makarinig kami ng mahihinang katok sa pinto. Agad kaming nagkatinginan ni Raphael. Iritadong napa-irap ang lalaki sa akin. "If you don't want to pass out, don't eat the food." Bilin sa akin nito. Mahina lang akong tumango at ng tumayo na siya para buksan ang pinto ay bumalik na ako sa pagkakahiga ko sa kama. Tulad ng inutos ni Rafael ay kunwari wala akong malay. Kaya kahit labag sa aking loob ay ipinikit ko ang aking mga mata. Rinig ko ang pagbukas ng pinto. "Good evening sir, here's your order." Boses iyon ni France, waiter sa mga vip customer. "Hmmm Vip number 346." Asik naman ni Rafael. Pagkatapos niyon ay wala na akong narinig pero alam ko na nagmumustrahan sila. "Thank you." Sabi ng waiter, after that na

