EPISODE XX

1297 Words
"THE REVELATION (Part 1)" ANG NAKARAAN, Nabunyag na ang katotohanan sa tunay na Salarin. "Ginawa nyang pa-in ang sarili upang mahuli kayong mga hayop kayo!" Sigaw ni Ced kay Rita. "Hindi ako papayag na masasayang lang ang pinag-hirapan ko!" Sabi ni Rita habang dahan dahan itong umaatras papuntang pintuan. Nang subukan nilang dakpin si Rita ay nakatanggap naman ng isang tawag si Ced mula Kay David. At mapipigilan pa ba kaya ng grupo ni Denny Ann ang masamang balak ni Mother Agnes Kay Shairmaine? ANG KARUGTUNG, Sa Beauty Contest... Nang isusuot na ni Mother Agnes ang korona kay  Shairmaine ay biglang nawalan ng ilaw. "Ay bakit?" Sabay na sigaw ng ibang kandidata sa Stage. At nagkaroon naman ng pagkakataon na tanggalin ni Shairmaine ang Mind control device na nakalagay sa likud ng korona. "What happen?" Sigaw ni Mother Agnes. At ilang sandali pa ay bumalik ulit ang ilaw at nakita Nina Shairmaine si Mr. Henry Rodriguez kasama ang isang babae. "Mr. Rodriguez??" Gulat na Sabi ni Shairmaine. At agad syang hinawakan ni Denny Ann sabay bulong. "Confirmed!" Bulong nya sa kasama. "Mr. Rodriguez we got the crown. Look I'm wearing it!" Ngiting sabi ni Shairmaine. Habang papalapit si Mr. Rodriguez sakanila ay pumalakpak ito pati na din ang babaeng kasama nya. "Good Job Agents..ikararangal kayo ng MIB because of this. But what if hindi na kayo makalabas dito?" Natatawang Sabi ni Mr Rodriguez. "Wag na Wag mong sasaktan ang mga kaibigan ko! Ako diba ang hanap mo? At ang relong ito!" Sigaw ni Denny Ann habang pinakita nya ang relong suot. "Yes, thats what I want! And Hindi namin makukuha yan kung hindi ka nawawalan ng hininga." Sabi ni Mr. Henry Rodriguez. "In short you need to die!" Sabi ng babaeng kasama ni Mr. Rodriguez. "Sino naman to? Kapag nalaman ito ni Miss Rita. Tyak mawawalan ka ng kapangyarihan sa MIB." Ngiting Sabi ni Denny Ann. "Rita? Don't you know? She's my co-founder sa Black Dragon?" Sabi ni Mr. Henry habang itinutok sa mukha ni Denny Ann ang hawak nyang baril. Samantala sa Lab ni Ced. "Nakatakas si Rita anong gagawin natin?" Pag aalalang Sabi ni Cedrick. "Hindi na importante yan, iligtas muna natin ang mga Bata. Binigyan ko na ng instructions si David. Kaya hali na! Sundan natin sila doon. " Sabi ni Ced. "Tumawag ka din ng back up at ipasa mo ang video na Yan sa head. Upang maparusahan silang dalawa. Sguradong Hindi matutuwa si Madam Ruby Jane dito." Sabi ni Ced sabay silang pumasok sa isang elevator. Habang Sina David at Shairmaine naman ay kumuha ng mga karagdagang gadgets sa Opisina. Utos na din ito ni Ced sakanila. "I can't believe na all of these things are scripted. Tang ina!" Galit na Sabi ni David. "Calm down David! Bilisan na natin baka mapano na sila doon." Sabi ni Shairmaine. Balik sa Beauty Contest... "Habang sinasanay ka namin, ay gumagawa na kami Ng paraan upang mahack ang system ng relo. But sad to say you need to die bago matanggal ang relo sayo!" Sabi ni Mr. Rodriguez. "Mga hayop kayo!" Sigaw ni Denny Ann. At may isang lalaking nasa edad bente ang dumating na mas lalo pang ikinagulat ni Denny Ann. "Sir Derek ikaw din?" Gulat na Sabi ni Denny Ann. "Hi Kayla Kaya pala Wala ka sa opisina. Dahil nandito ka sa beauty contest." Ngiting Sabi ni Derek. Ilang sandali pa ay may putok ng baril ang umalingaw-ngaw at natamaan si Denny Ann sa kanyang braso. "No Violet!!" Sigaw ni Shairmaine habang inaalalayan sya. "Umalis kana Shairmaine. Isama mo si Marie dali!" Sabi ni Denny Ann sakanya. "No, were team so we need to work as one diba? " Sabi ni Shairmaine at ikinasa nya ang hawak nyang Baril habang itinutok nya Ito sa direksyon kung saan nanggaling ang bala na tumama kay Denny Ann. Mula sa madilim na sulok ay, lumabas si Rita na may hawak na Baril. "Hello Violet Dear? Are you okay?" Ngiting Sabi nito habang paakyat ng stage. "Ngayon Alam ko na! Noong nasa mall tayo, all of those are scripted. Mga tauhan mo yung nakita ni David sa monitor!" Galit na Sabi nya. "Yes Dear, Ang Dali mo Lang kasing utuin!" Sabi ni Rita sabay sabunot sakanyang buhok. "Miss Rita why are you doing this? Layuan mo si Violet! Or else ipuputok ko to sa mga ulo nyo!" Banta ni Shairmaine. "Seryuso? Ang Shairmaine Fernandez na galit at ingetera Kay Violet ililigtas ang mortal nyang kaaway  saamin. Why don't you join us? Be one of us diba Mr. Rodriguez?" Tawang Sabi ni Rita. "No! Stay away from her!" Sabi ni Shairmaine habang inaalalayan pa din si Denny Ann. "This is wasting of time.  Derek kill that woman! Kung saan sya diba ang dahilan Kung bakit namatay ang love interest mo?" Ngiting Sabi ng babaeng katabi ni Mr.  Rodriguez. "Ano? Wala akong pinatay na kahit Sino!" Sabi ni Denny Ann nang akmang susugurin na nya si Rita ay pinigilan sya ni Shairmaine. "We need to escape from this place Violet. Babalikan natin sila.!" Sabi ni Shairmaine sabay pindut ng home button sa kanyang suit. Ngunit Hindi Ito gumana. "Oh dear? Wala nang silbi ang suit na yan. Kasi pinatay ko na yung system natin sa opisina. So you will have to join Violet on his dying scene. Wag ka mag aalala, ikaw din Ang isusunod namin!" Sabi ni Rita. Agad tinutukan ni Rita at Derek si Denny Ann nang biglang sumigaw si Mother Agnes. "Nawawala ang remote control ko!" Sigaw nito habang hinahalungkat Ang kanyang bag. "What? Napakaburara mo Naman bakla ka! Hanapin mo!" Sigaw ni Mr. Henry Rodriguez. "Stop calling her Violet, Ann Marie or Kayla. Because her name is Denny Ann Nemenzo!" Sabi ni Rita Sabay putok ng baril nya. Ngunit agad namang itinulak ni Shairmaine si Denny Ann dahilan upang sya Ang matamaan. "Noooo!!! Shairmaine! Nooo!!" Umiiyak na Sabi ni Denny Ann habang nakatingin kay Shairmaine. Habang umiiyak si Denny Ann sakanyang harapan ay may tinanggal na maliit na bagay mula sakanyang leeg at mas nagulat pa si Denny Ann sakanyang na diskubre. "Hi?" Ngiting sabi ng lalaking kaharap nya. "Christian? Papanot bakit?" Gulat na Sabi ni Denny Ann. "Alam namin ang tunay mong pagkatao Denny Ann. Kinausap kami ni Miss Ced tungkol sayo. Noong nakita ko si Miss Rita na may iniligay na gamot sa iniinom mo. At Ang gamot na Yun ay gamot upang ikaw ay mawalan ng mga alala!" Sabi ni Christian habang umuubo at lumalabas sa kanyang bibig Ang maraming dugo. "Magbabayad kayo sa ginawa nyo! Lalo kana Rita!" Tumayo si Denny Ann upang sugurin si Rita ng bigla syang pinaputukan ni Derek. "For my beloved.." Sabi niya habang nakatingin kay Denny Ann. Ngunit bigla silang nagulat sakanilang nakita ng biglang may kumanta at lumabas galing sa backstage sabay sabing. "Ako si Kayla Mendoza, I am the assistant of Kent Sanchez..." Sabi Ng babae na kamukha ni Denny Ann. Huminto sa pagkanta ang babae na kamukha ni Denny Ann at nagsabi ng... "Ako si Ann Marie Cervantes,  I am a singer sa Bar ni Miss Helen Cervantes." Sambit nito at Ang dalawang babae ay sabay sabay na itinutok ang mga baril kina Derek at Rita. Habang si Mr. Rodriguez Naman at Ang mga tauhan nya ay nakaupo Lang sa Audience seats kasama si Mother Agnes. "Good Job!" Sabi ni Mr. Rodriguez. "Ako pa ba! Mabuhay ang Black Dragon!" Ngiting Sabi ni Mother Agnes. Nagulat si Derek sakanyang nakita dahil sa kanyang harapan ang Nagpakilalang Kayla Mendoza. At suot nito ang Kwentas na octagon. "What's the meaning of this? Akala ko ba iisang tao lang Sina Ann Marie at Kayla ? Bakit yang Denny Ann na nasa sahig ay walang suot na kwentas. While Ito meron?" Sabi ni Derek. "Mga kasamahan yan ni Denny Ann gumagamit sila ng Identity Chip." Sagot ni Rita habang matalim Ang kanyang titig sa Nagpakilalang Ann Marie Cervantes. "Nagulat ba kayo?" Sabi ni Ann Marie. "Sino ka? Pagpakilala ka!" Sigaw ni Rita. Habang si Derek ay naluluha at unti-unting nilalapitan ang Nagpakilalang Kayla Mendoza. "Meaning Rek, Hindi ako patay!" Sabi ni Kayla sabay hubad ng kwentas at itinapon Ito sa kanyang harapan ngunit nakatutok pa din ang baril Kay Derek. "David? I know ikaw yan. Sorry Hindi ko Alam!" Pagpapaliwanag nya sa kausap. "Sige lumapit ka! Hindi ako magdadalawang isip na iputok Ito sa bungo mo!" Umiiyak na Sabi ng nagpapanggap na Kayla Mendoza. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD