EPISODE XIX

1191 Words
"WANTED MISS CONGENIALITY (PART 4)" ANG NAKARAAN,  Matagumpay na nabuksan Nina Ced at Cedrick ang security code na inilagay ni Georgina sa relo. "Thanks bro, mag trabaho ka nalang Kaya dito!" Sabi ni Ced habang binubuksan ang mga files. Samantala nagka-ayus na ang magkapatid na Derek at Kent dahil sa pagsisinungaling ni David.  Ngunit, papano malalaman ni Derek ang tunay na katauhan ni Kayla Mendoza. Habang sa beauty contest, makukuha kaya ng grupo ni Denny Ann ang korona? At maililigtas Kaya ni David Ang kanyang mga kaibigan sa kamay ni Mother Agnes? ANG KARUGTUNG, Sa Lab ni Ced.. Abala si Ced sa kakascroll ng biglang nabaling ang kanyang attensyon sa isang file. "02-20-2019 unamed file? Bat naman maglalagay si Georgina ng ganito. I know Georgina she wants organize. Mapa baso at kutsara man yan. Dapat maayus at may label. Sabagay di Naman pala kayo nagka label ni Georgina.." Sabi ni Ced habang nagpaparinig sakanyang kapatid. "Gumagawa ka nanaman ng Issue pandak. e-click mo nga. Baka may mahanap tayo!" Sambit ng kapatid ni Ced. "Tingnan mo ang video nato? Ito rin pala ung araw na nasa misyon si Georgina. Mission High-tech Watch!" Sabi ni Ced at iniplay ang video. Sa Video... "February 20 2019, nandito ako ngayon sa Warehouse ng black dragon Kung saan nandito ngayon ang high-tech watch. Kung sakali mang makita ng Sino man ang video na Ito ay sasabihin ko na ang aking nalalaman. Ang high-tech watch ay galing sa mga alien noong 1890 na ibinigay nila sa mga sinaunang tao. Specially Kay Datu Juban, aside sa Pagiging advance nito ay nilagyan pa Ito ng mahika. At Ang mga mahikang iyon ay galing sa ibat-ibang babaylan sa dito sa pilipinas. Hindi lang technology ang meron sa Relo, may halo din itong mahika. Ngayon nalaman ko na ang leader ng black dragon ay isa sa mga founder ng MIB na si Mr. Henry Rodriguez. Gusto niyang Gamitin ang relo upang pagharian ang buong sanlibutan. Napaka ambisyoso naman nya! Buong mundo agad? Bat Hindi Kaya mag simula sya sa pilipinas o barangay muna tapos syudad. Hindi Biro lang! Sana mapatawad ako ni Rita sa gagawin kung pagsosolo." Hanggang pumasok na ng warehouse si Georgina ng mag-isa. "Napakatigas ng ulo ng babaeng ito, Sabi ni Rita na tayong apat ang pupunta. Nag solo sya!" Sabi ni Ced. "Ssh ituloy na natin.. mahaba din pala narecord nya." Sabi ni Cedrick. At pinatuloy nilang pinanood ang video.. Samantala sa Beauty Contest.. "Now this is it, We have 5 candidates on my side. And I have the results on my hands. So yeah, pati ako kinakabahan.." Sabi ni Mother Agnes. Habang Sina Denny Ann, Shairmaine at iba pang kandidata ay nakatayo sa likud ng matandang lalaki. Sa audience seats naman ay Sina Marie at Christian nagbabantay sa paligid ng biglang tumabi si David Kay Christian sabay sabing.. "Code for Danger!" Mahinang Sabi ni David. "What?" Tugon naman ni Christian ng di nya madinig ang sinasabi ni David. "Marie !" Tawag ni David Kay Marie. "Bakit ka nandito? Anong problema?" Tanong ng babae sakanya habang nakatingin sa kanyang salamin. "Code for Danger Black dragon si Mother Agnes. As you can see sa logo ng Suot nya ngayon. Violet is in Danger." Sabi ni David. "Naloko na!" Pag-aalalang Sabi ni Christian sabay Tayo sa inuupuan nya. "Seat down Chris. I heard it, ako nang bahala kayong Dalawa bumalik kayo sa Van, antayin nyo kami ni Shairmaine at Violet. Go!" Sabi ni Marie. At dahan dahan namang tumayo si Marie papuntang Back stage. Una nyang hinanap ang kwarto ni mother Agnes. Hanggang sa nahanap niya Ito dahil sa napaskil na picture ng matandang lalaki. "Mother Agnes... Suit activated the invincible." Bulong ni Marie sakanyang hawak na salamin. Ilang sandali pa ay bigla syang naglaho at dahan dahan namang Bumukas ang pintuan sa kwarto ni Mother Agnes. Sa Stage... "Please step forward, candidate number 7 as you wish ikaw ang 3rd runner up congratulations. Ay si candidate number 9 pala yun.." Ngiting Sabi ni Mother Agnes habang nakatingin padin sa hawak na maliit na envelope. Sumunod naman ang iba pang kandidata Hanggang sa naiwan ay Sina Shairmaine at Denny Ann. "Ang tatawagin ko, ay sya ang first runner up while Ang matitira sya ang kokoronahan bilang Miss International. Kakaloka I'm so excited. " Sabi ni Mother Agnes. Habang si Shairmaine ay may napansing kakaiba sa mga Audience. "Violet di mo ba napapansin? Parang may something sa mga Tao ngayon?" Bulong ni Shairmaine Kay Denny Ann. "wag Kang magpapahalata na nag uusap Tayo ngiti Lang!" Sabi ni Denny Ann habang bigay todo sa kanyang posing. "Now, Step forward.. Candidate number 10. And congratulations Candidate number 9 you are the new miss International 2020." Sabi ni Mother Agnes. At biglang sumabog ang mga confetti sa palagid at sabay sabay na nagpapalakpakan ang mga Tao. Maluha-luha naman si Shairmaine na pumunta sa gitna. Nang ilalagay na ang korona sa kanyang ulo ay biglang nawalan ng balanse si Denny Ann At natumba silang dalawa ni Shairmaine. Yun talaga ang plano nila.. dahil sa Q and A palang ay nalaman na nila na si Shairmaine ang mananalo. Papano? Ginamit nila ang maliliit na android flies ni David at pinanood ang pag-uusap ng mga judges. Throwback... "What do you think Lucy? Gusto ko si Venus ang manalo." Sabi ni Mother Agnes. "But remember Agnes the plan. I want that Samantha girl. She's perfect for the plan." Sabi ni Lucy. Back to present.. "Sorry Samantha. Nawalan ako ng balanse!" Sabi ni Denny Ann sabay pulot sa korona. Ang pinagtataka ni Shairmaine ay Wala man lang reaction Ang mga tao sa mga nangyari. "It's okay Venus. Akin na!" Sabi ni Mother Agnes sabay hawak sa korona. Sabay silang dalawa na tumayo at inayus ang sarili. Back to Rita and Ced's office.. "Pinatawag moko Ced? Bakit?" Sabi ni Rita habang papasok palang ito ng lab ni Ced. Nang makalapit na si Rita Kay Ced, ay agad ginawaran ni Ced si Rita ng isang malutong na sampal. "How dare you!" Sigaw ni Ced sabay turo sakanya. "What? Anong nangyayari?" Pagtataka ni Rita at tiningnan niya ang magkapatid. "Hindi mo ba talaga Alam? O nagmamaang-maangan ka Lang?" Galit na tanong ni Ced. "Ano to Cedrick at Ced? Am I on a prank show. Ano to? Anong Hindi ko Alam? Di ko maintindihan." Sabi ni Rita. "Okay, tingnan mo ang huling video ng kapatid mo!" Sabi ni Ced sabay kuha ng remote control at pinindut ang play button. Sa Video.. "Isang pagkakamali ang iyong ginawa, nahulog ka mga patibong ko! Kahit kelan utak talangka ka talaga!" Sabi ng babaeng kaharap ni Georgina habang hawak si Georgina ng dalawang lalaki. "Ikaw ang mafia sa MIB? Bakit ka umanib sa Black Dragon?" Sabi ni Georgina. "Ate, Kami ni Mr. Henry Rodriguez ang totoong founder ng Black Dragon." Sagot ng babae Hanggang sa nakafucos na ang camera sa mukha ng babaeng kaharap ni Georgina. "Rita! You don't have to do this. Iwanan mo ang Black dragon, Kaya ka naming bigyan ng proteksyon." Sabi ni Georgina habang umiiyak at dumudugo na ang kanyang labi. " Kahit kelan ba Ate Georgina? Itinuring mo akong kapatid? Diba Hindi? Palaging si Georgina nalang ang magaling, puro Georgina nakakasawa na! Una sa mga magulang natin. Alam mo ba kapag Wala kayo ng itay! Minamaltrato ako Ng nanay mo! Kung Hindi nya ako binubugbug, pinapagahasa nya ako sa mga ka tong its nya! Kaya ayun Hindi aksidenteng nahulog sa hagdan Ang nanay mo kundi ako talaga Ang tumulak sakanya. " Ngiting Sabi ni Rita. "Haaaayyuuupp kaaa! Magbabayad ka sa ginawa mo!" Sigaw ni Georgina habang umiiyak. "Kasalanan ko ba na anak ako sa labas? Kaya mag paalam kana Georgina! At boys kunin ninyo ang relo pagkatapos nyang mamatay. Kelangan Yan ni Mr. Rodriguez!" Sabi ni Rita. Aalis na Sana ito ng biglang.. "Oops I forgot!" Sabi ni Rita sabay dampot ng baril at pinaputok Kay Georgina. "Now tapusin nyo na!" End of Video... "Now Rita? Papano mo maipapaliwanag Yan?" Sabi ni Ced. "Papano nyo.. " nauutal na Sabi ni Rita. "Sadyang matalino lang si Georgina. Wala man syang kasamang back up. May kasama Naman syang. Android flies upang kunan sya ng video. Ginawa nyang pa-in sarili para malaman Kung sinong peste dito sa MIB. Cedrick ang pampatulog!" Sabi ni Ced. "No, Hindi ninyo ako mahuhuli! Bwesit!" Sabi ni Rita at akmang bubuksan na nya ang pintuan ng biglang tumawag si David kay Ced. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD