Chapter 2

1514 Words
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil trabaho ko rin ang pag luto ng agahan namin. Hindi muna ako nag prepare dahil baka pag pawisan lang ako. Nang matapos ako ay saka pa lang ako umakyat sa kwarto ko para makaligo na. Na abutan ko sila Tita Wilma at Francesca na nag uumagahan na sa dining. Hindi na nila ako hinintay pa. Para naman saan naman kasi. Kaya naman, naupo na din ako sa bakanteng upuan para kumain dahil nagugutom na rin ako kanina pa. "Mommy, need ko ng money today. May group project kasi kaming babayaran." Maarteng saad ni Francesca kay Tita Wilma. Arte ha! Hindi naman niya bagay. "Mag kano ba?" Si Tita Wilma naman ang nag tanong sa kanya. "Three hundred pesos, Mommy." Naka-pout na sabi niya. Iww! Lihim na lang akong napapairap. Napangiwi ako ng makitang inabutan ni Tita si Francesca ng three hundred pesos na hinihingi niya. Sinamaan ako ng tingin ni Francesca ng makita akong nakatingin sa kanila. Bakit naman? Bawal bang tignan sila? Sabagy, alam ko kasing wala siyang group project na babayaran. Ang totoo nyan. Ipang gagala lang niya ang hininging pera mula kay Tita Wilma. Wala naman akong pakialam. Bahala silang mag ina. Basta ako, mag aaral akong mabuti para makapag tapos na ako ng pag aaral. Sabay kaming umalis ni Francesca sa bahay. Nag para siya ng taxi para sakyan niya. Muli niya akong inirapan bago siya tuluyang sumakay sa taxi. Napabuntong hininga ako at mag papara na sana ng tricycle ang kaso, isang mamahaling kotse ang pumarada sa harapan ko. Unti-unting bumaba ang salamin sa may front seat kaya nakita ko kung sino ang driver ng kotse. "Simon?" He smiled. "Good morning! Sakay na, Loyola." Nakangiting sabi niya sa akin. Mabilis akong umiling sa kanya. "Nako, hindi na." Nakakahiya naman kung makikisakay ako sa kanya. Hindi ako bagay para sumakay sa mamahaling kotse niya dahil isa lang naman akong ordinaryong tao na pinag aaral ng Tita kong dragona este ang Tita Wilma ko na may ugaling dragon. He chuckled. "Nahihiya kaba? Huwag kanang mahiya. Halika na!" Pangungulit niya sa akin. "Hindi na. Mauna kana." Nakangiting sabi ko sa kanya. Masyadong makulit si Simon. Sa huli, wala rin akong nagawa kundi ang pumayag na sumabay sa kanya papunta sa University. Ayoko naman sana eh. Ang kaso mukhang wala naman akong magagawa lalo na, mukhang walang balak si Simon na tigilan ako. Ingat na ingat ako sa pag upo sa front seat dahil baka masira ko ito mukhang bago pa naman kasi ang kanyang kotse. Natawa naman si Simon ng makita ang pag iingat ko. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makarating kami sa University. "Salamat, Simon." Pag papasalamat ko sa kanya at saka ko tinanggal ang aking seat belt bago ako bumaba. Engineering student si Simon. Malayo ang building nila sa building namin kaya hindi na ako nag pahatid dahil baka ma late pa siya lalo na hindi naman kami mag kalapit ng building. "Loyola!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita si Hazel na ngayon ay nag lalakad na palapit sa akin. "Bakit?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Yung cookies mo." My eyes widened. Ang cookies ko! "Thank you, Hazel!" Tumawa lang ang best friend ko ng yakapin ko siya. Nakisuyo kasi ako sakanya na kung pwede ay bilhan niya ako ng cookies. "Ano ba kasing gagawin mo dyan?" Tanong niya at sinabayan ako sa pag lalakad. I smirked. "Para ito kay Abcde." "Iba talaga ang charisma ni Bakla!" Parehas kaming natawa ni Hazel sa sinabi niya. Alam naman niya simula palang na matagal na akong may gusto kay Abcde. Wala naman siyang sinabing hindi maganda kundi sinuportahan niya lang ako. Lunch time ng pumasok ako sa loob ng library. Tahimik kong nilibot ng tingin ang loob. Hanggang sa huminto ang tingin ko ng makita ko siya. Si Abcde. Ang gwapo niya talaga maski sa malayo mo siya tignan. I smiled happily. Nag lakad ako patungo sa pwesto niya. Nang mapansin ako ay nag taas siya ng tingin saakin. I smiled sweetly at him. "Hi!" His eyebrow was raised. "Yes? What do you want?" Mataray na tanong niya saakin. Puta! Bakla nga talaga! Hindi ko pinansin ang pag tataray niya kundi naupo pa ako sa tapat ng upuan niya. "Abcde, right?" "Ano bang kailangan mo? Chupi dyan! Hindi ko makita si crush." Pati tuloy ako ay napatingin sa tinitignan niya. At boom. Si Francis na naman! "Ano pang ginagawa mo dyan? Chupi na girl!" Sobrang taray naman pala nito. Pero wapakels ako. Napakunot ang noo niya ng mapatingin sa cookies na inilapit ko sakanya. "What's that?" Maarte niya pang sinipat sipat ang garapon na akala mo naman sobrang dumi. "Walang germs yan!" Sabi ko saka sumimangot. "Really?" He asked sarcastically. "C-Cookies yan. Binili ko para sayo." Tumaas na naman ang kilay niya. "Nag pabili na ako sayo? Saka hindi kita kilala—" I cut him off. I smiled. "Hi, Abcde. I'm Ma.Loyola Quizon. Just call me babe and I'll be here. I'm 21 years old. Sexy pa sayo and don't forget, matagal na akong may gusto sayo." I said happily and winked at him. Inilahad ko din ang kamay ko sakanya. His jaw dropped. "You're kidding me!" Hindi naniniwalang sabi niya. Binaba ko muna ang kamay kong nakalahad sakanya. "Hindi ka naniniwala?" "Hindi ba obvious?" I tsked and rolled my eyes. "Na love at first sight ako sayo. Okay na?" His eyes widened in shocked. "I don't believe you!" "Believe me. Gusto talaga kita. Pero kung hindi ka naniniwala. Papatunayan ko dahil simula ngayon, manliligaw na ako." I said confidently. "N-No! Hindi tayo talo! Babae ak—" "Talaga? Pakita nga." Sabi ko at binaba ang tingin sa private property niya. His eyes widened again. "s**t!" Tawa ako ng tawa ng mabilis siyang nag walk out. Tumigil lang ako ng sinita ako nung librarian. "Sorry po." Sabay peace sign. Kinuha ko na din ang bitbit kong cookies bago lumabas ng library para sundan si Abcde. Dahil malayo na siya, lakad takbo ang ginawa ko para mahabol siya. "Abcde, wait!" I shouted. Bigla siyang nataranta ng makita ako. "Gosh! Leave me alone!" Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng pinag titinginan kaming dalawa. Lakad takbo pa din ang ginawa ko hanggang sa maabutan ko na siya. "Abcde—" "I said, leave me alone!" I sighed. "Fine. But wait," "Ano na naman?!" Naiinis na tanong niya. Tumawa lang ako at nag lakad palapit sakanya. Para hindi siya makaatras ay hinawakan ko ang mag kabilang balikat niya bago ako lumapit sa tenga niya at bumulong. "I like you." I whispered and kissed his cheeks. Mabilis akong tumakbo pag katapos. Tawa ako ng tawa ng marinig ang tili ni Abcde. "Iwwww!" Ang arteng bakla. Mukhang mahihirapan ako. Pero push pa din. Dahil darating ang araw, mapapasaakin din siya. "Akala ko ba ibibigay mo kay Abcde yan?" Kunot noong tanong ni Hazel ng makita ang na hawak ko pa din amg cookies. "Hindi niya kinuha. Kainin na lang natin." Nang matapos ang klase ng hapon. Naunang umuwi si Hazel kaya ngayon ay mag isa kong nag lalakad dito sa hallway. Nahinto ako sa pag lalakad ng makita ko si Abcde kasama ang dalawa niyang kaibigan na si Louise at Carmela. Napanguso na lang ako habang pinapanood ko siya. Gusto ko pa sana siyang kausapin ang kaso may 30 minutes na lang ako. Pag hindi pa ako nakauwi, sigurado lagot na naman ako kay Tita dragona. Nakakatakot pa naman kasi si Tita. "Loyola!" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Pamilyar ang boses na 'yon. "Simon." Si Simon. Nakangiti na siya sa akin ngayon hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa akin. "Ihatid na kita." Hindi na ako tumanggi sa alok ni Simon. Alam ko namang hindi din siya papayag na hindi ako sumabay sa kanya. "How's your day?" Nakangiting tanong niya sa akin at saka ako saglit na sinulyapan. Napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina sa library. "Okay lang. Ikaw?" "Okay lang din. Mukhang masaya ka ngayon." Sabi niya at saka mahinang tumawa. "Halata ba?" Nakangiting tanong ko He chuckled. "Yes." Hindi na ako nag salita at nginitian na lang si Simon. Nag pasalamat ako sakanya ng makarating kami sa bahay. Napailing ako ng masulyapan ang ulo ni Tita na sumisilip sa bintana. Nasa gate palang ako, bumukas na ang pintuan at iniluwa noon ay si Tita. "Sino yun? Boyfriend mo?" Kunot noong tanong ni Tita. Ito na naman po kami. Nag mano muna ako sakanya bago sumagot. "Hindi po. Kaibigan ko po yun." Sagot ko sa tanong sa akin ni Tita. Nanliit ang dalawang mata ni Tita halatang hindi naniniwala sa sinabi ko kahit totoo naman. "Sinong kaibigan?" "Si Simon po." Hay. Wala naman akong magagawa kung ayaw maniwala ni Tita sa akin. Wala naman ng bago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD