Chapter One

1519 Words
"LOYOLA!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na sigaw ni Tita Wilma mula sa baba. Dali dali akong bumangon at mabilis na tinungo ang Cr upang makapag hilamos at sipilyo bago harapin si Tita. Nang matapos, mabilis akong bumaba. Naabutan ko si Tita sa sala na nakapameywang habang masama ang tingin sa akin. Lagot na naman ako nito. 'Yung tingin ni Tita, nakakatakot. "T-Tita, tawag niyo po ako?" Kinakabahan na tanong ko kay Tita Wilma. "KANINA PA!" Napapikit ako sa lakas ng pag kaka-sigaw ni Tita. Napatalon ako ng makaramdam ng sakit dahil sa paghila ni Tita Wilma sa tenga ko. "A-Aray! Tita, masakit po." Daing ko at napasunod sakanya ng mag lakad siya. "Talagang masasaktan ka! Kanina pa ako nag tatawag at hindi ka bumaba ba. Ano ka prinsesa? Magigising kung kailan gusto?!" Sigaw na sermon na naman sa akin ni Tita Wilma. Ang sakit sobra sa tainga dahil 'yung bunganga ni Tita Wilma ay nakatututok sa tainga ko na ngayon ay pingot-pingot niya. "Sorry po. Tita, tama na po." Pag mamakaawa ko. Napatili ako ng malakas akong itinulak ni Tita sa kusina. Sumalampak ako sa sahig. s**t! Masakit. Kawawa naman 'yung balakang kong nasaktan sa pag kakatumba ko. "DYAN. DYAN KA NABABAGAY! Mag luto ka at mag hugas! Pag katapos, mag laba ka." Galit na sigaw ni Tita bago niya ako tinalikuran. Bagsak ang balikat ko habang nakatingin kay Tita Wilma na nag lalakad palabas ng kusina. Napangiwi na lang ako ng muli kong naramdaman ang sakit dahil sa pag kabagsak ko sa sahig kanina. Sana aware si Tita na nasaktan ako sa pag kakatulak niya sa akin. Ngunit wala naman kasi talaga akong magagawa. Dahil para sa kanila, isa lang akong katulong at hindi isang kamang anak. Dahil sa hirap ng buhay namin sa probinsya. Pinadala ako ni Mama dito kay Tita Wilma, ang nakababatang kapatid ni Nanay. Kapalit ng pag papaaral sa akin ni Tita ay ang pag tra-trabaho ko dito sa bahay nila. Fourth year college na ako ngayong school year. Apat na taon na akong nag titiis sa pamamahay na ito. Sa magulong pamamahay na ito. Education ang course ko. Lalo na dahil gustong gusto kong mag turo ng mga bata. May dalawang anak si Tita Wilma. Si Francesca na kasing edad ko at si Kuya Joel na may asawa na. Kaya tatlo lang kami dito sa bahay dahil may sariling bahay si Kuya Joel. Mabait si Kuya Joel kumpara kay Francesca na ubod ng taray at sungit. Idagdag pang napaka-arte niya. Siya ang totoong tinutukoy ni Tita na prinsesa kanina at hindi ako dahil ang gawain lang naman niyan ay matulog, gumising, pumasok at syempre gumala. Pa iba-iba pa nga ang boyfriend niya dahil na rin may itsura siya. Oh, 'di ba? Si Francesca ang prinsesa at hindi ako! Gusto ko sanang sabihin 'yan kay Tita Wilma ngunit baka bigla niya akong palayasin. Galit na galit nga lang sa akin si Francesca dahil simula ng dumating ako feeling niya na laos na daw ang ganda niyang taglay. Ay ganoon pala 'yon no? Maraming nag sasabi na maganda ako. Idagdag mo pa ang marami kong manliligaw simula ng dumating ako dito sa Manila. Ngunit, wala ni isa sa mga manliligaw ko ang sinagot ko, dahil may iba na akong gusto. At yun ay walang iba kundi si Abcde Gutierrez. Ang baklang isnabera. Yes, isa siyang bakla. Unang kita ko palang sakanya na love at first sight na ako eh. Oh, 'wag na kayong umangal. First year college ako ng makilala ko siya. Hindi talaga ako makapaniwala no'n ng malamang bakla pala siya. At isang sikat na lalaki ang kinahuhumalingan niya. Walang iba kundi si Francis Chua. Nang malaman kong close na ang dalawa, hindi ko mataggap iyon kaya naman nakaisip ako ng paraan para mapansin niya na ako. At iyon ang— "NASUSUNOG NA ANG NILULUTO MO!" "Ay palaka!" Napatalon pa ako sa gulat dahil sa malakas na sigaw ni Tita. Nataranta bigla tuloy ako. "ANONG PALAKA HA?! YANG PRINIPRITO MO SUNOG NA! BWISIT KA TALAGA, LOYOLA!" Napangiwi ako ng makita ang tatlong hotdog na sunog na. Dali dali ko itong inalis sa kawali. Lagot na naman po ako! "S-Sorry po, Tita." "Sorry po, sorry po? Ano na naman bang iniisip mo at tulala ka dyan?! Gising kana ba ha?" Wala sa sariling tumango ako. Apat na taon na ako dito pero hanggang ngayon, hindi pa din ako nasasanay sa mga sermon ni Tita sa akin araw-araw. Feeling ko nga, dito ako mabibingi dahil sa kanya. Mabuti na lang maswerte si Tita at hindi siya nawawalan ng boses sa kaka-sigaw niya sa akin. Hmp! "Sigurado ako, yung baklang crush niyan ang iniisip niya kaya tulala." Napangiwi ako ng marinig ang boses ni Francesca. Dahil sa sinabi niya, muli akong nasermunan ni Tita. Ang landi landi ko raw. Samantalang 'yung anak niya ang papalit palit ng boyfriend hindi niya lang alam. Hanggang sa matapos ako sa pag luluto ay sinesermunan pa rin ako ni Tita. Natigil lang ng mag almusal. Yung tatlong nasunog na hotdog ay pinaulam saakin. Hirap na hirap ako sa pag lunok dahil ang pangit ng lasa. Sobrang pangit huhu! Mabuti nalang at buhay pa ako ng matapos kaming mag almusal. Ako din ang nag hugas. Nang matapos ako, pinag laba naman ako ni Tita. Hindi ako hinahayaan ni Tita na mawalan ng trabaho lalo na pag ganitong sabado at linggo. Samantalang yung anak niya, pag ganitong araw ay nasa galaan with her friends. Kung gumastos pa man din ng pera ay sobra. Edi wow! Nang matapos akong mag laba, inutusan agad ako ni Tita na pumuntang palengke. Kaya naman nag paalam na muna akong maliligo. "Pupunta ka lang ng palengke, mag papaganda kapa!" Sabi ni Tita habang paakyat ako. Mabilis ang ginawa kong pag ligo, mahirap na baka magalit si Tita pag tinagalan ko. Naabutan ko siyang nakahiga sa couch habang nanonood ng TV. Ang sarap ng buhay nila 'di ba? Habang ako pagod na pagod na dito sa mga gawaing bahay. "Tita, alis na po ako." Pag papaalam ko kay Tita. Tumango lang siya kaya lumabas na ako ng bahay . Mabuti nalang at linggo ngayon. Makikita ko na ulit si Abcde bukas. Napangiti ako sa naisip. Nagulat nalang ako ng may mabilis na humila saakin bago pa masagasaan ng van na dumaan. Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Muntikan na ako roon! "Loyola, ayos ka lang?" Tanong ni Simon na siya ring humila pala saakin. I slowly nodded. Gulat pa rin kasi ako sa nangyari. "A-Ayos lang naman ako. Salamat." Ang pag t***k ng puso ko ay napakabilis dahil sa kabang naramdaman ko. "Sigurado ka? Saan ba ang punta mo?" Tanong sa akin ni Simon at saka siya ngumiti. Si Simon ay isa sa mga manliligaw ko. Gwapo siya pero wala eh. Na kay Abcde na ako. "Sa palengke." Simpleng saad ko. "Sama ako, tara na." Wala akong nagawa, lalo na ay nahila na niya ako pasakay ng tricycle. Hindi na ako nakakontra pa. Mura lang ang pamasahe namin dito papuntang palengke. Sampung piso , kung mayaman ka pwede namang bente. Dahil malapit lang naman ang palengke, nakarating na din kami ka agad ni Simon. Tinulungan ako ni Simon sa pamamalengke. Natatawa nalang ako tuwing tumatawad siya sa mga tindera. Mukhang sanay na sanay siya sa pamamalengke. Masayang kasama si Simon. Kaya gusto ko siyang maging kaibigan pero iba naman ang gusto niya. Hinatid na din niya ako pauwi sa amin at hindi na ako kumontra pa sa nais niya. "Salamat ulit, Simon." I said and smiled at him. "Sige, kita na lang tayo ulit bukas." Nakangiting sabi niya at saka nag paalam na, na aalis. Hinintay ko munang makaalis si Simon bago ako pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong ako ni Tita. "Sino 'yon?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. Umiling lang naman agad ako. "Manliligaw mo?" She asked and smirked at me. I shook my head. Alam ni Tita na marami akong manliligaw dahil madalas akong umuwing may regalo at syempre kwinekwento sakanya ng inggetera kong pinsan. Naalala ko pa non, may nag regalo sa akin na mga pabango. Na kinuha nalang basta sa akin ni Tita dahil nagustuhan daw ng prinsesa niya. "Kaibigan po." "Anak mayaman yun ah. Jowain mo na. Pakipot kapa." Napailing ako sa sinabi ni Tita, hindi ako makapaniwala sa sinabi. Hindi nalang ako sumagot at nag paalam ng mag luluto na. "Mapera yun, Loyola. Sa panahon ngayon kailangan mo ng maging practical." Hindi ko pinansin ang pag sunod saakin ni Tita. Kaya nag patuloy siya sa mga salitang hindi ko kinakaya. Kaya naman, hinarap ko na siya. "Tita, wala po akong gusto kay Simon. Mag kaibigan lang po kami." Natahimik naman si Tita. Inirapan nalang niya ako bago siya nag lakad paalis. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mag isa nalang ulit ako sa kusina. Inaamin ko, ang sakit nila sa ulo. Mabuti na lang nakakayanan ko pa silang mag-ina. Kaya ko pa namang mag tiis hanggang sa makapag tapos ako ng pag aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD