Tahimik lang siya na pinakikiramdaman si Sana'a. Pagkaraan ng nangyari kanina sa labas ng shop niya wala na naging imik ang dalaga. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng mga ito. "Sigurado ka bang walang masakit sayo?" untag niya pagkaraan niya patayin ang makina ng kotse. "Wala naman," mahina nitong saad. "Nag-alala ako kanina ..akala ko..akala ko nasaktan ka kanina,"aniya habang nakaharap dito. Isang matipid na ngiti ang pinukol nito sa kanya. Umangat ang isang kamay nito at sinapo ang kaliwang pisngi niya. Naipikit niya ang mga mata ng dumapo ang mainit nitong palad sa balat niya. "Salamat sa pag-aalala,Jeff..pero okay ako hindi ako nasaktan," usal nito . Nagmulat siya ng mga mata at hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. Pinagsalikop niya ang kanila mga dal

