Agad na nginitian niya ng ubod na tamis ang kanyang Papa Dave ng madatnan niya ito sa may salas. Nagtatsaa ito habang may hawak na papeles. Maaga ito nagigising kapag tuwing weekend kaya tanghali na ito bumabangon. Agad na humalik siya sa pisngi nito pagkalapit niya sa ama. "Morning,Papa!" malambing niyang pagbati rito. May pagtataka na sinuyod siya nito ng tingin sa ilalim ng suot nitong salamin saka sumulyap sa suot nitong relong pambisig. "Ang pagkakaalam ko hindi ka pumapasok sa hospital tuwing sabado..?" matiim nitong tanong kunot ang noo at may pagtataka sa gwapo nitong mukha. Matamis na nginitian niya ang ama.Umupo siya sa gilid nito sa may armrest ng inuupuan nitong single sofa. Inakbayan niya ito. "I'm meeting with someone,later,Pa.." matapat niyang sagot. Ipinaling nito s

