Isang matamis na ngiti ang tinugon niya sa mga nurses na bumabati sa kanya habang papasok siya sa hospital. Ang hospital na pag-aari ng kanyang Mama Amelia.
Hindi lang siya anak ng may-ari ng hospital nagtatrabaho din siya bilang Surgical Doctor gaya ng kanyang ina.
"Good morning,Doktora!" pagbati sa kanya ni Nurse Ella. Ang kanyang assistant.
"Morning.."tugon niya at sinuot ang kulay puti na doctor's white robe. Nakasulsi sa kanan dibdib ang pangalan na Dra.Sana'a Dornan.
Agad na binuksan niya ang kanyang laptop pagkaraan umupo sa likod ng desk niya.
"At 9:00 o'clock .. ang operasyon niyo kay Mrs.Smith," paala nito sa schedule niya para sa araw niya ngayon.
Tumango siya habang nasa screen pa rin ng laptop ang kanyang mga mata.
"Then,her vitals sign is still normal.." anito.
"Okay,good..ready na ba ang OR?" aniya na nasa laptop pa rin ang mga mata.
"Yes,Doktora..Kayo at ang pasyente niyo na lang ang hinihintay!" masigla nitong sagot.
Saka siya nag-angat ng mukha kay Nurse Ella. Nginitian niya ito.
"Thank you,dear!" aniya.
"Your welcome ,doktora!" tugon nito.
May kakayahan man siya na makapaggamot ng kahit anong sakit gaya ng kanyang Mama Amelia. Limitado pa rin nila iyun ginagamit. Napagkasunduan nila ng kanyang Mama na gagamitin lang nila lamang ang pagiging Healer nila kung kinakailangan. Mas ginagamit nila ang natutunan nila sa siyensya ng ilang taon bago sila naging lisensyadong doktor ng kanyang Mama.
"May papool party kina minda,hindi ka pupunta?" nagtataka saad ni Ed,ang kasosyo niya sa pinatayo niyang negosyo kung saan lahat ng klase na kagamitan sa mga sports materials ay makikita sa shop niya may pinatayo din syang Skating Area kung saan marami na ang nag-eenrol doon para matutunan kung paano gamitin ang skate board sa nagtataasan at makurbang skate track.
"Kailangan kong pumunta sa Hospital,naoperahan si Tita Miriam kaninang umaga dadalaw ako," aniya habang nililigpit ang mga gamit sa ibabaw ng desk niya.
"Pwede naman bukas ah?"
"Papalitan ko si Mama sa pagbabantay kay Tita M," aniya sabay sukbit sa backpack niya.
"Ikaw na muna ang bahala dito,pass muna ako,bawi ako next time!" aniya sabay tapik sa balikat nito.
"I'm sure hahanapin ka ni Glenda sakin mamaya," tukoy nito sa babae na naging kafling niya.
"Bahala siya," kibit-balikat niya rito.Iniiwasan na niya ito dahil ilang araw pa lang na magkalapit sila nito naging clingy nito at ayaw niya sa ganun mga babae. Takot siya na pumasok sa isang relasyon.
May dahilan siya kung bakit. May isang babae lang na sa tingin niya na seseryusuhin niya.
That angelic young girl ,his guardian angel who save his life twenty years ago.
His first love.