13. Relation or Cooperation? [Foreshadowing]

1577 Words
Third Person's Point of View 'Tapos minsan, kapag nagpapasama ako sa kaniya. Hihindi siya sa iba't ibang rason. Minsan ang rason niya ay katanggap-tanggap, madalas hindi. Kahit na unfair talaga at minsan ay sinasadiya na niya ito. Pilit ko na lang siyang naiintindihan. Pero kapag ang mga kaibigan na niya ang magpapasama, kahit kailan hindi siya makahindi. He has no time for me anymore. At alam niya yun. Samakatuwid, sinabi niya sa akin na pagpasensyahan ko na daw siya kung wala siyang oras sa akin dahil sa gawain sa school at sobrang naiintindihan ko talaga yun kaya hindi ako umaangal pero kapag ang mga kaibigan niya ang magaakit sa kaniya na lumabas, mag jamming o pumunta sa kung saan, pupunta siya, agad agad.  Like what the hell? He will tell me that he is sorry about not having enough time for me and because he can't find ways to have time for me? Tapos sa kaibigan niya? Matic? Ano yan? Mala Flow G? "Isang tawag mo lang nandyan agad ako!" ganun? Bakit ang unfair? Bakit sa kaibgan niya may time siya agad-agad? Bakit may time siya sa paglilibang, pag iinom, at pag gagala kasama nag mga kaibigan niya samantalang sa akin sasabihin niya lang na he is sorryy? Okay lang siya? Oo! Hindi ko siya binigyan ng limitasyon. Hindi ko siya pinagbawalan na pumunta kahit saan. Palagi ko siyang pinapayagan kasi naiisip ko na baka ito lang yung tanging paraan para maibigay ko ang pangangailangan at gusto nya bilang girlfriend niya. Pero minsan, sobra na siya. Hindi niya man lang nararamdaman na nagmumuka na akong tanga, at mas malala pa, nagmumuka na akong martyr! Lagi kong inaadjust ang sarili ko para sa kaniya habang siya walang ginagawang aksyon at pagbabago para sa akin. Oo! Punyeta, uulitin ko nanaman, naiintindihan ko siya! Sobrang naiintindihan! Pero awit naman bro!  Bakit di niya napapansing nakakapagod rin?' Isip-isip ni Katia. Pagkatapos ng pag uusap nilang yun, agad silang sumakay ng tricycle. Papunta kasi sila sa Le Rosie, remember, mag jajamming sila Red at ang mga kaibigan nila but Katia choose him over her friends? Nakasakay na si Eli, John, Red, at Katia sa tricyle. Lahat sila nasa loob ng tricyle. Si Red ant Katia ay nasa harapan, samantalagang si John at Eli ay nasa kanilang likuran. Ginawa ni Katia lahat ng makakaya niya para magtimpi at kontrolin ang galit niya, lalo na't simula umaha pa niya ito ginagawa, pero hindi niya na ito mapigilan, nararamdaman na niya na malapit na siyang sumabog, hindi niya makontrol ang kaniyang luha sa tuloy-tuloy na pagdaloy. Kaya sa isang beses sa kaniyang buhay, pinili niya ang kaniyang sarili.  Sa unang pagkakataon, sinabi niya lahat ng nararamdaman niya.. Sinabi niya lahat na gumugulo sa kaniya sa kabila ng "Naiintindihan ko" na lagi niyang sinasambit. Bigla na lang lumabas ang mga salita sa bibig ni Katia, at di man lang naisip kung makakasakit ba ito kay Red o hindi. "  NUNG SINABI KO SAYONG SAMAHAN MO AKO? NAPAKA DAMI MONG PALIGOY-LIGOY NA RASON KUNG BAKIT LAGI KANG HUMIHINDI SA AKIN. PERO BAKIT KAPAG SA MGA KAIBIGAN MO? BAKIT KAPAG INAKIT KA NILANG UMINOM NG ALAK, PUMUPUNTA KA AGAD AGAD!! WALANG RASON RASON! PUNTA AGAD!? ALAM MONG HINDI KITA PINAGBABAWALANG GAWIN ANG GUSTO MO DIBA? BAKIT HINDI MO MAKITANG NAGMAMAKAAWA AKO NA MAHINGI ANG IYONG ORAS AT ATENSYON? ..." Pabulong niyang sigaw.  " ... NUNG NANGHIHINGI AKO NG PABOR SAYO NA HINTAYIN MO AKO, HINDI MO AKO HINIHINTAY DAHIL NAPAKADAMI MONG RASON AT OO, NAIINTINDIHAN KO ANG MGA RASON MO RED! LAGI KONG NAIINTINDIHAN ANG SITWASYON MO!! PERO KAPAG ANG MGA KAIBIGAN MO NA NAG NAGSABI SAYONG HINTAYIN MO, KAHIT GAANO PA YAN KATAGAL, HIHINTAYIN MO PA RIN! " Dagdag pa niya kahit na nasa harap sila ni John at Eli. Nanahimik lang naman si John at Eli sa likod nila. Samantalang si Red ay nanahimik rin. Lagi siyang ganun hindi ba? Lagi niyang pinipiling manahimik kaysa makipagtali kasi naniniwala siya na kapag nakipagtalo pa siya ka Katia, lalo lang lala ang sitwasyon. " TAPOS ANO? MANAHIMIK KA NANAMAN?!! NANAMAN RED? ALAM MO NAMANG HINDI MASOSOLUSYONAN TO AGAD KUNG HINDI NATIN PAG UUSAPAN DIBA? KAILANGAN KONG MALAMAN ANG SIDE MO RED! KAILANGAN KONG MALAMAN KUNG ANO ANG PUNTO MO PARA MAGKAINTINDIHAN TAYO AT PARA WALANG MALING PAGKAKAINTINDIHAN ANG MAMAGITAN SA ATIN! KAILANGAN KO NANAMAN BANG MAG ADJUST RED?  AKO LANG BA SA RELASYON NA TO ANG DAPAT GUMAGANA? ANG MAG-FUNCTION?  AM I THE ONLY ONE IN THIS RELATIONSHIP THAT SHOULD PROGRESS TO MAKE SOME ADJUSTMENTS, RED? " Maya-maya din, sa gitna ng pag-aaway nila ay huminto ang kanilang sinasakyan. Hindi nila namalayan na nandito na pala sila sa Le Rosie. Si Katia at ang mga kaibigan ni Red ay sobrang close sa isa't isa at hindi ang kaibigan ni Red ang may dahilan ng pagaaway nila. Kundi si Red mismo. Ang pagiging unfair at bias niya. The old him. The old Red that she fell in love with. Is it tired? Or is it gone? Nasa harap na sila ng Le Rosie Bistro Restobar. Hindi lang naman nag uusap si Katia at Red sa mga oras na ito. Malayo sila sa isa't isa. Halata naman sa mga muka ni Katia na pinipigilan niya ang pagtulo ng kaniyang luha. Napakasakit ng nararamdaman niya ngayon, pero gusto niyang lapitan siya ni Red. Gusto niyang pagusapan nilang dalawa ng maayos kung ano nga bang nangyayare sa pagitan nila. Pumunta si Katia sa malapit niyang kaibigan na si Eli na malapit na kaibigan din ni Red. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat nito. Nagulat si Eli sa pagsandal nito pero hindi lang nito iyun pinansin. Alam niyang nasasaktan si Katia at kailangan niya ng karamay. Tapos maya-maya'y hindi napansin ni Katia na unti-unti na pa lang tumutulo ang mga tubig na nanggagaling sa kaniyang mga mata. Nakita ni Eli ang pagpatak ng mga ito habang si Katia ay umiiwas sa iba pang mga kaibigan nila ni Red na kasama nila dito, ayaw niya kasi na nakikita ng iba ang sakit na nararamdaman niya. Maya-maya'y bigla ring napansin ni John ang nangyayare kay Katia kaya lumapit siya dito at tahimik na ibinigay ang panyo. Kinuha naman ito ni Katia pero agad din siyang lumayo sa kanilang dalawa at sa lahat ng mga nandito. Ayaw niya talaga na nakikita siya ng iba kung gaano siya kahina. Lalo na at alam ng lahat kung gaano siya kalakas at kung gaano siya kamasiyahin. But then not every smile is a pleasure. Not every smile means that they're really happy, instead, we smile because that's the only way to get rid of pain. Nauna ng pumasok si Kathrina sa loob ng Le Rosie. Pumunta agad siya sa CR para tingnan at ayusin nag sarili niya. Pagkatapos ay agad siyang kumuha ng table at umupo. Tahimik lang siyang nakaupo dito. Halos lahat din naman ay pumasok na sa loob habang si Red at ang kaibigan niyang si Mark ay nasa labas pa rin. Maya-maya din, nakita ni Katia na papunta na silang dalawa sa loob. " Mark, pagupit muna tayo ng buhok. " Sambit ni Red kay Mark. " Mag uumpisa na tayo pre, mamaya na lang pagkatapos. " Sagot naman ni Mark. " Nag oorder pa naman sila ee, madali lang naman tayo. Tara! " Narinig ni Katia ang usapan nila kaya bigla siyang bumulong sa sarili niya. " Tingnan mo at iyan ay hindi magpapaalam sa akin o sasabihin man lang kung saan sila pupunta. " Bulong niya. Tapos agad na umalis si Mark at Red ng wala man lang pasabi kay Katia. " See? " Bulong niya ulit. Napansin niyang lahat ay nakatitig sa kaniya. Agad naman silang umiwas ng tingin ng nakita nilang tumayo si Katia at tumingin sa kanila. " Guys, alis na ako ha. Baka lumala lang to kapag nanatili ako dito. " Pinipigilan nila si Katia pero agad na umalis si Katia ng walang pagaalinlangan. Naglalakad naman si Katia sa direksyon na patutunguhan din nila Red at Mark. Nasa unahan niya sila at naglalakad sa likod si Katia. Patuloy lang naman na naglalakad si Katia at ni hindi niya naisipang puntahan si Red. Gusto niya na talagang umalis. Papaliko na sana siya pero napansin niyang lumingon ng kunti si Red sa likod niya.  " f**k! Nakita na niya ako ah! Nakita niyang paliko na ako bakit hindi niya man lang ako nilingon ulit at tanongin kung saan ako papunta? " Pagalit na bulong niya sa sarili niya. Naisip ni Katia na baka hindi lang talaga siya nakita ni Red pero imposible, nakita niya mismo ang mga mata ni Red na nakatingin sa kaniya.  Dahil doon, imbis na magpatuloy siya sa pagliko at pag-alis, sinundan niya si Red at Mark. Nakita niyang papasok na sila sa Barber Shop. Huminto lang naman si Katia sa harap ng Barber Shop tapos maya-maya napansin ni Mark na nasa labas si Katia, kaya agad niyang kinalabit si Red at sinabing nandito siya. " Hey Red! Si Katia. " Simpleng sambit ni Mark. Agad namang lumingon si Red. Tiningnan lang naman ni Red si Katia na parang sinasabing 'bakit' Sinignal lang naman ni Katia nag ulo niya na parang sinasabi niyang pumunta siya sa labas. Kaya agad naman si Red na lumabas. " Bakit? " Malumanay na tanong ni Red. " Bakit? Bakit lang ang masasabi mo? Bakit lang? Iniwan mo lang ako dun ng hindi mo ako kinakausap Red! Iniwan mo ako dun without asking me and without asking yourself what can I feel. Alam mo namang di ako okay diba? Alam mo namang iniwan ko mga kaibigan ko at pinili kita kasi gusto kong kasama kita tapos iiwan mo ako dun ng ganun ganun lang? " [ To be continued ]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD