Katia's Point of View
Pero hindi pa diyan nagtatapos ang hindi pagkakaintindihan sa araw na ito.
* A LITTLE FAST FORWARD *
Nandito ako ngayon sa classroom, naghahanda kami para sa Musical Play Presentation namin.
" Malapit na magsimula ang presentation natin, guys!! "
Sabi nung kaklase kong si Kai. Tapos biglang pumasok sa classroom si Arth na kaklase din namin.
" Anong malapit? Nagsisimula na kaya sila. Nagsisimula na ang ibang section na mag present. Parang mag uumpisa na ang ABM-2B. "
" ANOO??!! "
Sigaw ko. Tapos agad akong tumakbo palabas. Section ni Red and ABM-2B. Dapat mapanuod ko siya. Gusto ko siyang mapanuod mag act. Duhh! Bihira kaya yan magpresent ng ganiyan. Yang si Red? Wala yang katalent-talent. HAHAH. Hindi marunong sumayaw, kumanta, lalo na ang magacting. Kaya excited akong makita ko siyang mag present. At isa pa, kahit naman napaka manhid niyang si Red at matigas ang ulo (Ulo sa taas), still, gusto ko siyang suportahan sa lahat ng ginagawa niya.
Magsasarado na ang pinto sa classroom nila, pero agadd ko itong pinigilan.
" WAAAIITT!!! WAIITTT!! "
Sigaw ko, tapos tumingin sakin yung kaklase niyang magsasarado sana ng pinto.
" Pwede pa bang pumasok? "
Malambing kong tanong,
" Oo naman, sege pasok ka na! "
Sobrang laking ngiti ang binigay ko sa kanya. Buti naman at nakaabot pa ako.
* FAST FORWARD *
" Congratulations ABM-2B. You all did your vreat job. We'll move on to see the other sections' presentations. We will announce the winner after. "
Tapos lumabas na sa classroom nila yung mga judges at mga nanunuod sa loob ng classroom.
" Babe?! "
Tawag ko kay Red.
" Tara na! Hintayin kita doon. "
Tapos agad akong umalis kasi baka kami na ang kasunod na mag present.
Maya-maya din, nakita kong pumasok na ang mga judges sa room namin at magsasarado na ang pinto ng nito. Kaya hinanap ko si Red sa kapaligiran.
" Nasaan na yun? "
Bulong ko sa sarili ko.
" Open curtain! "
Nagsimula na kaming mag present pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Siguro hindi niya alam na nagsisimula na kami. Hindi nga ba? Pero bakit andito yung kaklase niya na si Eli at John? Lagi niya tong kasama ah? Why the hell he didn't come with them?
* FAST FORWARD *
Natapos na ang presentation namin at kasalukuyang nasa ibang section ngayon yung mga judges. Still, hindi ko parin siya nakikita kaya naisipan ko ng tumungo agad sa classroom nila.
Oh? Andito lang naman siya ah?
" Heeeyy!! "
Tawag ko sa kaniya.
" Oh? Bakit? "
Oh? Bakit? Anong klaseng tanong yun?
" Bakit di mo ako pinanuod kanina? Sabi ko hihintayin kita doon diba? Bakit di ka nagpunta? Nandun si Eli at John ah. Bakit di ka sumama sa kanila? "
Malumanay kong tanong.
" Ha? Hindi ko naman alam na nag uumpisa na pala kayo. Kala ko di pa kayo ang kasunod namin. Tska nagiintindi ako nitong mga ticket na kailangan naming ibenta para dun sa movie presentation namin. Kailangan kong mabenta to agad bago mag hapon. "
Sobrang nagtatampo talaga ako kasi ni minsan hindi niya ako nasuportahan. Minsan lang naman ako mag kaganto ee, bakit di niya pa ako pinagbigyan. Bakit ganun siya palagi? Hindi niya man lang naisip ang apakanan ko. Lagi siyang kulang sa oras at atensyon at oo! Naiintindihan ko naman siya, pero kahit minsan, kahit minsan ba natanong niya ang sarili niya kung napupunan ba niya ang puwang na nararamdaman ko? kahit minsan ba natanong niya sa sarili niya kung okay lang ba talaga ako sa likod ng mga " Naiintindihan kita" na mga salitang binibitawan ko? He is really unfair. But yet, I understand him. Kung dahil gagawin niya muna yung pagbebenta ng ticket, okay lang, mas importante yun ee! School works yun. Naiintindihan ko naman siya. Ulit.
* FAST FORWARD *
Uwian na, pumunta ulit ako sa classroom niya para tanongin kung uuwi na rin ba siya. Magkaiba kasi ang schedule namin. Minsan nauuna akong umuwi, minsan nauuna siya.
" Babe? Uuwi ka na din ba? Sabay na tayo! Hintayin mo lang ako dito, maybibilhin lang akong madali sa bayan kasama yung mga kaklase ko. "
Malumanay kong tanong.
" Sege lang. Pero di ko alam kung mahihintay kita dito. Parang papunta rin kami sa bayan ng mga kaibigan ko ee, papunta ata kami sa Le Rosie Bistro, mag iinom daw kami, tamang chill chill lang. Mawala man lang stress sa school. "
Malumanay nya ring sagot.
" Edi, sege. Pupuntahan na lang kita sa Le Rosie pagkatapos naming bumili. Nandun lang rin naman ikaw sa bayan ee. Sunod na lang ako sa inyo. "
" Ee, di ko pa sure kung pupunta talaga dun. Di ko alam yung final na desisyon nila. Baka pumunta kami sa Le Rosie Bistro, baka sa Dulo Restobar o sa Sulok Restobar. Di ko alam kung saan man sa tatlo. Hindi naman kita machachat kasi wala nga akong cellphone diba? Nawala, baka mamali ka lang ng pupuntahan. "
Gusto kong sabihin sa kaniya na kahit saan pa yan, susunod ako pero mas mabuti pa siguro kong magstay na lang ako dito. Di na lang ako sasama sa Bayan kasama mga kaklase ko.
" Sege. "
Simple kong sagot tapos agad akong pumunta sa classroom para magpaalam sa mga kaklase ko.
" Guys! I can't make it! Kasama ko si Red kaya di ako makakasama sa inyo. "
Sambit ko sa kanila na ikina-busangot naman ng kanilang mga muka.
" Songs bro! "
Sabi nung isa kong kaklase.
" Oh come on Katia!! You'll never be with us! You don't have any time for us. Sama ka naman samin kahit minsan lang. let's have fun! Tska may bibilhin lang naman tayo tas uuwi din agad. "
Pag mamakaawa ni Kai. I feel guilty about it. But I made my decision and I will choose Red.
" Maybe next time okay? I'm sorry guys! Have fun!! "
Tapos agad kong kinuha ang bag ko at pumunta agad sa classroom nina Red.
Third Person's Point of View
Pumunta si Katia sa classroom ni Red at pagdating nya dun, walang kahit sinong tao siyang nakita.
" Nasaan na sila? Hala! Baka nakaalis na! Pero bakit naman hindi siya nag punta sa classroom ko at nagpaalam? O kahit babye man lang? "
Bulong ni Katia sa sarili niya. Tapos naglakad siya papuntang main gate para tingnan kung nandun pa sila.
Maya-maya din ay agad niyang nasulyapan nag mga estudyanteng nagtitipon sa malapit sa main gate. Nakita niya agad si Red kaya agad niya rin itong nilapitan.
Walang imik lang naman siyang lumapit. Sinalubong naman siya ni Red.
" Bakit? "
Tanong ni Red.
" Bakit di mo ako pinuntahan sa classroom at sinabing aalis na kayo? "
Pagalit nyang bulong.
" Akala ko kasi nag punta ka na sa bayan atska tininingnan kita sa classroom mo pero wala ka dun. "
Sagot naman ni Red.
" Porket di mo ako nakita sa classroom hindi mo na ako hahanapin? "
Sarcastic niyang tanong.
" Akala ko nga kasi nag punta ka na sa bayan kaya di na kita hinanap, kaya sa classroom mo na lang kita pinuntahan. Di kita nakita sa classroom nyo kaya umalis na rin ako. Anong problema ba? "
Sagot at tanong ni Red.
" Hindi yun sa ganun Red. Just because I wasn't there you will not search for me anywhere? Diba sabi ko sayo kanina na hindi na ako sasama sa mga kaklase ko sa bayan, remember? Sinabi ko yun kanina. "
" Hindi ko narinig. Sabi mo lang ee "sege" aalis ka na. Akala ko naman yun ibig sabihin mo sa sege mo. "
Ramdam na ni Katia na parang sasabog na siya. Hindi niya mapigilan ang sarili niya kaya sa kaunting panahon ay nanahimik muna siya.
' Punyeta naman oo! Hindi niya talaga naiintindihan ang ibig kong sabihin. Napaka manhid niya! Lagi siyang ganun! Napaka unfair! Tapos, kapag sinasabi ko sa kaniya na hintayin na niya ako sa uwian namin na 5:30 para magkasabay na kami umuwi at para magkaroon din kami ng kahit kunting time sa isa't isa, kapag sinasabi ko yun sa kaniya, lagi niyang sinasabing alam ko naman daw na ayaw niya sa lahat ay ang maghintay. At oo, minsan pa'y naiintindihan ko siya kasi napaka hina ng katawan niya, laging sakitin at laging masakit ang katawan niya, tapos iniisip ko pa na pagod din siya sa maghapon. Kaya naiintindihan ko siya kung uuwi na siya agad at hindi niya na ako hihintayin. Pero kapag ako naman ang maaga ang dismiss ng klase, kahit sabihin niya sa akin na hintayin ko siya o hindi, at kahit pagod ako maghapon o masama ang pakiramdam, at kahit ayaw na ayaw ko rin ng naghihintay, I will still wait for him kahit hanggang anong oras pa man ang dismissal nila. Kasi gusto kong umuwi kasama niya. Kasi gusto kong maglaan ng kahit kunting oras sa kaniya. I want to be with him everywhere and every second, I miss him. I miss talking to him. I miss going home with him. I miss doing crazy stuff with him. I miss everything about him. I miss him! But maybe he didn't even realize nor notice that.'
Isip-isip ni Katia.
'Tapos minsan, kapag nagpapasama ako sa kaniya. Hihindi siya sa iba't ibang rason. Minsan ang rason niya ay katanggap-tanggap, madalas hindi. Kahit na unfair talaga at minsan ay sinasadiya na niya ito. Pilit ko na lang siyang naiintindihan. Pero kapag ang mga kaibigan na niya ang magpapasama, kahit kailan hindi siya makahindi. He has no time for me anymore. At alam niya yun. Samakatuwid, sinabi niya sa akin na pagpasensyahan ko na daw siya kung wala siyang oras sa akin dahil sa gawain sa school at sobrang naiintindihan ko talaga yun kaya hindi ako umaangal pero kapag ang mga kaibigan niya ang magaakit sa kaniya na lumabas, mag jamming o pumunta sa kung saan, pupunta siya, agad agad...'
Dagdag pa niya. Iniisip niya, 'May mali ba? May kulang ba? Relasyon pa rin ba to o basta na lang kooperasyon? Ayos pa ba kami?'