11. Is it really okay? [Foreshadowing]

1539 Words
Katia's Point of View It's been days since that dreadful day happened. At oo, binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon at napatawad ko na siya. Pero talaga bang napatawad ko na siya? Okay lang ba talaga ako? Bakit parang hindi? Bakit ang lungkot-lungkot ko parin? Bakit hindi ko kayang ngumiti katulad ng dati? Bakit feeling ko wala na akong kwenta? Dahil ba may lamat na? Bakit pakiramdam ko na kasalanan ko ang lahat kung bakit nagawa ni Red sa akin yun? Bakit feeling ko na nagkulang ako at hindi pa sapat lahat ng ginagawa ko?  Nandito ako ngayon sa bahay namin ni Red. Ilang araw na kaming magkasama dito. Nagluluto siya sa kusina habang ako ee kanina pa nakatulala at nag iisip dito sa sofa. Ewan ko pero, bat feeling ko hindi na ako ang dating ako? Unti-unting pumatak ang aking mga luha. Maya-maya'y may biglang pumunas sa mga ito. Tumitig siya sa akin habang patuloy parin ang aking mga luha sa pagpatak. " Ibali-ik mo ako-o, please! " Pinupunasan pa rin niya ang mga luha sa aking pisngi. "Ibalik mo ako sa dating ako! ..." " .. IBALIK MO AKO SA DATING AKO!! PLEASEE TAKE ME BACK!! " Hinahampas ko ang kaniyang dibdib habang sumisigaw. Pinipigilan niya ako at bigla niya akong niyakap na nagpatigil sa paghampas ko sa kaniya. " I love you! " Mas lalong tumulo ang luha ko sa sambit niya. " Gawin mo lahat ng gusto mong gawin at gusto mong sabihin hanggang sa mapatawad mo ako at makalimutan mo yun. Hindi ako mag-iisip ng kahit ano. I will not dare to complain. Pero kahit isang beses lang, kahit isang beses lang pwedeng yung sarili mo naman, Kathrina? Yung sarili mo naman ang intindihin mo. " Lalo ko siyang hinigpitan ng yakap. " I can't! I can't forget it, Red! Pero kung gusto mong ibalik ako sa dati, then earn it! Find other ways so that I can be the same person I once was... " Patuloy siyang tumango habang yakap pa rin niya ako at habang hinahaplos niya ang likod ko. " Please behave! Kung gagawin mo yun ulit, please sabihin mo sa akin agad! Please, sabihin mo sa akin kung nagkukulang ako. Sabihin mo sa akin kung anong pagkukulang kong nagagawa. I'm begging you!! Please tell me so that I can adjust and change myself. Sabihin mo sa akin para malaman ko kung paano kita mapapanatili sa tabi ko. Please tell me kung napapagod ka na. Please tell me kung hindi mo na ako kailangan dahil hindi ako maganda o dahil masama ang ugali ko. Ano mang rason yun, pakiusap, sabihin mo sa akin. Sabihin mo sa akin kapag hindi mo na ako mahal. Mas matatanggap ko pa yun kaysa iparamdam mo sa akin at paniwalain mo ako na kailangan mo pa ako at mahal mo pa ako kahit na sa reyalidad, hindi naman talaga dahil meron ka ng iba. Pakiusap, magsabi ka sa akin ng totoo. Alam mng ayaw ko ng mga sinungaling diba? Kaya please lang, sabihin mo sa akin para maging ready ako! Please tell me!! I'm begging you!! " " Wag mong sabihin yan, Kathrina! You are enough! You are beautiful! You are perfect!! You are my everything, babe! Wag mong sabihin yan!! " " Anong pagkukulang ko Red? Sinakal ba kita? Nasasakal ka ba? Kaya mo ginawa yun? " Tanong kong muli. " Hindi, Kathrina! Hindi mo na kailangan pang itanong yan dahil wala kang pagkukulang! Hindi mo ako sinasakal. Ako ang may pagkukulang sayo, Babe! Ako yung tanga dito! " " Sabihin mo sa akin ang totoo, Red! Pagod ka na ba? " " Pagod? Hindi, Kathrina! Kailanman ay hindi ako napagod sayo. How can I get tired of you? You almost kill yourself just to fill the gap inside me. Ginawa mo ang lahat-lahat ng makakaya mo para sa akin. How can I get tired of someone like you? " Alam kong nagsasabi siya ng totoo, ramdam ko! Pero bakit hindi pa rin ako makuntento? Bakit ang hirap pa rin sa akin na tanggapin? Napatungo ako. " Siguro, hindi talaga ako sapat para sayo! Siguro, mas maganda sila kesa sa akin! Siguro mas okay sila kesa sa akin! Na walang-wala ako kumpara sa kanila. Siguro meron silang naiibigay sayo na hindi ko maibigay. " " STOP IT, KATHRINA! YOU ARE DAMN PERFECT! YOU ARE f*****g PERFECT!! HELL!! YOU ARE PERFECT!! ... " Hinawakan niya ang pisngi ko at itinaas ito. Tumitig siya sa akin. " .. Ako ang tanga dito, Kathrina! And I'm sorry! Patawarin mo ako kung kailangan mong maramdaman at maranasan ang lahat ng ito! Pinagsisisihan ko ang lahat! Give me another chance and I'll prove it to you! ... " " ... I will do everything and try my very best just to make everything back. I'll do my very best just to return your trust and you're love for me. I promise that! " " Basta mangako ka, Red! " " Katia! I'm ca-- " " MANGAKO KA!! ... " " ... Mangako ka, Red!! Please!! " Tumitig kami sa isa't isa at kitang-kita ko sa muka niya ang bahid ng kalungkutan at pag-aalala. " I promised, babe! I promised! " Katia's Point of View Yes! I saw how Red changed himself. I saw how he regret everything. Nakita ko rin kung paano niya ginawa ang lahat para lang mapatunayan na pinasisisihan niya ang lahat. Nakita ko kung paano niya patunayang mahal niya ako at kailangan niya ako. I saw every little sacrifices that he has done just to make me stay. And yes, I may say, he got me again. And so, we start over again. Ibinigay kong muli ang tiwala ko sa kaniya. And I saw how he earned my love again. At oo! Kahit nasaktan ako, alam kong hindi na niya iyun muling gagawin. Kaya binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon. Ipinaramdam ko parin sa kaniya ang lahat ng gusto niyang maramdaman. Hindi ko siya binigyan ng limitasyon. Hindi ko siya pinigilan sa gusto niyang puntahan o gawin. Kung gusto niyang sumama sa mga kaibigan niya, papayagan ko lang siya. Kung may gusto siyang gawin. Then do it! I want to give and do everything for him because I want him to choose me even in the end and I don't want that someday, he will leave me because of my unpleasant attitude and insecurities. But not every sacrifice can make a relationship strong.  Kahit na binigay at ginawa mo na ang lahat sa kaniya, hindi ibig sabihin na mananatili siya sa tabi mo. Hindi ibig sabihin na paulit-ulit ka niyang pipiliin. * FLASH BACK * October 23, 2019. 9:30 am As usual, pumunta ako sa classroom ni Red para tingnan kung anong ginagawa niya. Malapit lang naman yun classroom ko sa classroom nila. Mas mauuna lang yung classroom nila, nasa dulo kasi yung classroom namin.  Pero kahit naman mas una yung classroom nila o kahit mas mauna pa yung sakin, hindi pa rin ako pupuntahan ni Red sa classroom ko. Masyado siyang nahihiya sa mga kaklase ko, hindi niya kasi sila mga kaibigan unlike me na kaibigan ko halos lahat ng kaklase niya. Pero honestly, tamad lang talaga yan mag lakad.  " Huy, Kupal! " Sigaw ko sa kaniya. Lumapit naman siya agad sa akin at binigyan niya ako ng nagtatanong na muka. " Nagugutom ako. Tara sa canteen? " Malambing kong sambit sa kaniya. " Kumain na ako ee! " Sagot niya. Gusto ko sanang magtampo sa sinabi niyang yun kasi parang ayaw niya lang talagang sumama sa canteen. Pero naiintindihan ko naman siya, lagi kasi siyang ganiyan. Sakitin kasi yan at madalas masama ang pakiramdam o masakit ang katawan. Minsan naman, tamad lang talaga siya mag lakad. Kaya naiintindihan ko naman siya. Walang big deal.  Maya-maya rin, sa sobrang gutom ko, naisipan kong pumunta na lang sa canteen mag isa. Mabilis akong kumain at pumunta sa classroom ko tapos maya-maya naisipan kong bumalik sa classroom nina Red, wala naman kasi kaming ginagawa. Break time pa. " Asan si Red? " Tanong ko sa kaklase niya. " Alam ko nasa canteen siya. Kasama niya si Rick. " Ano? Asa canteen siya? Akala ko ayaw niyang pumunta dun?  Like WTH!! Okay lang ba siya? Girlfriend niya ako oh! Hinintay ko lang si Red sa classroom nila at maya-maya rin ay dumating siya kasama ni Rick. " Akala ko ba kumain ka na kaya ayaw mong sumasa sakin? " Malumanay pero patampo kong tanong. " Sinamahan ko lang si Rick sa canteen. " " Bakit? Nagpapasama rin ako kanina ah? Bakit di mo ako sinamahan? " Malumanay kong tanong. Oo! Naiitindihan ko naman talaga siya. Naiitindihan ko kung anong nasa isip niya kaya niya sinamahan si Rick samantalang ako, hindi. Mabait kasing tao si Red. Hindi siya maka-hindi sa mga kaibigan niya, na kahit masama nag pakiramdam niya at kahit na ayaw niya yung gawin. Hindi siya hihindi sa kanila. He can't say "NO" to them. Lagi niya kasing naiisip na huhusgahan nila siya kapag humindi siya sa kanila. Kaya naman naiintindihan ko siya. Pero minsan kasi, ang unfair na. Lagi siyang ganiyan. Nagtataka lang ako kung bakit hindi niya rin magawa yun sa akin? Pero, hindi ko na lang yun iisipin, okay lang naman sa akin ee. Oo, nagtatampo ako. Pero pagkatapos ng usapang yan, as usual, parang wala lang nangyare. Ayoko naman na palalain pa ang away kaya lagi ko na lang kinokontrol ang damdamin at sarili ko. Lagi ko na lang nilulunok ang pride ko. Pero hindi pa diyan nagtatapos ang hindi pagkakaintindihan sa araw na ito. * A LITTLE FAST FORWARD *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD