EPISODE 36 DO NOT WORRY OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “I’m all yours, Elle. I am now your boyfriend.” Muli akong napangiti nang maalala ko ang sinabi ni Cole noong nakaraang araw. Opisyal na kaming magkasintahan ni Cole at masasabi ko na talagang boyfriend ko siya, boyfriend ko na ang idol ko! Pero kahit na boyfriend ko si Cole ay hindi pa rin pwedeng malaman ng ibang tao lalo na ang management dahil makakasira ito sa career ni Cole. Noong umpisa ay alam ko naman na mangyayari ito dahil palagi ko itong nakikita sa mga kdramas at iba pang mga palabas na may jowa silang mga artista o sikat na personalidad. Meron kasi sa kanilang kontrata na huwag munang magka jowa pero dahil matigas ang ulo ng mga artista ay gumagawa pa rin sila ng mga way, kaya maramin mga artista ang bigla na lang aa

