CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 20 GIVE UP OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. Hindi mawala sa aking isipan ang narinig kong sinabi ni Samantha. Alam ko naman na hindi niya intensyon na sabihin iyon habang nasa tabi niya ako dahil wala naman siyang alam na may gusto ako kay Cole at may namamagitan sa aming dalawa. Tahimik lang ako sa aking inuupuan pagkatapos kong marinig ang tungkol sa pagkakagusto ni Cole sa head manager ng Marketing department na si Kira Tia. Hindi ko na lang muna ito inisip at nag focus na lang sa panonood sa photoshoot ng mga artista rito sa G Coleman. Nang mag break ng isang minuto ang kanilag photoshoot ay agad akong lumapit kay Cole upang ayusin nag kanyang suot. Habang inaayos ko ang kanyang necktie, hindi ko mapigilan na mailang dahil ramdam na ramdam ko ang titig n

