CHASING COLE GRIFFIN EPISODE 19 KIRA TIA OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Tangina mo, Olivia Noelle! Naging bayani ka ba sa past life mo para biyayaan ka nang ganito ka bongga?! s**t ka! Hindi pa nga ako makapaniwala diyan tungkol sa pangako thingy ninyo ni Cole, tapos sasabihin mong nakilala mo na rin si Finn noong nasa bahay ampunan ka pa?! s**t ka! Palit nga tayo ng katawan!” Napailing na lang ako sa naging reaksyon ni Koline nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Finn at sa pag-uusap namin kanina. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi rito sa apartment namin ni Koline e tulala ako kanina habang naglalakad pauwi habang dala ang binili kong dalawang bote ng alak. Ngayon ay umiinom na kami ni Koline at malapit na niyang maubos ang isang bote habang ako naman ay hindi pa m

