Chapter 7

1295 Words
CHAPTER 7 (Cassy’s POV) "What do you want? Mayo or olive oil?" Cassy showed the two bottle of the condiments for the salad they would make.  "Kahit ano. Ikaw ang bahala. Mas may alam ka naman sa ganyan, bunso." saglit siya nitong nilingon. Pagkatapos may kinuha na naman ito sa junk food area sabay lagay sa cart nila.  Napasimangot na siya. Kanina pa ito lagay nang lagay ng mga junk food sa isang tray na hila hila niya. She was also carrying two more cart for things that she thinks they don't really need.  Nasa unahan ang ate Momo niya at panay ang lagay nito sa cart ng kung ano lang ata na magustuhan nito.  Cassidy just sighed and returned the things that she thinks is not needed.  "Ano mas maganda Cas? Ito o ito?" inangat nito sa kanang kamay ang isang pakete ng shrimp flavored snack. Sa kaliwa naman ay fish flavored.  She narrowed her eyes but choose to shrug her shoulder and rolled her eyes upward. Minsan talaga gusto niya ding sabihin na unnecessary ang mga binibili nito. "The shrimp flavored."  Mukhang napansin na nito na badtrip siya. Nakangusong ibinalik nito ang dalawang junkfood. Saka siya niyakap sa braso.  Yumuko siya para hindi nito makita ang pamumula ng mukha niya. Mainit na kasi iyon. Halatang kinikilig siya dahil sa ang lapad din ng ngiti niya.  "Wag ka nang magalit Cas....baka kasi mawalan tayo ng supply ng chichirya kapag nanonood tayo ng Netflix. Mahirap kayang mabitin." "San mo nilalagay yung mga kinakain mo ate?" natatawa niyang biro dito habang papunta na sila sa cashier.  Namewang ito. "Bakit. Hindi na ba ako seksi? For your information bunso. I exercise in the gym every sat and sunday." Tumango tango siya dito. That word again. Nagsasawa na siya doon ah? Dati nung hindi sila magkasama sa bahay at hindi niya ito madalas makita. Cas o Cassidy lang tawag nito sa kanya. But now, halos araw arawin nito ang pag tawag sa kanya ng bunso. Parang mas gusto niya pa nung hindi ito nakatira sa kanila.  ........... Nagbayad na sila sa cashier. Even the baggers are overwhelmed with the boxes. Assistant manager na kasi ang ate Momo niya. Marami siguro itong pera para gastusin. Binawasan niya pa nga ang mga pinamili nito.  Nasa highway na sila nang buksan nito ang limang boxes. "Hey. Bunso. Something is missing here" nakita niya ang pagkalkal nito sa isang box. Pagkatapos lilipat naman ito sa isa. "Nawawala yung apron na binili ko." Napangiti siya saka iiling iling na huminto nang mag red light. "Hindi mo naman kailangan yun ate Momo. Hindi ka marunong mag luto remember?"  Nag pout ito. "Ah basta. Nasaan na kaya yun?"  She reached out her right hand to touch Momo's hands. "Ibinalik ko na yun kanina. I'm the cook remember?" Hindi ito nag salita. Kaya naman nilingon niya na ito. Napansin niyang nakatingin ito sa kamay nilang dalawa. Tila napaso na ibinalik niya ang kamay sa steering wheel. Tinapik tapik niya iyon para kahit papaano ay mawala ang kuryenteng nararamdaman niya.  Ang tagal namang mag green light. "A-Ah...basta hindi mo kailangan yun ate Momo." bahagya niya itong nilingon.  Momo threw her head back laughing. "Your expression is so cute!" pagkasabi nun. Kinurot nito ang pisngi niya.  Napabitaw tuloy siya sa manibela. Kinusot niya ang pisngi dahil mahapdi. Pinanggigilan kasi nito.  "Uy green light na."  Tiningnan niya ang itinuro nito. It was indeed a green light. Inirapan niya muna ito bago niya pinaandar ang sasakyan.  Napatingin siya sa kanan niya. And she saw a kid to the open window. Ngumiti siya dito. Nakangiti din itong kumaway pabalik. Nakita niya pa ng sawayin ito ng mama nito. The mother even said sorry to her.  Napangiti siya ng mapait. She was also happy when her parents were around but now........she stopped her train of thought. Ngumiti siya sa mga ito sa huling pagkakataon saka siya tumingin sa unahan. She can't dwell on the past. Kumikirot ang dibdib niya sa tuwing naaalala ang mga magulang. Wala sa sariling kinapa niya ang pelat sa dibdib.  She was about to step on the gas pedal but suddenly a blue car was speeding up infront of them. Nabunggo nito ang sasakyang itim na nauna sa kanila. Ang kotse nung mag pamilya!  She was stuck frozen for a moment. Agad na nangilid ang luha niya. It feels like she's back in the accident. But no not this time. She had to do something. Nanginginig ang mga kamay na inalis niya ang seatbelt. Lumabas siya para usisain ang aksidente. Sumunod sa kanya ang ate Momo niya na nag mamadali rin ang kilos.  "Oh my gosh!" Momo said.  Marami na ang tumitingin lang sa paligid. Pagkatapos ay mag uusap usap.  Agad siyang dumaan para buksan ang passenger at back seat ng itim na sasakyan. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang nakatingin sa loob. Napahawak siya sa bibig ng makita ang nag itsura ng nag d-drive nun.  The man driving is unconscious and there was an inflatable bag in his face. May umaagos na dugo mula sa kamay nito. Nilingon niya ang mag ina. They too are unconscious umaagos ang dugo sa noo ng bata at may tumamang bubog sa kamay ng mama nito. The mothers hand protected the child's head.  Napailing siya. No! Kahit na gusto niya nang sumuka sa nakita ay sunod niya namang inusisa ang blue na kotse. The guy is probably a minor. Nakasuot pa kasi ito ng pang senior high na uniform ng school nila. Kagaya ng naunang lalake there was an inflatable bag in his face. And he was also bloody. "Ate Momo. Call the ambulance!" her voice is cracking.  Nakita niya ang kamuntikang pagkahulog ng cellphone nito. Nanginginig ito habang nag d dial sa cellphone.  "H-Hello. M-May aksidente po dito sa Ramos street. Apat po ang injured." She reached for the little girl's hands. It was slick with blood. Pero wala siyang pakialam. Ang bata pa nito. Please God help them. She felt so sorry, dahil sa aksidenteng ganito kaya marami ang napapahamak.  She didn't realize that her eyes are tearing up. Nanlabo na lang bigla ang mga mata niya dahil sa mga luhang nag uunahang pumatak sa mukha niya. Naalala niya ang lahat. Prinotektahan din siya noon ng ina niya.  "Excuse me! I'm a doctor student!"  Napalingon si Cassy sa sumigaw nun. She immediately wiped her eyes. Isang babae na naka uniform ng sarili nilang school ang lumapit sa pwesto niya. Hinayaan naman ito ng mga tao na dumaan.  "Did you check their pulses?" lumingon ito sa sa kanya. Agad siyang umiling.  Kinapa nito ang pulsuhan ng lalake. Pagkatapos pumunta din ito sa pwesto nang mag papamilya. Kagaya kanina kinapa din nito ang pulso.  "They are unconscious but seems to be fine. Mabuti na lang at hindi mo sila ginalaw sa pwesto nila. They may suffer from hidden injuries caused by impact trauma." "M-Magiging maayos lang ba sila?"  Momo tapped her back. Agad siyang nakahinga ng maluwag. She didn't rralize that she's been holding her breath. Naging relax na rin ang paghinga niya. Nilingon niya ang ate Momo niya. Ngumiti ito ng bahagya, but there was something in those eyes that she can't read at the moment.  Napalingon silang lahat sa dumating na ambulansiya nang marinig nila ang tunog nun.  "They will be alright. Mabuti na lang at wala sila sa passenger seat. And the impact of the car isn't that strong" sagot ng bagong dating na babae.  "T-Thank you." Umiling ito. "No. Thank you. Mabuti at naisip niyong tumawag ng ambulansiya. With all this people here. Wala man lang sa kanilang nakaisip nun. Nagawa pang pag usapan at kumuha ng pictures." "Mabuti nga at naisip agad ni bunso na patawagin ako ng ambulance." Momo said while looking at her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD