Chapter 5

1177 Words
CHAPTER 5 (Momosyne’s POV) Napatingin si Momo sa dalagang kaharap, kanina pa ito tahimik. Simula nang mabanggit ang mga magulang nito at ang luma nitong nickname. 10 years na ang lumipas pero parang sariwa pa rin ang sugat kay Cassy.  Kumirot ang puso niya para dito. She was just a kid back then. Naranasan na nitong mawalan ng magulang.  Mukhang wala itong problema dahil madali lang rito ang mag biro. Pilya din ito. Alam niyang sinadya nito iyong kanina. Ngayong nakikita niyang malungkot ito. Gusto niyang ibalik ang pilya at masayahing Cas.  Patingin tingin siya dito habang sumusubo ng kanin at chicken curry. Hindi niya nga masyadong malasahan ang gawa nito ngayon dahil sa nag aalala siya dito.  Kita kasi sa mga mata nito ang lungkot. Malamlam iyon at tila ba nawalan ng kinang.  Tumikhim muna siya. Saka niya kinuha ang baso sa harap niya para uminom.   "Ah. Cas...A-Ayos ka lang ba?"  "Hindi ko alam ate Momo."  Tinusok nito ang manok sa harap nito. Pagkatapos ay binitawan din nito ang tinidor at tumayo.  "Wala na akong ganang kumain. Mauna na akong matulog ate." "Cas...." she tried to reach Cas hands. Iniwas nito iyon.  She felt her heart squeezed. Bakit parang nasaktan siya nang iwasan nito ang mga kamay niya. Nasanay na kasi siyang lagi itong nag sasabi ng problema sa kanya. Hindi ganito na sinasarili lang nito. Hindi naman talaga nila napag usapan dati ang nangyaring aksidente. Ni hindi niya nga ito tinanong kung anong nararamdaman nito. Akala niya kusa itong mag o open up sa kanya noon. Hanggang sa lumipas ang ilang taon akala nilang lahat ok na ito. Bumalik na kasi ang sigla nito. Hindi rin ito nag salita tungkol sa aksidente. Kaya naman kinuha nila ang pagkakataong iyon para kalimutan na lang din ang nangyari.  Kaya ngayong napaalala ulit dito. Hindi niya inaakalang ganito ang magiging reaksiyon ni Cas.  Tinapos niya ang pagkain. Saka iyon niligpit at hinugasan. Nagpunas muna siya ng kamay sa pantalon niya dahil namamawis iyon sa sobrang tensiyon na nararamdaman niya.  She stood infront of Cassy's room.  Marahang kinatok niya iyon. But it opened when her fist touched the door. Mukhang hindi nito naisara ang pinto. Pumasok siya sa kwarto nito and she saw Cas curled up in the bed. Lumapit siya dito at umupo sa gilid ng higaan nito.  Mukhang gising pa ito dahil nakikita niya ang pag alog ng balikat nito at ang pag pipigil ng iyak.  "Na m-miss mo ba sila?" napabuntonghinga siya nang hindi ito sumagot. "Cas......" Hindi niya alam ang sasabihin niya pero isa lang ang alam niya. Cas is hurting right now. Hindi na siya nag salita pa. She wrapped her arms around the younger girl.  Muntik pa silang matumba nang yakapin siya nito bigla. Natatawang hinimas niya ang likod nito. "Mabuti na lang hindi ka kumain. Baka di ko kayanin yung bigat mo eh." Nag angat ito ng tingin sa kanya. There was still tears in Cas's eyes and the bottom part of her eyes is reddish. Even her now red nose has snot running down. Ngumiti ito. "Thank you ate momo. For always being there for me." Ngumisi siya dito. Bibiruin niya na lang ito para lalong gumaan ang pakiramdam nito. It worked in the past so maybe this time it will too. “Pinagtiyagan lang talaga kita dahil sa luto mo. Kung di lang talaga masarap yung luto mo ay naku---"  Hindi niya natapos ang sasabihin niya. Cassy's hands begin to shake. Pinipilit nitong itago iyon sa kanya. Umiiwas din ito ng tingin.  "Cas....what's wrong?" she tilted her head. And her voice is dripping with concern. Hinawakan niya ang kamay nito. And found out that it was cold and sweaty.  "A-Ate Momo. D-Do you mean what you said?"  Kumunot na ang noo niya. "No of course not. Binibiro lang kita." "T-Talaga?"  Tumango pa siya para patunayan iyon dito. Pero hindi talaga siya mapakali na sa simpleng biro niya ganito na ang reaksiyon nito.  "So bakit ganun ang reaksiyon mo sa biro ko?" gusto niyang malaman. This time she will ask her. Pinagsalikop nito ang kamay at pinag laruan iyon. Ilang minuto na pero hindi pa rin ito nag sasalita. Napayuko siya. Kasalanan niya rin siguro na hindi na sila ganun ka close kagaya nung 9 ito. Ni hindi niya ito tinanong noon. Baka iniisip nitong bakit siya nangengealam ngayon? She gripped the younger woman's shoulder. "Cas..."  Mukhang alam na nitong wala itong takas sa kanya ngayon. Naisip niya ring kailangan na talagang makumpronta ito tungkol sa aksidente noon ng magulang nito. Naaapektuhan pa rin kasi ito hanggang ngayon.  "You can tell me what's bothering you." pangingumbinsi niya pa.  Hindi ito kumibo at isang pilit na ngiti ang binigay sa kanya. Pasimple pa itong tumingin sa loob ng kwarto. Maybe to steer the conversation away. Sinundan niya ang tingin nito nang huminto iyon. Nakatingin ito sa clock na nasa study table nito. "M-Matulog na tayo ate Momo. May pasok ka pa bukas di ba?" Napatampal siya sa noo niya. Saka niya tiningnan ang alarm clock doon. It's already 10 PM. 8 niya ito sinundo at 9 na sila nakarating sa bahay. And she was so engrossed to chat with Castiel that is why they ate dinner at around 9:30.  "A-Ah...mabuti pa nga matulog na tayo." she softly smiled at Cassy.  Humiga na ito. Nanatili pa rin siya sa higaan nito. Kaya naman tiningnan na siya nito. Nakakunot pa ang noo.   "I'm going to sleep beside you tonight." Pagkasabi nun, she immediately dived under the cover. Hindi na ito kumibo sa ginawa niya at tinalikuran siya.  Sumiksik naman siya sa likod nito. Pinatong niya ang kaliwang kamay sa ulo nito at marahang hinaplos ang buhok nito. Inilagay naman niya sa bewang nito ang kanan niya.  She was humming while stroking Cas's hair. Hindi niya maintindihan kung naaawa siya dito. O talagang parang kapatid na ang turing niya dito kaya ganito siya masaktan. Like she wants to protect Cas from whatever it is that she was hurting from. Nung nakita niya itong parang hirap mag pigil nang iyak. She wants to wipe those tears away.  Alam niyang sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng mga magulang nito. She was the only survivor of the accident. Protected by her parents when the car loose it's break and had hit a concrete post.  Mayamaya pa narinig niya na ang mahihinang hilik nito. She smiled. Bata pa talaga ito. Hirap mag pigil ng emosyon at ayaw mag sabi ng saloobin sa iba, kahit na obvious sa mukha nito kung ano ang nararamdaman.  But Cassy wasn't immature and foolish like most of the teenager these days. Hindi ito basta basta nag de desisyon hanggang hindi nito alam kung ano ang kalalabasan. Kaya nga masasabi niyang maswerte talaga ang magiging asawa nito balang araw.  "It wasn't your fault. So please stop beating yourself up for the choice you made that day." she said to Cas.  Ayaw niyang sabihin dito ng harapan dahil alam niyang lalo lang nitong kikimkimin ang nararamdaman nito. For now, this is enough. Ang may masandalan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD