Chapter 66

1166 Words

Naalarma ang mga security sa guardhouse nang Villa ng makita nila ang paparating na tatlong van habang sa unahan ng mga ito ay isang mamahaling itim na kotse na kinalululanan ni Hades. Mabilis na nagtipon ang may nasa kinseng katao na nakatalaga na magbantay sa entrance ng Villa. Ang ilan sa kanila ay nagkasā na ng kanilang mga baril dahil nararamdaman nila ang napipintong panganib na dala ng di inaasahang panauhin. Mula sa loob ng kotse ay nanlilisik ang mga mata ni Hades na nakatitig sa mga kalalakihan na nakaharang sa kanyang dadaanan. Ang isa sa mga ito ay may hawak na isang flashlight habang sumesenyas na huminto sila ngunit imbes na sumunod ay walang takot na sina-gasaanan pa niya ang mga ito. Mabilis na tumabî ang mga tauhan ni Marie bago itinutok ang kanilang mga baril sa direksyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD