Steffany’s Point of view “Lihim akong kinabahan ng maramdaman ko na parang may sumusunod yata sa likuran ko. Pero napakaimposible naman dahil alam ko na ligtas ako dito sa loob ng aking kumpanya. Tahimik lang akong nakikiramdam sa aking paligid habang patuloy sa paglalakad. Napalunok ako ng maramdaman ko ang isang presensya sa aking likuran at bigla ang pagkabôg dibdib ko. Natataranta na nag-iba ako ng direksyon ngunit sa biglang paglikô ko ay halos mapalundag ako sa sobrang gulat dahil sa biglaang pasulpot ni Hades sa aking harapan. Kamuntikan pa akong mabangga sa katawan nito. “Ay! H-hades?” Ani ko habang malakas ang kabôg ng dibdib ko, mabilis na yumakap ako sa kanya at unti-unting kumalma ang matinding tensyon sa aking katawan. “Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala na tanong

