Chapter 68

1361 Words

Steffany’s Point of view “STEFFANY!” Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan at kulang na lang ay malunok ko ang bula ng toothpaste sa aking bibig ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Hades na siyang bumulabog sa loob ng buong kwarto. Kasalukuyan akong nag to-toothbrush sa loob ng banyo at dahil bahagyang nakaawang ang pintuan ay halos mabingi ako sa lakas na sigaw nito. Nagmamadaling nagmumôg ako ng tubig saka kaagad na pinunasan ng towel ang aking bibig. Hindi na ako magkandaugaga na makalabas ng banyo at halos nakalimutan ko na buntis nga pala ako. “Hades!” Malakas kong sigaw kaya kaagad itong napalingon sa aking direksyon, naudlot ang akmang paglabas nito sa pintuan ng kwarto. Ang kaninang expression nito na pinagsamang galit at takot ay biglang naglaho ng makita ako. Malaki an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD