Pagkatapos kong patayin ang gripo ay kaagad kong binalot ng malaking tuwalya ang aking katawan. Dinampot ko ang isa pang tuwalya upang tuyuin ang aking basang buhok. Nakagawian ko na ang maligo pagkagaling sa trabaho dahil masyadong maalinsangan at malagkit sa katawan. Patuloy kong kinukuskos ng tuwalya ang aking buhok habang naglalakad palapit sa kama. Mag-isa lang ako sa kwarto at ang lola ko ay ginagamit naman ang kabilang kwarto. Kami lang ni lola ang nakatira sa malaking bahay na ito dahil sa America na naninirahan ang may-ari ng bahay. Umuuwi lang dito ang buong pamilya nito sa tuwing maisipan nilang magbakasyon. Hindi ko pa nami-meet ng personal ang amo ng aking lola dahil sa loob ng dalawang taon na paninirahan ko dito ay hindi pa sila nagbabakasyon. Pag-upo ko sa gilid ng kama

