Lovely’s Point of view “Nagpropose na sa akin ang kapatid mo kaya mag-aral ka ng tawagin akong ate, hm?” Ani ko habang ang kilay ko ay nagtataas-baba ng hindi nawawala ang magandang ngiti sa bibig ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ni Izer dahil bigla na lang niya akong tinalikuran at iniwan. “Tingnan mo ‘tong taong ito, kinakausap ko pa babanatan ka ng alis! Nakakaimbiyerna talaga ang ugali ng abnormal na ‘to!” Naiinis kong bulong bago mabilis na hinabol ko siya dahil natatakot ako na baka nasa paligid lang ang taong sumusunod sa akin. Sa sobrang kaduwagan ko ay mahigpit kong niyakap ang kanang braso ni Izer. Hindi naman niya pinalis ang aking mga kamay basta tuloy lang ito sa paglalakad ngunit kapansin-pansin ang pananahimik nito na para bang wala siyang kasama. “You me

