CHAPTER 4

3283 Words
THIRD PERSON POV Halos tumirik ang mga mata ni Leopoldo habang matinding nakakapit ang kanyang kaliwang kamay sa gilid ng computer desk na nasa kanyang harapan. Doon ay nakapatong ang isang laptop na kanina pang may nagpi-play na malaswang video at masinsinan niyang pinapanood. Ang kanang kamay niya ay mabilis na nagtataas-baba sa matigas na bahagi ng kanyang katawan. Ang parteng nasa pagitan ng kanyang mga hita at nagsisimula nang maglaway. Kahit malamig sa loob ng kanyang kwarto ay hindi napigilan niyon ang paglalabasan ng mga butil ng pawis sa kanyang hubo’t hubad na katawan. Hindi niya alintana ang paglalandas ng mga iyon sa kanyang balat. Nang pasadahan niya ng dulo ng kanyang kanang hinlalaki ang maliit na butas sa ulo ng kanyang naghuhumindig na alaga ay mariin siyang napapikit. Tumingala ang ulo ni Leopoldo at marahang naglandas ang kanyang dila sa kanyang mga labi. Ninanamnam ang masarap na pakiramdam na dulot ng kanyang paglalaro sa sariling katawan. Nang marinig ni Leopoldo na umungol ang babaeng nasa loob ng video na kanina pa niyang pinapanood ay muling bumalik ang kanyang atensyon sa screen ng kanyang laptop. Doon ay kitang-kita niya ang paglalabas-masok ng tatlong daliri ng babae sa masikip na hawlang nasa pagitan ng nakabukaka nitong mga hita. Isang malutong na mura ang kumawala mula sa kanyang bibig habang pinagmamasdan ang pag-ungol ng babae dahil sa ginagawa nitong pagpapaligaya sa sariling laman. Matinding pag-iinit ng katawan ang nararamdaman ni Leopoldo sa mga oras na iyon dahil ilang araw din siyang hindi nakatanggap ng mahalay na video mula sa babaeng kanyang pinapanood. Talagang na-miss niya ito kaya ngayon ay walang mapagsidlan ang kanyang pagnanasa para rito. Kung pwede lamang na pumasok siya sa loob ng kanyang laptop screen ay ginawa na niya para patungan ang hubad na katawan ng babae sa ibabaw ng kama nito. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang magandang mukha ng babae. Mula sa mahaba nitong mga pilikmata, mga matang ngayon ay mapungay ngunit sa karaniwang araw ay parang palaging nagpapakita ng katarayan, ilong na bumagay sa maliit nitong mukha, at mga labing parang inaanyayahan siyang angkinin iyon nang paulit-ulit. Isang nagmamalaking ngisi ang sumilay sa mga labi ni Leopoldo nang maisip kung ilang beses nang sinakop ng kanyang mapang-akin na bibig ang malambot na mga labi ng babae. Mas humigpit ang kapit niya sa kanyang matabang kargada nang maalala kung paanong naglandas sa bibig ng babae ang mga makasalanang salita na para sa kanya ay isang mapang-akit na musika sa background sa tuwing sabay nilang inaabot ng babae ang hindi mapantayang ligaya sa piling ng isa’t isa. “I can’t believe you’re here with me right now, Leo. Kahit alam mong pwede tayong mahuli ni Tamara.” “What have you done to my body, Leo? Why do I crave so much for you? “Come on, Leo. Magkasala tayo nang paulit-ulit sa girlfriend mo.” Iyon ay ilan lamang sa mga salitang kumikiliti sa makamundong pagnanasa ni Leopoldo sa tuwing kaulayaw ang babae. Mga salitang ilang beses nang namutawi sa bibig ng babae sa mga panahong nagkikita sila ng palihim. Mga sandaling siya at ang babae lamang ang nakakaalam. Mga nakaw na oras sa likod ng kanyang kasintahang si Tamara. Parang nakasinghot ng matapang na amoy ng kalaswaan si Leopoldo nang maalala ang kanyang kasintahan. Sa tuwing naiisip ang kanyang girlfriend habang kasama ang maharot na babae ay nararamdaman niyang mas ginaganahan siya pagdating sa pakikipagtalik. Hindi iilang beses na ginawa nilang pampagana ng babaeng nasa video ang kanyang girlfriend sa tuwing nagsasalo sila sa katawan ng bawat isa sa ibabaw ng kama. Minsan ang babae ang paulit-ulit na bumabanggit sa pangalan ng kanyang girlfriend kapag nakalublob na sa basa nitong hiyas ang kanyang mahabang alaga. Ipinamumukha sa kanya ng babae na ito ang palagi niyang pinipili kaysa sa sarili niyang girlfriend sa tuwing nabubuhay ang tawag ng laman sa kanyang katawan. Minsan ay siya ang pilyong bumabanggit sa pangalan ng kanyang girlfriend sa tuwing nagtatampisaw sa batis ng kasalanan ang kanyang malusog na alaga. “Iyan ba? Ha? Iyan ba ang gusto mong nakapasok sa loob mo? Ang pag-aari ng kaibigan mong si Tamara?” “Kaninong pamalo ito? Sa iyo o sa girlfriend ko? Kanino ko ba dapat ipasubo ito?” “Ano? Kaya pa? Isagad mo kung gusto mong makalimutan ko si Tamara ngayong gabi. Itodo mo!” Ang mga katagang iyon na puno ng kalaswaan ang ilan lamang sa mga mahahalay na salitang ibinubulong ni Leopoldo sa tainga ng babaeng nasa video sa tuwing nagpapawis na ang kanyang magkabilang singit dahil sa sunud-sunod na pagbaon ng kanyang matibay na sandata sa mainit na sisidlan nito. Halos maglabasan ang mga ugat sa katawan ni Leopoldo habang mas humihigpit pa ang kapit ng kanyang kaliwang kamay sa matigas na desk. Wala ring humpay ang pag-angat at pagbaba ng kanyang kanang palad na nakapalibot sa kanyang matabang alaga. Halos habulin niya ang kanyang paghinga nang makitang lumiyad ang katawan ng babaeng nasa video kaya mas naging malinaw pa sa kanyang paningin ang pagkapit ng malambot na lamang nasa pagitan ng mga hita nito sa mga daliring pumapaloob doon. Kinagat ni Leopoldo ang kanyang ibabang labi nang maramdamang pumintig ang dalawang malaking bolang kinauupuan ng kanyang matigas na alaga. Iyon na ang hudyat na gumagapang na paakyat ang mga likidong ilang araw ding naipon sa loob ng kanyang mga namamagang lobo. Ngunit hindi pa gusto ni Leopoldo na isagad ang sarap na natatamasa. Ang nais niya ay takamin pa ang sarili kahit bumubukas-sara na ang mga daliring nasa kanyang mga paa. Hinayaan niyang makahinga ang dalawang bilog na prutas na nasa ilalim ng kanyang nag-aalburutong batuta sa pamamagitan nang pahinamad na pag-upo sa swivel chair at pagbukaka nang malaki ng kanyang dalawang hita. Lumagpas sa magkabilang gilid ng computer desk ang kanyang mga binti dahil sa laki ng pagkakadipa ni Leopoldo sa kanyang mga hita. Umaalingasaw na sa loob ng kanyang buong kwarto ang amoy ng kanyang pawis at paunang likido na marahang iniluluwa ng namumulang ulo ng kanyang mahabang alaga. Muling umusal ng malakas na mura si Leopoldo nang makitang tumuwad sa ibabaw ng kama ang babaeng nasa video. Kitang-kita ng kanyang mga mata ang makinis at malaman nitong pang-upo. Mabilis na bumitaw mula sa pagkakakapit sa gilid ng computer desk ang kanyang kaliwang kamay at ikinuyom iyon. Marahas niyang ibinagsak sa ibabaw ng mesa ang nakakuyom niyang kaliwang kamao. Matindi na ang panggigigil na kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Gustung-gusto na niyang ikulong sa kanyang mga palad ang alam niyang malambot na likuran ng babae. Nasasabik na siyang muling pisilin ang mga iyon, patakan ng kanyang laway, kagatin gamit ang kanyang mga ngipin, at pasadahan ng dulo ng kanyang dila ang maliit na hiwang nakapaloob sa pagitan ng mga iyon. Uhaw na uhaw at gutom na gutom na siya sa katas at laman ng babaeng titigan pa lamang siya ay nagwawala na ang malikot niyang alaga sa pagitan ng kanyang nanginginig sa libog na mga hita. Wala sa loob na bumukas ang palad ng kaninang nakakuyom na kaliwang kamao ni Leopoldo. Umangat iyon at nanginginig na humaplos sa screen ng kanyang laptop. Pakiwari niya sa ginawa niyang iyon ay para na ring kasama niya nang personal ang babaeng bida sa malaswang video na iyon. Halos magputukan ang muscles sa kanyang kanang braso habang dumidiin ang kapit ng kanyang kanang kamay sa hindi na makontrol na alaga sa pagitan ng mga singit niyang naliligo na sa pawis. Nanginginig na ang buo niyang katawan dahil sa nagniningas na kahayukang nararamdaman niya para sa babae. May pakiramdam si Leopoldo na unti-unti na siyang iginugupo ng kanyang naglalagablab na sistema nang biglang tumunog ang phone na nasa tabi ng kanyang laptop. Namumungay ang kanyang mga mata na pinasadahan ng tingin ang screen ng kanyang phone. Isang endearment ang nabasa niya mula roon “Baby”. Patuloy pa rin ang pagkambiyo niya sa kanyang namamagang kargada habang pinag-iisipan kung dapat ba niyang sagutin ang tawag na iyon. Muling bumalik ang kanyang atensyon sa malaswang palabas na naroon sa screen ng kanyang laptop. Sa pagkakataong iyon ay may nakapasok ng matigas na kagamitan sa loob ng basang perlas ng babae. Pakiramdam ni Leopoldo ay naipon na sa kanyang ulo ang lahat ng dugo sa kanyang katawan habang pinapanood kung paanong manginig ang katawan ng babae dulot nang paglalabas-masok ng mahaba at matabang itim na bagay na iyon sa pintuan ng langit na nasa sentrong bahagi ng katawan nito. Sa tingin niya ay handa nang bumuga ng mainit at malapot na likido ang kanyang matabang alaga. Ngunit isang mensahe ang nag-pop up sa screen ng kanyang laptop screen na naging dahilan para roon matutok ang kanyang atensyon. Isang chat message mula sa babaeng nasa video. “Have you received the video that I sent your way, Leo? Are you watching it right now? Tell me, L.” Hindi niya napigilan ang paglawak ng mala-demonyong ngisi sa kanyang mga labi matapos mabasa ang mapang-akit na mga salitang iyon Awtomatikong gumalaw ang mga daliri sa kanyang kaliwang palad patungo sa keyboard ng kanyang laptop. Nakahanda na siyang tumipa para mag-compose ng reply sa message na iyon ng babae. Ngunit bago pa man magawa ni Leopoldo iyon ay isa pang mensahe mula sa babaeng nasa video ang nag-pop up sa screen na nasa kanyang harapan. Kaagad na nawala ang pilyong ngising nakapaskil sa kanyang mukha nang mabasa ang nilalaman ng ikalawang chat message. “Anyway, L, hindi ko pa nailalagay sa gamit ng boyfriend ko iyong mga ibinigay mo sa akin. Wala na siya sa bar na pinuntahan namin noong bumalik ako roon.” Sa nabasang iyon ni Leopoldo ay parang nabawasan ang apoy na sumisikdo sa kanyang buong sistema. Bigla humalo ang kaba sa nararamdaman niyang pagnanasa para sa babaeng nagpadala ng mensahe. Nakatitig lamang siya sa mensaheng iyon habang ang kanyang kanang kamay ay unti-unting tumitigil sa paggalaw sa paligid ng matigas na tubong nakatayo sa pagitan ng kanyang mga hita. Mabilis pa rin ang pagtibok ng kanyang puso habang marahang isinasandal ang kanyang likod sa swivel chair. Nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa maliwanag na laptop screen ngunit wala na roon ang isip ni Leopoldo. Parang nanunuksong bumalik sa kanyang isipan ang isang kaganapan sa pinuntahan niyang house party kagabi. Isang eksena na maaari niyang pagsisihan sa bandang huli. Mariing ipinikit ni Leopoldo ang kanyang mga mata habang muling dumadaloy sa kanyang diwa ang desisyong hindi niya alam kung kanyang pagsisisihan o hindi. Marahang isinara ni Leopoldo ang pintuan ng isa sa mga kwartong naroon sa ikalawang palapag ng malaking bahay ng mga Nevero. Kasalukuyang ginaganap sa loob ng bahay na iyon ang house party na in-organize ng kanyang kaibigang si Amelia Nevero. Isang magandang opportunity para isagawa ang iniutos sa kanya ng kaibigang si Terrence. Iginala niya ang kanyang paningin sa buong hallway ng palapag na iyon. May iilang College students siyang nakita ngunit sigurado siyang ang karamihan ay nasa unang palapag ng bahay. Kinuha niya mula sa loob ng bulsa ng kanyang suot na pantalon ang kanyang phone at tiningnan kung may ipinadala nang mensahe sa kanya ang girlfriend na si Tamara Beltrano. Napakunot ang noo ni Leopoldo nang makitang wala siyang natanggap na text message mula sa kanyang kasintahan. Tumitindi ang kanina niya pang nararamdaman na inis dahil isa lamang ang ibig sabihin niyon. Naroon pa rin sa house party ang kanyang pinsan na si Harold Gadaza. Kanina niya pa napapansin na pasimpleng pinagmamasdan siya at ang kanyang girlfriend ng kanyang pinsan sa tuwing nagkakatagpo ang kanilang mga landas sa party na iyon. Alam niyang may ideya na ang kanyang pinsan sa ginagawa nilang raket ni Tamara dahil nabanggit sa kanya ng girlfriend na minsan na itong kinompronta ni Harold tungkol sa kanilang mga questionable na gawain. Nanatiling nakatayo si Leopoldo sa tabi ng nakasaradong silid kung saan naroon ang mga kagamitang kakailanganin nila ng kanyang girlfriend para magawa nang maayos ang isang mabilisang trabaho kung saan kikita sila nang malaking halaga ng pera. Maya-maya ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang phone sa kanyang kamay. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang tumatawag ang girlfriend niyang si Tamara. Sinipat muna niya ang ilang mga estudyanteng naroon din sa palapag na iyon bago sinagot ang tawag sa mahinang tinig ng boses. Leopoldo: Hello, baby. Nang marinig niyang sumagot si Tamara mula sa kabilang linya ay napansin niyang mahina rin ang tinig ng boses nito. Tamara: Baby, nasa kitchen si Harold ngayon. He’s still drinking. Nagtalo yata sila ng girlfriend niya kanina. Nakita kong lumabas ng bahay si Violet. Halos ipagdiinan niya sa kanyang kanang tainga ang phone dahil mahina na nga ang boses ni Tamara ay napakalakas pa ng music sa background nito. Leopoldo: Okay, sige. Bantayan mo kung saan pupunta si Harold. Sa tingin ko ay mas mabuting i-postpone muna natin ang pagdi-distribute ng item sa mga estudyanteng nasa list of buyers. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago niya narinig na muling nagsalita ang kanyang girlfriend. Tamara: Tungkol diyan, nagsabi na ako kay Terrence kanina na minamanmanan tayo ng pinsan mo. He told me na babalik siya rito sa house party. Alam mo na siguro ang ibig sabihin niyon. Sa kanyang narinig mula kay Tamara ay bahagyang nakaramdam ng relief si Leopoldo. Tingin niya ay mas mabuting naroon si Terrence sa house party para maagaw nito ang atensyon ni Harold at ilayo sa kanilang dalawa ni Tamara. Leopoldo: Tama ang ginawa mo, baby. Sige. Diyan ka muna. Ihahanda ko na ang items. Nang matapos ang phone call ay kaagad niyang ibinalik iyon sa loob ng pocket ng kanyang suot na pantalon. Binuksan niya ang pintuan ng silid na nasa kanyang likuran. Nang akmang isasara na niya iyon ay isang kamay ang pumigil sa paglapat niyon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Leopoldo nang makita sa kanyang harapan ang girlfriend ni Terrence. Leopoldo: Isla? Anong ginagawa mo rito? Bored ka na ba sa party? Hindi sinagot ni Isla ang kanyang tanong at tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng silid na iyon. Humugot siya ng isang malalim na paghinga habang dahan-dahang isinasara ang pinto. Umaasa siyang wala nang ibang College students ang magtatangka pang pumasok sa loob ng kwartong iyon. Nang harapin niya si Isla ay nasilip niya sa mga mata nito ang pag-aalala. May pakiramdam si Leopoldo na may ideya na rin ang girlfriend ni Terrence sa mga bagay na ginagawa ng boyfriend nito. Isla: Tumawag si Terrence sa akin. Ang sabi niya ay babalik daw siya rito sa house party dahil nagsabi ang girlfriend mo sa kanya na minamanmanan daw kayo ni Harold. Naglakad palapit kay Leopoldo ang babaeng nasa kanyang harapan. Isla: Bakit kailangang bumalik ni Terrence, Leopoldo? Tama ba ang hinala kong may illegal na bagay na naman kayong ginagawa ni Tamara? Pero bakit kailangang madamay ng boyfriend ko rito? Gusto sanang itanggi ni Leopoldo na totoo ang kutob ni Isla ngunit napansin niyang nakalingon na ang ulo nito sa malaking bag na nakapatong sa ibabaw ng malaking kama. Sinundan niya si Isla nang dahan-dahan itong maglakad patungo sa direksyon ng malaking higaan. Leopoldo: Isla, pangako, hindi namin idadawit ang pangalan ni Terrence kapag nagkahulihan. Parang walang narinig ang babae sa mga sinabi ni Leopoldo at patuloy lamang ito sa paglalakad. Nang huminto ito sa tabi ng kama ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at kaagad na binuksan ang zipper ng malaking bag. Napansin niyang parang nanigas sa kinatatayuan nito si Isla nang makita ang nilalaman ng malaking bag. Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Isla: Fake identification cards? Akmang magpapaliwanag si Leopoldo nang biglang itinaas ni Isla ang kanang kamay nito at itinapat mismo sa kanyang mukha. Isla: You owe me one, Leopoldo. Remember? Hindi ko gustong madamay si Terrence sa gawaing ito. Habang hindi pa siya dumarating dito, itapon mo ang lahat ng ID na iyan. Pwede kayong kumita ng pera ni Tamara sa tamang paraan. Gusto sanang sabihin ni Leopoldo kay Isla na hindi nito naiintindihan kung bakit kailangang maibigay sa iba nilang College schoolmates ang mga fake identification cards na iyon. Ngunit sigurado siyang mas pahahalagahan nito ang kaligtasan ng boyfriend nitong si Terrence. Kaya kahit labag sa loob ay tumango siya rito. Nang matapos ang naging pag-uusap nilang dalawa ni Isla ay naiwan siya sa loob ng kwartong iyon. Nahahati ang kanyang isipan sa kung ano ang dapat na gawin. Itapon ang mga pekeng card o itago lamang sa mas ligtas na lugar? Iyon ang katanungan sa isip ni Leopoldo na hindi niya alam kung paano sasagutin. Kapag hindi niya naibigay sa mga tamang tao ang mga pekeng ID na iyon ay paniguradong mananagot siya sa ama ng isa sa kanyang mga kaibigan. Unti-unting bumibilis ang pagpintig ng kanyang puso dahil sa kabang bumabangon doon. Hanggang sa isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan. Alam niyang matinding parusa ang dadanasin niya kapag hindi natanggap ng mga estudyanteng nasa listahan na kanyang hawak ang mga pekeng card na nasa loob ng bag. Ngunit kung palalabasin niyang ninakaw ang bag na iyon, sigurado hindi mapupunta sa kanya ang sisi. Sa kaisipang iyon ay isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Leopoldo. Kaagad niyang tinawagan ang taong alam niyang makakatulong sa kanya. Si Harper Ilacad, ang girlfriend ng kanyang pinsang si William Gadaza. Ito ang uutusan niyang maglagay ng mga card na iyon sa mga kagamitan ng kanyang pinsan. Muling bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Leopoldo nang muling marinig ang pagtunog ng kanyang phone. Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon ay hindi na “Baby” ang nabasa niya sa screen ng kanyang phone. Ang bumungad kay Leopoldo ay ang pangalan ng kanyang pinsan na si William Gadaza. Bigla siyang naalerto at naalala ang naging usapan nila ng girlfriend nito kagabi. Napaisip siya kung dapat niyang sagutin ang tawag o hindi. Ngunit sa huli ay mas nanaig sa kanya ang kuryosidad. Leopoldo: Hello? Nararamdaman pa rin ni Leopoldo ang paninigas ng kanyang matabang alaga habang sinasagot ang tawag ng kanyang pinsan. May kaba sa kanyang dibdib habang hinihintay na magsalita ito mula sa kabilang linya. Sa kanyang laptop ay patuloy pa ring nagpi-play ang video kung saan naroon ang nakahubad na babae. Nakahantad sa kanyang paningin ang makinis at makurbang katawan ng kasintahan ng kanyang pinsan. Si Harper Ilacad. Hindi niya napigilan ang pagpitik ng kanyang alaga nang marinig ang tinig ng boses ng lalaking kanyang pinipindeho mula sa kabilang linya. William: Pinsan, magkasama ba kayo ni Harold ngayon? Hindi pa siya umuuwi simula kagabi. ---------- to be continued... ---------- Christmas Greeting from Violet Oliverios: “This season has a way of reminding us na life doesn’t always follow the script we expect. Minsan akala mo kilala mo na ang isang tao, akala mo buo na ang picture, then one night, one moment, everything shifts. Christmas lights still glow, music still plays, pero may kaunting tahimik sa gitna ng ingay. And maybe that’s part of the magic too. Kasi Christmas isn’t always about perfection, it’s about the people we look for when something feels missing. Family, friends, lovers, the ones who refuse to stop asking questions, the ones who keep showing up kahit mahirap, kahit walang kasiguraduhan. If this year felt confusing or unfinished, I hope this holiday gives you patience instead of pressure, peace instead of answers, and strength to trust the process. Not everything lost is gone forever and not every disappearance means the end of the story. So wherever you are right now, celebrating loudly or quietly holding on, I wish you warmth, courage, and the kind of hope that stays even after the party’s over. Merry Christmas and may you always find your way back to what truly matters.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD