It was the second day of their vacation. Matapos mag-check out sa hotel, bumiyahe na sila sakay ng puting van patungo sa farm ng pamilya ni Ciel. It was a 4-hour travel, kaya naman sinamantala na rin nila ang oras para makapagpahinga. Saktong lunch time na nang makarating sila. Si Ciel ang gumising sa kanila. "And welcome sa farm namin!" masayang bungad ni Ciel nang makababa silang lahat sa sinakyang puting van. Halata sa mukha at boses nito ang excitement. Samantalang, humahangos na lumapit sa kanila ang isang babaeng mestisa, si Melissa, ang mama ni Ciel. "Oh my God, ang baby Ciel ko!" bati nito sa anak saka tumingkayad para hagkan ang pisngi nito. "I miss you, Anak!" "Miss you, too, Ma!" Tapos, nagyakapan ang dalawa. Gaya ni Ciel, mayroong mapungay na mga mata at matangos na ilong

