"Tang ina, Ciel, late ka na naman nagising," bungad ni Dean kay Ciel nang sa wakas ay lumabas na ito sa kwarto kung saan sila natulog. "Tapos na kami mag-almusal at lahat, ikaw, kakabangon mo lang." Sa totoo lang, almost time na rin for lunch noon pero hindi rin naman halata palibhasa'y makulimlim sa labas. Pupungas-pungas pa si Ciel nang okyupahin nito ang bakanteng upuan sa tabi ni Keaton. Tapos, yumukap sa kababata. "Keaton, timpla mo ko kape," parang batang anito. "Antok pa ako." Saktong lumabas din mula sa kusina si Lukas noon bitbit ang dalawang tasa ng kape. Nilapag muna nito ang mga hawak sa kawayang center table saka mahinang tinuktukan si Ciel. Ciel grunted. "Hoy, sinong nagbigay ng permiso sayong yumukap kay Keaton, ha?" sabi ni Lukas. Matalim pa ang titig nito kay Ciel. "

