Matapos i-record sa phone ang sinulat na kanta, nagdesisyon si Keaton na oras na para matulog siya. Matapos niyang patayin ang ilaw sa sala, nagtungo siya sa tutulugan niyang kwarto. May dalawang kwarto sa farmhouse na iyon. Normally, he was sharing a room with Ciel. But now, si Lukas ang kasama niya. Dean and Isaac shared the other room. As for Ciel, sumama ito pabalik sa bahay ng mga magulang para doon magpalipas ng gabi. Tulog na si Lukas nang datnan ito. Well, it was past midnight. Maaga ring natulog si Lukas dahil malamig daw at madali itong inantok. Dahan-dahang tumabi si Keaton sa lalaki. Tapos, tinalukbong niya ang kumot na paghahatian nila. Noon lang niya napansing wala itong pag-itaas. And now that they were under the same blanket, he felt Lukas’s body heat radiating toward h

