
"R-richard, b-buntis ako" ..he chuckled.
"Na naman, pang ilang pagbubuntis buntisan mo na ba yan ha monica?" tanong niya.
"T-totoo na to honey hindi ako nag sisinungaling this time totoo na to, please maniwala ka namn sakin oh!" Pakiusap ko sa kanya.
"Enough to your lies monica, sa tingin mo ba maniniwala pa ko sayo ngayon? Sa lahat ng kasinungalingan mo!" Galit na sigaw ni richard.
HON-. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumalikod na siya patungo sa kotse niya.kaya may pag mamadaling hinabol ko siya at hindi ko na napigilan pang mapaiyak.
May pailan ilang tao na nakatingin sa amin dito sa parking lot ng condominium kung saan siya nag iistay ngayon, nagbubulungan at yung iba ay naka ngisi na may mga tinging nag sasabi na deserved mo yan. But i don't care, this is my last chance, ayokong lumabas ang magiging baby ko na walang amang kinagisnan na kagaya ko, all i wanted is to have a complete family para sa mga magiging anak ko, yung merong tatay at nanay na makakagisnan, masama ba yun? Kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanya para pigilan siyang makaalis.
"Richard please." Hinawakan ko siya sa kanyang kaliwang braso para pigilan ngunit talaga yatang nasagad ko na ang kanyang pasensya, pa balya niya akong tinulak at dahil sa hindi ko ito inaasahan ay na out balance ako at napaupo sa simento.
"Ano ba monica!, ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na tama na?" Galit niyang sigaw namumula na ang buong mukha niya pati mga mata dahil sa sobrang pag titimpi.
"Pakawalan mo na ko Monica, tama na, hindi ikaw ang mahal ko alam yun simula pa lang, naging mag asawa lang tayo because you set me up! Hindi kita mahal, at hinding hindi kita mamahalin dahil stella lang ang mahal ko at wala nang iba!." Sigaw niya sakin.
At this moment hindi ko na talaga napigilan pa na umiyak dahil sa mga sinabi niya.
Ang katotohanan, masakit kasi totoong hindi niya ako mahal and i feel that in every single day of our marriage.
*******
Si Richard Bernardo, kilalang sikat, mabait at matulunging artista at yun ang kinasangkapan ko para makuha siya, para mapa saakin siya.At nagawa ko nga, Ako c Mrs. Monica Del Junco Bernardo ang asawa at number one fan niya.
Ang akala ko kapag naging mag asawa na kami matututunan niya din akong mahalin, kasi may nababasa at napapanood akong true to life love stories na sabi nila at first they not love each other, like arranged marriage lang sila dahil pinagkasundo ng mga pareho nilang pamilya, but during of their marriage na develop yung feeling nila for each other and until now they older sila pa din at mahal na mahal nila ang isa't isa.
But akala ko ganun din ang mangyayari sa amin ni Richard, pero hindi pala dahil yung mabait na artistang hinahangaan ko noon at minahal ay unting unting nag bago, No!!binago ko.
Ako ang dahilan kung bakit nag iba ang tingin niya sa mga tao, ako ang dahilan kung bakit hindi na siya agad agad nag titiwala ngayon sa ibang tao.
Ako ang dahilan kung bakit nahihirapan siya ngayon dahil ang babaeng tunay niyang minamahal ay hindi niya magawang makasama, hindi niya magawang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal dahil may asawa na siyang tao.
Pero ako mahal ko siya, mahal na mahal. Kaya pinili kong intindihin siya at patuloy na umaasa na sana isang umaga pag gising ko, ako na ang mahal niya, pero hanggang kailan?
Sa gabi at uuwe siyang lasing na lasing at sa tuwing inaangkin niya ako at pangalan ng ibang babae ang kanyang sinasambit parang hinahati ang puso ko sa sobrang sakit at walang magawa kundi ang umiyak ng tahimik pagkatapos naming mag niig,at gigising sa umaga na parang wala lang ang nangyare.
Alam ko sa puso ko na siya ang lalaking para sa akin,na siya lang ang lalaking mamahalin ko.
Pero hanggang kailan ko paniniwalain ang sa sarili ko na siya ang tamang lalaki para sa akin? Hanggang kailan ako aasa na darating ang panahon na mamahalin din niya ako tulad ng kung anong pag mamahal ang meron ako para sa kanya? Darating pa ba o mas mabuting isuko ko na lang at tanggapin na kahit anong gawin ko ay hindi niya ako magagawang mahalin, dahil ang puso niya ay matagal ng pag aari ng iba?.
Hanggang kailan ko siya kayang hawakan?
Ang sabi nila pag ayaw na ng isa at kung talagang mahal mo, palayain mo siya.
Ang kaibahan lang c richard hindi niya ko minahal simula pa lang. Dahil ang simula namin ay mali na agad sinet up ko siya at nilagay sa sitwasyon na hinding hindi niya pweding takasan at iwasan.
Ginamit ko ang pagiging artista niya at mabuting tao para makuha siya. I loved him. And my love for him is become to a obsession.
Nakuha ko man ang titulo bilang asawa ng isang Richard Bernardo, mag asawa man kami sa batas ng tao at ng diyos, pero ang puso niya hindi ko magawang maangkin.
Hanggang kailan ko ipipilit ang pag-ibig ko na alam kong hindi kailan man kailangan.? Kaya ko bang panindigan ang sumpang mag sasama sa hirap at ginhawa kung puro hirap at pasakit sa damdamin na lang ang parating natatanggap na sukli.?
**************
COMING SOON!!!!

