bc

Midnight Sinners

book_age18+
366
FOLLOW
1.2K
READ
dark
forbidden
possessive
family
age gap
scandal
powerful
CEO
bold
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Hindi masamang umibig, iyan ang itinatak ni Ellie sa kanyang murang isipan. Isa siyang puta kung tawagin ng lahat. Puta na kailangang buhayin ang sarili. Puta na sanay sa mabilisang pera kapalit ang puri. Ngunit dumaan ang araw, nagbago ang kanyang pananaw at muling inilapit ang sarili sa Diyos. Tinalikuran ang maduming gawain at tuluyang nag-bago. Pumasok si Ellie sa kumbento at tuluyang ini-alay ang pagmamahal sa Diyos. Sino nga ba ang maniniwala na ang isang puta ay may pag-asa pang mag bago? Isang puta na ngayon ay isa ng madre.

Ngunit nang makulong ang kanyang kapatid ay kinakailangan nito ng malaking salapi. Pikit mata siyang bumalik sa dating gawain.

chap-preview
Free preview
Prologue
Hindi masamang umibig, iyan ang itinatak ni Ellie sa kanyang murang isipan. Isa siyang puta kung tawagin ng lahat. Puta na kailangang buhayin ang sarili. Puta na sanay sa mabilisang pera kapalit ang puri. Ngunit dumaan ang araw, nagbago ang kanyang pananaw at muling inilapit ang sarili sa Diyos. Tinalikuran ang maduming gawain at tuluyang nag-bago. Pumasok si Ellie sa kumbento at tuluyang ini-alay ang pagmamahal sa Diyos. Sino nga ba ang maniniwala na ang isang puta ay may pag-asa pang mag bago? Isang puta na ngayon ay isa ng madre. Dumaan ang ilang taong paninilbihan ni Ellie bilang isang anak ng Diyos. Sa loob ng tatlong taong pagbabago ay naging masaya ang kanyang buhay. Nalinawan ang madilim nitong mundo na noon ay hindi alam kung saan patungo. Nagdaan pa ang mga araw nang kanyang mabalitaan ang pagkakasangkot ng kapatid sa isang krimen. Nakulong ang nakababatang kapatid na lalaki dahil sa salang pag bebenta ng droga. Nang makarating sa kanya ang balitang iyon ay hindi maikubli ang pag agos ng kanyang mga luha. Bakit? Tanong nito sa sarili. Bakit nga ba siya pinahihirapan ng tadhana? Kalahating milyon ang kanyang kailangan upang mapiyansahan ang kapatid ngunit saan siya hahanap ng ganong kalaking pera? Nangyare ang kanyang kinatatakutan. Ang magkasala sa Diyos at bumalik sa dating trabaho. Isang gabi lamang… isang gabi lang at hinding-hindi na niya ito muli pang gagawin. At nang dumating ang isang gabing iyon, maayos ang kanyang paalam sa simbahan. Sa gabing iyon ay pikit mata siyang nag sinungaling. Nakipagkita agad ito sa dating katrabaho na siyang nag-bigay sa kanya ng paraan upang makalabas ang kapatid sa kulungan. Muli niyang ibebenta ang sarili sa bilyonaryong hindi niya kilala. Nag-krus ang kanilang landas at doon naganap ang matinding kasalanan sa mata ng Diyos. Pagkakuha nito ng malaking salapi na sapat na upang pang-piyansa sa kapatid ay nag dasal siya. Umiiyak siyang nag dadasal at humihingi ng kapatawaran sa Diyos. Nang makalaya ang kapatid ay bumalik muli si Ellie sa kumbento. Pinilit niyang magpakatatag kahit na ang bigat-bigat sa loob ng kasalanang ginawa niya. Isang araw bago ang misa, tila pinaglalaruan ng tadhana si Ellie. Dahil may mga dumating na politiko at malalaking pangalan ng tao dahil sa papalapit na eleksyon. Hindi siya makapaniwala nang makita ang lalaking kanyang naka siping. Ang lalaking nag bayad ng milyong salapi upang maangkin lamang siya ng buong-buo. Mas lalo pa siyang nayanig nang malaman niyang ang lalaking ito ay walang iba kundi si Greco La Silva. Isang kilalang pangalan na may malaking tungkulin sa bansa.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.4K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.8K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.6K
bc

Reckless Hearts

read
256.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook